"Welcome to Ipanema Beach!" Maligayang bati ng announcer pagkahinto ng sinasakyan naming jet ski sa dalampasigan sa nasabing beach. Kaagad akong dumungaw at namamanghang pinagmamasdan ang paligid, totoo nga ang nabasa ko sa google— most famous and sexiest beach itong Ipanema na matatagpuan sa Rio de Janeiro, Brazil. Laglag ang panga kong napatayo mula sa kinauupuan at sa pagkamangha ay kamuntikan pa akong malaglag sa jet ski, mabuti ay naroon na sa baba si Kris upang alalayan ako. "Slow down, baby." Aniya sa mababang boses sabay tawa ng nakakaloko. Halos mamula naman ang magkabilaan kong pisngi paakyat sa ulo ko. s**t, hindi ko malaman kung saan ako pinaka-excited, sa nakikita ko bang tanawin o sa katotohanang dito kami magha-honeymoon ni Kris? Lalong nag-init ang katawan ko sa naisip

