Syrin's POV Gusto ko pa sana hintayin ang aking phone, kaso inaya na akong umuwi ni Ninong. Napakamot na lamang ako sa ulo ko. Sinenyasan ko si Kuya Repairman na babalikan ko 'to bukas ng umaga. Tumango naman siya sa akin. Nakasunod lamang ako kay Ninong palabas ng mall. Pinagbuksan niya ako ng pinto. “Lumalabas ka na naman sa mansyon nang walang kasamang bodyguard,” usal niya. Nanatili akong tahimik. Baka kasi mahalata ako nito. “Pasensya na, Ninong,” sagot ko sa kanya ng mahinahon, kasabay ng pagpapasok ko sa kotse. Nakita kong nagdadalawang-isip siya sandali, pero tumango rin. “Sana lang, maging maingat ka, Syrin.” “Ayokong mapahamak kayong dalawa ng magiging anak natin. Sana, Sy, mag-iingat ka na at wag kang lalabas ng mansyon ng walang kasamang bodyguard,” paalala ni Ninong, hab

