Xyzrielle's PoV: Inihatid ko na si Athena pag katapos ng nangyari. Ipinagsawalang-bahala ko na ang sinabi nya. Alam ko namang nagbibiro lang sya. Duh. Nagsimula na akong maglakad papunta sa classroom ko. Naririto na naman ang ilang mga bumabati sa akin. Sa totoo lang ay hindi ako sanay. Pero kailangan ko silang batiin pabalik. Baka mamaya, madagdagan na naman ang mga bashers ko. Chos, haters lang pala ang meron ako. Yes po, opo. Nagkaroon po ako ng mga ganoon. Hindi naman talaga 'yon maiiwasan dahil maraming admirers ang aking *ehem* girlfriend. At hindi nila tanggap na sa akin lang bumagsak ang minamahal nila. Mayroon ngang sabi-sabi na mangkukulam daw ako at ginayuma ko si Athena. Duh. Sa cute kong ito? Mangkukulam? Ako na siguro ang pinakacute na mangkukulam kung sakali man. Na

