Chapter 19

1695 Words

Matapos kong magdasal para kay itay ay umalis na rin ako kaagad bago pa man bumagsak ang nagbabadyang ulan. Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang maalalang hindi pa ako pumapasok sa school. Dalawang linggo na rin yata at hindi ko alam kung tatanggapin pa ako once na pumasok ako. Wala akong balita, kahit kay Mirko ay hindi ko magawang magpakita dahil nahihiya na ako para sa sarili. Hindi ko nga alam kung kaya ko pa bang pumasok sa kabila ng mga nangyari sa akin. Natatakot ako sa hindi malamang rason, baka hindi ko na rin kaya pang ipasa ang semester sa ngayon. Alam ko naman din kasing hindi na ako ganoon kapursigido, hindi katulad dati kasi ngayon ay may lamat na. Ang laki na ng harang ko sa lahat ng mga gagawin ko. Sa madaling salita ay may pag-aalinlangan at natatakot na ako. Huminto

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD