Syrin's POV Bago kami umuwi sa Maynila ay namigay muna ng tig 10kls at groceries si Ninong, lalo na sa pamilya ni Cad. Ngunit hindi ko napansin si Cad, di ko alam kung nasaan siya. Nandito kami sa covered court ng barangay namimigay kami ng tig sampong kilong bigas at groceries sa mga residente dito. “Hindi ba't si Syrin iyan? Sino iyong kasama niyang lalaki? Ang gwapo ha, parang si Ian Veneracion!” rinig ko mula sa isang ginang na nakapila. Titig na titig ang mga 'to kay Ninong. Selosa pa naman ako. Dapat akin lang si Ninong Agathus. “Iyan yata ang kumupkop kay Syin no'ng namatay sa disgrasya ang mag-asawang De Jesus,” wika ng isa. Hindi lang ako kinupkop ni Ninong, binigyan niya rin ako ng anak. Charot. Nagpalinga-linga ako sa paligid, nagbabakasakali na mahagip ng mga mata ko ang

