Sa sinabi ni Kris ay halos lumuwa ang parehong mata ko sa gulat, umawang ang labi ko, gusto sanang magsalita ngunit tila naputulan ako ng dila. Ang kaninang mabilis na pagtibok ng puso ko ay unti-unting bumagal, animo'y ano mang oras ay hihinto iyon lalo na nang makita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata nito. Paano niya nalaman? "A— anong sinabi mo?" Pabulong na sambit ko, hindi na halos marinig ang sariling boses. "May anak tayo, hindi ba?" Maang na pagtatanong niya. "Si Tricia Nicole." Natutuliro akong nag-iwas ng tingin, hindi malaman kung aamin ba sa kaniya at sasabihin ang totoo o hindi, ngunit ano bang masama kung sabihin ko sa kaniya? After all, may karapatan din siya bilang ama. Kalaunan nang makabawi ay dahan-dahan akong tumango, hindi ko na nagawang makita ang reaksyon ni

