Chapter Eight
Syrin's POV
"Syrin De Jesus!" muling tawag ni Ninong, at kahit narinig ko, hindi ko siya tinapunan ng pansin. Hindi ko na kayang makinig sa lahat ng reklamo at utos na iyon. Para bang lagi na lang akong nasa ilalim ng kanyang mga mata, laging may inaasahang gusto niyang mangyari sa buhay ko.
Hinila ko si Caden patungo sa kabilang ride, na may mas mataas na excitement at mas maraming tao. Sa kabila ng lahat ng nangyayari, kailangan ko ng konting kalayaan. Kailangan ko ng kahit isang sandali na hindi iniisip ang mga problema, ang mga expectation, at ang mga utos na hindi ko kayang sundin.
"Sy, okay ka lang ba?" tanong ni Caden habang magkasabay kaming naglalakad patungo sa susunod na ride. "Huwag mong hayaan si Ninong na guluhin ang mood mo. Alam mo naman, siya lang 'yan."
Napatingin ako sa kanya at ngumiti ng konti. "Hindi ko kasi alam kung paano siya aayusin, Caden. Parang wala akong space para magkamali. Gusto ko lang mag-enjoy, pero..."
"Huwag mong isipin siya," sabi ni Caden, sabay tapik sa balikat ko. "Hindi siya ang magdidikta kung anong pwede mong gawin, okay?"
Tiningnan ko siya at ramdam ko ang sincerity ng sinabi niya. "Salamat, Caden. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka."
"Okay lang 'yan, bestfriend. Basta nandito lang ako.”
Nang makapasok kami sa ride, nakakaramdam ako ng kahit kaunting pagdududa at takot, ngunit sa huli, natutunan ko na hindi ko na kailangan magtago. Sabi nga nila, minsan, ang kailangan lang ay magpatawad sa sarili at tanggapin na may mga bagay na hindi mo kayang kontrolin.
Nagulat na lamang ako nang hilahin ako ni Ninong at binuhat, parang wala akong kalaban-laban. "Let go! Ninong!" sigaw ko, pero tila wala siyang pakialam sa mga galit na salita ko.
"Tama na 'yan, Syrin!" wika ni Ninong, ang mga mata niya ay puno ng galit at pagka-disappoint. "Hindi kita pwedeng hayaan mag-aksaya ng oras dito, hindi ganyan ang pagpapalaki ng mga namayapa mong mga magulang sa yo!"
Naramdaman ko ang pagtaas ng tensyon sa pagitan namin. Napaka-frustrating ng sitwasyon. Bakit ba kailangan niyang kontrolin ang bawat hakbang ko? Gusto ko na lang magpahinga at mag-enjoy kahit saglit, pero hindi ko siya kayang suwayin.
"Let go na!" sigaw ko ulit, ngunit hindi ko na siya kayang pigilan. Ang lakas ng mga kamay niya, at kahit na anong pilit ko, hindi ko magawang makawala.
Si Caden, na kanina ay tahimik, ay lumapit at pinigilan si Ninong. "Syrin's right, Ninong. Masyado mong kinokontrol ang buhay niya. Hindi mo siya pwedeng pilitin gawin ang lahat ng gusto mo."
Saglit na huminto si Ninong at humarap kay Caden, ang mga mata niya ay naglalabas ng galit. "Who the hell are you para pagsalitaan ako ng gan'yan? Did you know me?!" Sigaw ni Ninong, at ramdam ko ang init ng galit niya sa boses.
Hindi ko alam kung paano aaksyon si Caden. Si Ninong kasi, kilala sa pagiging mahigpit at hindi basta-basta nagpapatalo, kaya’t nakakatakot ang reaksyon niya. Pero hindi ko rin kayang tiisin kung paano kami pinapalakas ng mga limitasyon niya.
Hindi na nakapagpigil si Caden at tumugon. "I don't care who you are, Ninong. I'm just looking out for Syrin. I know what she's going through, and I won't let you make her feel like she's nothing!"
Nararamdaman ko ang pagkabigla sa mga salitang iyon, ngunit sa kabilang banda, masaya akong may nagmamalasakit sa akin. Hindi na ako mag-isa sa laban ko. Tumagilid si Ninong at tumahimik ng saglit, parang sinusuri ang mga sinabi ni Caden.
"Ninong, hindi ko kayang patuloy na mabuhay sa ilalim ng kontrol mo. May mga desisyon akong kailangang gawin para sa sarili ko. Hindi ko kayang mabuhay nang palaging iniisip ang mga expectations mo."
Hindi ko siya iniiwasan. Hindi ko siya iniiwasan sa galit ko, pero kailangan ko ring ipaglaban ang sarili ko.
Nag-angat ng tingin si Ninong at nakita ko ang mga mata niyang puno ng emosyon. Hindi ko alam kung anger o disappointment ang nararamdaman niya, pero alam kong hindi siya sanay sa ganitong sitwasyon.
"Fine," sabi ni Ninong sa wakas, "but this is not over yet." Tumalikod siya at naglakad palayo, ngunit bago siya tuluyang umalis, humarap siya kay Caden at sinabi, "Take care of her... if you're really serious about her." wika niya at sabay akong ibinaba at !nagwalk-out. Parang walang anuman sa kanya ang ginawa niyang iyon, ngunit ang bigla niyang pag-alis ay nag-iwan ng kabiguan at pagkabigla sa akin. I couldn't help but feel confused about what just happened.
Tumayo ako nang dahan-dahan at tumingin kay Caden, na ngayon ay nag-aalala at lumapit sa akin. "Syrin, are you okay?" tanong niya, ang mga mata niya ay puno ng concern.
Kahit na nasaktan ako sa nangyari, iniiwasan ko pa rin magpakita ng kahinaan. "I'm fine," sagot ko nang medyo matigas, kahit na ang sakit ay nararamdaman ko pa rin. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko—galit, takot, o kalungkutan.
Pero sa mga sandaling iyon, si Caden lang ang nagbigay ng kahit kaunting comfort. Nakita ko sa mata niya ang tapat na alalahanin. "Are you sure? Kasi kung may kailangan ka, I'm here," sabi niya, at niyakap ako nang mahigpit.
Nahulog ang mga luha ko sa mga mata ko, hindi ko na kayang pigilan. Minsan lang kasi mangyari ito, at sa kabila ng lahat ng nangyari, ramdam ko na may isang tao na hindi ako iiwan—si Caden.
"T-thanks, Caden," sabi ko habang iniwas ko ang mukha ko, na parang hindi ko kayang ipakita ang lahat ng sakit sa kanya. Pero ramdam kong kahit paano, may ilang piraso ng kaligayahan na sa kanya ko lang matatagpuan.
Iyong saya at excitement na naramdaman ko kanina lang ay naglaho na parang bula. Di ako sanay na gano'n si Ninong.
Yeah. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siyang may ibang kasamang babae lalo na't kanina na may kahalikan siya sa loob ng kaniyang opisina.
Pero 'yung side niya kanina ay hindi ko talaga ma-attempt na tanggapin ito. I know him well, ilang months na rin ako sa puder niya. Nakakapanibago si Ninong kanina.
Hay!
“Sy? Iyong ilong mo dumudugo!”