Kita tayo bukas sa Helene West, I know what you're going through. — Mirko, 11:57 PM Kagabi pa iyang text ni Mirko pero ngayon ko lang nabasa. Kagigising ko lang din at masakit ang ulo dahil naulanan ako kahapon, para pa akong lalagnatin ngunit pinilit kong bumangon. Hindi ko alam ang eksaktong oras ng pagkikita namin kaya minabuti ko nang maligo at mag-ayos. Hindi ko mahagilap si inay, marahil ay abala na naman ito sa pag-aayos ng kaso na isasampa namin kay Kris. Nabanggit nito kagabi na hirap din siyang humanap ng attourney upang ilaban ang kaso namin dahil karamihan sa kanila ay nanghihingi ng bayad, wala kaming pera kaya wala kaming magawa. Naisip ko lang din na tama itong desisyon na makipagkita kay Mirko, kakausapin ko siya at magbabakasakali na baka matulungan niya kami since at

