Sa pagbukas ng bagong kabanata para sa buhay namin ni Kris ay siyang kasabay din nang pagbubukas ng malaking pintuan ng Sto. Domingo Church— and yes, iisang simbahan at iisang tao ang muling pakakasalan ko. Walang iba kung 'di si Kris Warren Yu. I'm wearing my white trumpet silhouette wedding dress, samantala ay lavender at lilac ang napili kong theme sa kasal namin, since it's represent serenity, devotion, grace, and calmness. Apat na buwan ang lumipas matapos ang planadong proposal sa akin ni Kris ng araw na 'yon, except lang doon sa part na dumating sa eksena si Rebecca at nakigulo. Dati nang nagkausap si Mister Yu at inay, ang ama pa mismo ni Kris ang gumawa ng paraan para lumuwas si inay dito sa Manila, upang makahingi na rin ng tawad sa personal. Samantala ay napakiusapan naman n

