Syrin's POV Walang paglalagyan ang tuwa na nararamdaman ko sa mga sandaling iyon. Habang yakap-yakap ako ni Mrs. Lim, hindi ko na kayang pigilan ang mga luhang bumagsak mula sa aking mga mata. Humahagulhol siya, at ramdam ko ang kanyang galak at pag-iyak. Para bang lahat ng sakit at lungkot na itinaguyod nila ay nawawala na sa isang iglap. Inalalayan ako ni Mrs. Lim sa sopa at nang magsalita siya, para bang ang bawat tanong niya ay humuhugot sa aking kaluluwa. “Honey, paano mo natagpuan ang anak natin?” naguguluhang tanong niya kay Mr. Lim, na ang mukha ay puno ng kalituhan at saya. Sumagot si Mr. Lim, "We accidentally met at the Pier. Naikwento ko sa kaniya ang nawawala nating anak. Then nang makita niya ang litrato, sinabi niyang siya ito. Una ko pa lang siya makita, ang gaan-gaan ng

