Chapter Twenty Syrin's POV Nasa labas ako ng Emergency Room kasama ko si Caden. “Ako iyong nahihilo sa ginagawa mo, Sy eh. Umupo ka nga!” sita ni Caden sa akin. Nagpabalik-balik ako sa paglalakad habang nakasabunot sa ulo ko. “Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang mangyari kay Ninong,“ wala sa sariling sambit ko, naging emosyonal na rin ako. “Bakit ka ba nagkakaganiyan? Hindi ba't sinaktan ka niya? Dapat galit ka sa kaniya!” Hindi niya ako naiintindihan..Oo nasaktan ako ni Ninong na halos gusto ko ng maglaho na parang bula pero siya pa rin eh. Siya pa rin ang laman ng puso ko kahit parausan niya lang ako. “Don't tell me, mahal mo pa rin siya? Matapos ng ginawa niya sa'yo?” “Oo, Caden kahit bali-baliktarin ang mundos siya pa rin ang nag-iisang lalaki na minahal ko ng

