Chapter 29

1583 Words

"Warren!" Malakas na sigaw ni Mister Yu nang walang pasabing tumalikod ito at deretsong lumabas na kasama ako. "Bumalik ka rito, hindi pa tayo tapos!" Mabibigat ang mga yabag namin, kasabay nang bigat sa dibdib ko. Ganito rin kaya ang nararamdaman ni inay noong sinusuway nito ang mga magulang para lang sa salitang pag-ibig? "Bumalik kayo rito!" Muli niyang sigaw. "Hernando, harangan mo ang mga 'yan!" Sa narinig ay awtomatiko kaming napahinto sa hamba ng pintuan, lalo na nang humarang ang isang lalaki na may malaking katawan, kasunod nito ay ang ilan pang mga kalalakihan na hinaharangan ang daraanan namin. Natatandaan ko pa ang iba sa kanila noon na siya rin mismong kumidnap sa akin sa playground upang dalhin dito sa mansion at suhulan ng isang milyon, kasama ng pag-urong sa kaso. Lah

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD