Chapter 14

1590 Words

Napatayo si Kris mula sa pagkakaupo niya sa tabi ko at para akong tuod na nag-angat ng tingin dito, hinihintay kung sasama ba ito kay Venice kaya nananatili ang atensyon ko rito. Umaasa na huwag siyang sumama at manatili sa tabi ko, umaasa na ako ang pillin nito kahit malabo namang mangyari iyon. "Let's talk about our marriage." Anang Venice saka pa tuluyan nang hinatak si Kris palabas ng VIP room. "Hala, nag-hallucinate pa nga ang gaga." Bulalas ni Vanessa na katulad ko ay laglag ang pangang nakatingin sa pintong pinaglabasan nila. Nakatitig lang ako roon habang tahimik na pinapakiramdaman ang pagkirot ng dibdib ko, para iyong unti-unting pinupunit sa sobrang sakit at hapdi. So, sumama nga siya kay Venice? Ganoon lang ba iyon? Gusto kong matawa, kalaunan nang mapait akong napangiti

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD