"Hala sige at lumayas kayo! Wala kayong utang na loob, kabutihan ang pinakita at ganito pa ang isusukli ninyo!" Iyan ang mga katagang namutawi sa bibig ni Tita Carmen nang lisanin namin ang mansion nila. Nakakatawa lang kung iisipin, ano? Kabutihan? Saan banda roon ang kabutihan? Baka isampal ko sa kanila kung ano ang totoong kahulugan ng kabutihan. Huwag nila gawing excuse iyong kabutihan kuno na pinakita ni Ma'am Carmen. Oo at nagpapasalamat ako sa katotohanang pinatuloy kami nito sa loob ng isang linggo. Nakita ko kung gaano kabukal sa puso niya ang patirahin kami at isama sa monthly budget nila. Ngunit ganito ba ang isusukli niya sa amin ni inay? Na ayos lang sa kaniya ito dahil sa sinasabi nitong kabutihang loob niya? Kung ganoon, she doesn't deserve any single respect from us. H

