Athena's PoV: Habang inaantay namin si Jared at ang mga foods ay naisipan muna naming magchikahang tatlo. Oo, tatlo. Hindi kasama si Brownie. Tahimik lamang sya sa isang tabi. Alam kong nao-op na sya but I don't care muna. Siguro ay nagtitingin-tingkn na lang sya sa mga kaibigan nya na nasa malapit lang. "Stacey, kumusta naman 'yung naka one night stand mo?" Pag-uungkat ni Ella. Yes, pati ang mga iyon ay hindi nakakalagpas sa amin. Wala kaming tinatagong lihim sa bawat isa. We trust each other. Updated kaya kami sa lahat ng nangyayari. "Oo nga. Nakita mo na ba sya ulit?" Dagdag ko pa. Nasabi nya sa amin na gusto nyang mameet ulit ang taong 'yon. Medyo nacucurious na rin kami dahil sino nga ba ang nakakuha ng interes ng dakilang playgirl ng SU. Knowing Stacey, hindi sya naghahabol

