Mabigat ang puso ko, katulad kung gaano kabigat ang mga yabag ko sa sahig. Nalulungkot man sa nangyayari ay inisip ko na lang na lahat ng ito ay may dahilan. Pagkalabas sa building na pinaglulugaran ng condo unit ni Mirko ay agad kong nakita ang kotse ni Kris na naroon naka-park sa mismong tapat ng entrance, samantalang ito ay prenteng nakasandal doon. Nakapamulsa siya habang nakakrus ang dalawang paa. As usual, he's with his famous business attire, ang kaibahan lang ay mas lalo itong naging kaakit-akit sa suot niyang sunglasses. The f**k. Kaakit-akit? Wala sa sariling nailing ako sa katotohanang pinanganak talaga siyang perpekto, mula sa tindig at malaki niyang pangangatawan hanggang sa kagwapuhang taglay nito. "I missed you." Iyon ang nanuot sa pandinig ko nang makalapit ako sa kaniy

