"Parang-awa mo na, Mirko, tulungan mo kami ni inay." Naisatinig ko ang kanina pang gumagambala sa utak ko. Maagap naman itong tumango at ngumiti sa akin, bahagya pa niyang ginulo ang buhok ko na madalas nitong gawin sa akin. Kaibigan ko nga talaga ang isang 'to. "Tutulungan ko kayo hanggang sa abot na makakaya ko." Aniya bago hinalikan ang noo ko. Mayamaya pa nang mapagdesisyunan na naming lumabas, sabay kaming naglakad pa palayo at imbes na sa main gate kami dumaan ay lumiko kami sa gilid, kung saan patungo sa pinakalikod ng school. Pinili namin ang mag-ober de bakod upang makaiwas sa mga reporter na alam kong naroon pa rin sa labas ng gate, wala silang palalagpasin hangga't hindi nakakakuha ng impormasyon. Nang makababa mula sa bakod ay hinintay ko pa si Mirko sa taas, mas nauna kas

