Xyzrielle's PoV: Ano bang pinagsasabi kanina ni Athena? Hindi ko maiwasang maguluhan. Hindi naman ako makikipagkita sa iba eh. Hello~ si Margarette lang naman ang kikitain ko at isa pa, kaibigan ko ang isang 'yon. Medyo may energy pa ako kaya sasamahan ko na sya. Kawawa naman. Baka umiyak. 'Diba ang sabi ni Athena, magstay ka lang sa bahay mo?' Pagsabat ng aking isipan. Oo nga pala, sinabihan nya ako non kanina. Ayaw ko. Bored na ako rito sa bahay ko eh. You know, gala pa naman akong tao. Idol ko kasi si Dora The Explorer. Pagkauwi ko sa bahay ko ay kumain muna ako. Pagkatapos ay naglinis ng kaunti at nag-ayos ng mga gamit. Oh ha, diba hindi ako burara at makalat. Nakakahiya kapag nagkataon na may biglang dumating na bisita rito. Mygoodness. Bakit nawawala ang pusa kong si Buricat

