Date na nga Ba?

1041 Words
CHAPTER 10 HASRA POV “Ahem.” Nagulat ako nang biglang may humarang sa harapan ko paglabas ko ng classroom. Si Kael. Nakatayo siya doon, hawak ang notebook niya, tapos parang… parang may sparkle sa likod niya? O baka guni-guni ko lang dahil pagod ako sa pag-debate kay Kimmy kanina. “Hasra… wait.” “Ha? Why?” sagot ko, kunot noo pero kinakabahan. Pinakamalupit dito? May mga nakakatinging estudyante sa hallway. Iyong iba kilig, iyong iba naiinggit, at iyong iba specifically KIMMY MIGLANTE ay parang bulkan na nasa countdown ng pagsabog. Kael huminga nang malalim. “About kanina… impressive ka. Sobra.” Napasinghap ako. “Ha? Ako?” “Yeah,” nakangiti siya, tipid lang pero nakaka electric shock sa tuhod ko. “The way you answered the professor, tapos ‘yong rebuttal mo sa pins- I mean, sa kaklase mong si Kimmy…” Ayun na. Nagsisimula nang mag-init ang tenga ko. “Eh ano naman?” kunwari deadma ko. Pero sa loob-loob ko? AAAAHHHHHHH. “I think you’re… incredible.” BOOM. End of world. Lagapak utak ko. Hindi ako makahinga sandali. Pero bago pa ako makasagot “ATEEEEEEEE!!!” Pabulaga. Pabulalas. Parang train na nawalan ng preno… Si. Jhonax. “ATEEEE NAGKAKAROON KA NA NG LOVELIFE?!” sigaw niya habang tumatakbo papunta sa amin, may dalang dalawang Hotdog Sandwich pa. “OMG SI KAEL?!” “Oh my G- J-JHONAX!!!” halos sumabog ang boses ko. “TIGILAN MO KO!” Kael tumawa. Hindi lang yung simpleng tawa yung tipong natutuwa talaga. “Hi Jhonax,” bati niya. “HI KUYA KAEL!” sagot ni Jhonax, hyper na hyper. “Pwede ba ko maging best man pag kinasal kayo?” “WHAT?!” sabay naming sagot ni Kael. Naririnig kong naghuhuramentado sa malayo si Kimmy. “Ano ba ‘yan si Hasra na naman! Bakit kahit saan ako pumunta, may pa-romcom ang buhay niya?!” Pero dedma muna ako kay Alien sa malayo. Tinakpan ko ang bibig ni Jhonax. “Manahimik ka diyan bago kita i-donate sa orphanage!” Nagwawala siya. “Ayoko! Ayoko! Ateeee crush ka ni Kuya Kael! Kita ko sa mata niya! Hindi ako bulag!” Kael, the audacity, ngumiti. “I don’t mind if he says that.” AY PUTOL NA SILYA KO. “H-ha?” He stepped closer. As in CLOSE. Parang maririnig niya t***k ng puso ko. “Hasra… gusto mo ba… mag-lunch later? With me?” Namalapit pa yung mukha niya nang- “ATEEEEE OH MY GOOOOOD!!! DATE!!! DATE!!! DATEEE!!!” “JHONAX I SWEAR TO GOD” Tawa nang tawa si Kael. As in tawang nakakababa ng IQ ko kasi sobrang gwapo. “Okay lang, I like persistent energy,” sabi ni Kael habang inaayos ang strap ng bag niya. Nagulat ako. “Persistent energy?” “Yeah,” tumingin siya kay Jhonax. “And he’s… interesting.” “OMG KAEL GUSTO MO KO ISO-INTERVIEW?! Pwede! Eto resume ko!” Bigla niya inilabas pocket notebook niya. “Skills: pang-asar, pang-gulo sa love life ng ate ko” Sinampal ko likod niya light lang. “TIGILAN MO!” Kael tumawa ULIT. Diyos ko Lord. Kung laughter is the best medicine, patay na ko sa overdose. Pumunta kami sa Cafeteria Sumabay sa amin si Kael. Actually, sumabay sa amin dahil siningit ako ni Jhonax. “Ate, you sit beside Kael. Dapat sweet kayo. Dapat magkadikit kayo. Dapat parang K-drama.” “JHONAX I’M SERIOUS” “Shhhh, ate, love is in the air.” Nakakamatay talaga tong kapatid ko minsan. Umupo ako. Kael sat beside me. Jhonax across us, acting like a host of a dating show. “WELCOME TO ‘KAEL x HASRA: THE LOVE STORY BEGINS’,” announcement niya. “Episode 1: Ang Paglapit ng mga Puso” “Jhonax…” tinig ko na may halong banta. “Umayos ka.” Kael leaned a bit closer. “Hayaan mo na muna siya. He’s funny.” “Funny siya? Hindi ikaw yung araw-araw na ini-stress niya,” sagot ko. “Hey!” protest ni Jhonax. “I spread joy! I bring kilig! I am love itself!” “Love mo mukha mo” Kael laughed again. “You two are really close, no?” I blink. “Uh… yeah. He’s annoying pero… I love the kid.” Jhonax biglang napangiti, proud. “Ate loves me.” Then he pointed at Kael. “Ate, saan banda nag-start feelings mo para kay Kuya Kael? Sa buhok? Sa dimples? Sa pagiging matalino? Sa” “JHONAX!” napasigaw ako. Kimmy always eavesdropping almost choked on her mango shake sa kabilang table. “Ano ba yan Hasra! Pati lunch time mo may fans club!” I smirked. “Sorry Kimmy, life ko kasi may laman. Hindi tulad ng-” “EXCUSE ME?!” “Okay break it up,” sabi ni Kael. “Let’s eat first.” Pagkatapos namin maglunch. Syempre kasama pa rin si Jhonax, ang unli-energy bata. “Teka lang,” sabi niya. “May question ako.” Napahinto kami. “What now?” tanong ko, pagod na pagod na. “Sino maghahatid sa amin pauwi? Ako nalang ba magdadrive or si Kael pwede sumama sa amin?” I choked. “WHAT?! WHY WOULD HE-” Kael, calm as always: “If you want… I can.” “Ayieeeeeeeeee!!!!” Sigaw ni Jhonax na parang may fireworks. “ATE MAY KA-LOVE TEAM KA NA TALAGA!” Hinawakan ko noo ko. “Lord, kunin N’yo na ’to. Ayoko na.” Kael ngumiti. “Hindi naman ako lalayo kung ayaw mo.” Nararamdaman kong kinakabahan ako nang sobra. “D-di naman… ayaw.” Kael’s voice softened. “Good.” My heart? Gone. Basang tissue. “Hasra,” tawag ni Kael. “Can I walk with you later?” Napakurap ako. “Ha? Saan?” “Anywhere. Basta… kasama ka.” Naramdaman ko mainit na kilig umaakyat sa batok ko. Pero bago ako nakasagot “ATEEEEEEE!!! ITO NA NAMAN AKO!!! THIRD WHEEL MAPA-FOREVER!!!” “JHONAAAAAAX!!!” Kael laughed the loudest he had today. “I think your brother and I will get along very well.” “Hindi ko alam kung blessing ba yan or curse…” bulong ko. Pero ngumiti rin ako. Hindi ko mapigilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD