Xyzrielle's PoV: Pagkatapos ng break time ay nagpaalam na rin si Erin sa amin. Hindi nakatakas sa paningin ko ang titigan nilang dalawa ni Ella na parang may something. Something fishy eh? Malalaman ko rin 'yan soon. Heto ako ngayon at nakasunod kay Arts. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. May mga nakikita pa naman akong kapwa ko estudyante kaya safe pa siguro ako. Napakabilis ng pangyayari. In just a blink of eye, natagpuan ko na lang na may nakabangga kay Athena. At mukhang natapunan pa sya ng tubig. Agad na gumuhit ang pagkabanas sa kanyang mukha. Okay ready in 3, 2, 1... Habang ang lalaking nakabangga sa kanya ay takot na takot. Nanginginig na rin sya. He's trembking in fear. Baka nga mamaya ay maihi pa sya sa sobrang takot. Mukhang freshman pa lang sya rito sa University. Sin

