Isa, dalawa, tatlo... Napapikit ako nang mariin saka muling nagmulat ng mata, matagal kong pinakatitigan ang buong katawan sa malaking salamin na naroon sa loob ng banyo. Apat, lima... anim. Hindi ko na namalayan na may tumutulo na naman palang luha sa parehong mata ko. Mula sa reflection ng salamin ay nakikita ko ang hubo't-hubad kong katawan, lupaypay iyon at tila nanghihina. Halos hindi ko na rin mabilang kung ilang pasa ba ang mayroon sa buo kong katawan, iyong iba ay hindi ko na alam kung pasa pa ba o iyong tinatawag nilang kiss mark. May mga kalmot din akong natamo sa mukha. Pakiramdam ko ay wala ako sa huwisyo ngayon. Hindi ko makapa ang sarili ko na para bang nasa ibang planeta ang kaluluwa ko. Hindi ko rin alam kung anong emosyon ang unang ilalabas ko. Simula nang magising a

