Chapter 31

1613 Words

Kibit ang naging balikat ni Mirko nang sabihin ko sa kaniya ang plano naming pag-uwi ni Kris sa probinsya para bisitahin si inay, wala rin itong imik nang talikuran niya ako. Umawang pa ang labi ko dahil sa bulgaran nitong pambabaliwala sa akin, na para bang wala na lang sa kaniya itong sinasabi ko. Hindi nito magawang magalit o kahit ang maging masaya. Bagkus ay walang emosyon itong nakikipag-usap sa akin sa tuwing may kailangan lang pag-usapan, habang malalamig ang tinging ibinibigay sa akin kapag magtatagpo ang mga mata naming dalawa. Naging ilag sa akin si Mirko, gusto ko man sanang umangal ay hindi ko na lang ginawa. Naisip ko lang na marahil ay iyon ang paraan niya upang kalimutan ang nararamdaman para sa akin. Gusto ko ring humingi ng tawad dahil hindi ko naibigay ang pagmamaha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD