Agathus POV Isang linggo na ang nakalipas ngunit hindi pa rin umuuwi si Syrin. Alalang-alala na ako sa kaniya. Pina-imbestigahan ko na rin ang nangyari sa pagitan ni Syrin at ng sekretarya ko. Nakita ko mismo sa CCTV footage ang mga ginawa ng sekretarya ko. Hindi pa siya nakalabas ng ospital, pero tinanggal ko na siya sa posisyon niya bilang sekretarya ko. Ayokong magkaroon ng sekretarya na katulad nito. “Any update?” tanong ko sa mga taong sinuhulan ko upang maghanap kay Syrin. “Wala pa po kaming update sa kaniya, sir!” Napahilamos ako sa aking mukha. “Nasaan ka na, Sy?” bulong ko sa aking sarili. Isang balita ang pumukaw sa aking atensyon. Ang mag-asawang Lim ay nagpapress conference, at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Syrin na nasa tabi nila. Napatayo ako sa gulat, hindi

