Syrin's POV Nang makarating kami sa palengke, inuusisa kaming dalawa ng mga tao tila ngayon lamang nila kami nakita. Kung sabagay, sobrang puti naman kasi ni Caden at may pino na kutis porselana. Para siyang may lahing koreano sa ganda at kinis ng kutis nito. “Ang gwaaaapo!” napalingon kaming dalawa sa biglaang pagtili ng bakla habang ito'y kumakain ng manggang hilaw. Kinikilig 'to kay Caden, hindi niya alam na katulad rin niya 'to may pusong babae. “Akin ka nalang sir!” dagdag pa nito sabay sabunot sa kaniyang buhok. Napapailing na lamang ako. “Hoy girl! Boyfriend mo? Pwede pahiram ng isang oras?” sambit nito at pinagtaasan ko 'to ng kilay. “Sorry but, hindi ko shina-share ang boyfriend ko sa iba,” malditang wika ko na ikinakunot ng noo nito. Nilingon ko si Caden, namumula ito s

