Syrin's POV Chapter Twenty-One Syrin's POV “B-babe… gising ka na?” nauutal na sabi ni Tita Patricia at binitawan ako. Agad siyang lumapit kay Ninong. “Get out! I don’t want to see your face anymore!” itinaboy siya ni Ninong. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko, hindi ako makapaniwala na itataboy siya ni Ninong. Akala ko ba nagkabalikan na silang dalawa? Bakit ganito? “This is your fault, Syrin!” sabi ni Tita Patricia, kaya't napataas ang kilay ko. Bakit ako pa ang may kasalanan na itinaboy siya ni Ninong? Putcha siya! “I said get out!” sigaw ni Ninong. Maya-maya, pumasok ang doctor at ang assistant nurse nito. “Anong nangyayari dito?” “Please, Doc! Palabasin niyo ang babaeng iyan!” itinuro ni Ninong si Tita Pat. Sasampalin na sana ako ni Tita Pat ngunit mabilis ko 'tong nasalo.

