Payo ng Magulang

1005 Words
CHAPTER 11 RARA POV “MOOMMYYYYY!!! WE’RE HOMEEE!!!” Nagulat ako sa sobrang lakas ng sigaw ng dalawang anak ko pagpasok nila sa mansion. Parang may nagbagsak ng dalawang hollow blocks sa pinto. Narinig ko pa yung sapatos nilang sabay-sabay na nagkalabugan sa sahig. Paglingon ko, ayun na sila si Hasra na mukhang pagod pero nagtatapang-tapangan, at si Jhonax na parang may flu sa sobrang daldal. “Good afternoon, Mommy!” sabay nilang bati, pero hindi sabay ang vibes. Si Hasra = parang gusto mag-walk out. Si Jhonax = parang reporter sa TV. “Ate pumapag-ibig naaaa!!” bulyaw agad ni Jhonax, halos mabitawan ko yung hawak kong tray ng cookies. “JHONAAAAX!” sigaw ni Hasra sabay habol dito. Tumakbo si Jhonax paikot sa sofa. “Ayaw niya aminin pero grabe mommy! Pumipintig pintig yung puso niya kay Kuya Kael!” “ANO PINIPINTIG?!” sigaw ni Hasra, namumula. Napaupo ako. Hinawakan ko sentido ko. “Lord… bakit ba parang dalawang kulog ‘tong mga anak ko?” Naghahabulan pa rin sila. “ATEEEEEEEEE!!!” asar ni Jhonax. “HALIKA DITO! UUPITAN KITA!!!” banta ni Hasra. “Ay sus,” sabi ko. “Maghugasan kayo ng kamay at magbihis. Ang baboy n’yo tingnan, parang dalawang batang tumalon sa drainage.” Huminto sila sandali. Pero siyempre, hindi pa tapos ang kaguluhan. “Mommy…” sita ni Hasra na frustrated. “Si Jhonax kasi! Kanina pa ako inaasar! Wala naman akong ginagawa!” “Totoo naman mommy,” sagot ni Jhonax, taas-kamay. “Ate nagpa-kilig kay Kael nang bongga. Gusto pa nga yata nilang mag-holding hands” “HOLDING HANDS BA KAMO?!” umatungal si Hasra at hinabol uli si Jhonax, hawak ang unan, handang ipukpok. Tumakbo sa likod ko si Jhonax. “Moooommmyyy tulong! Tinutulungan ka ng destiny para magkaroon ng manugang!” “DESTINY KANG BATA KA!” pagal ni Hasra. Huminga ako nang malalim. “ENOUGH!” Tumigil sila. Parang statue sa Rizal Park. Biglang tahimik. Nagkatinginan, tapos tumingin sa akin. I crossed my arms at tinitigan ko silang dalawa. “Umupo kayo.” Sabay silang umupo sa carpet, parang dalawang aso na nahuling kumain ng tsinelas. “Hasra,” sabi ko, calm pero may diin. “Anak, hindi masamang magkagusto ha. Normal yan. Pero…” Tumingala siya sa akin, medyo kinakabahan. “Pero mommy… hindi naman ako” “Shhh. Let me finish.” Inayos ko buhok niya. “Una, you’re smart. You’re kind. Marunong kang tumayo sa sarili mong paa. Proud na proud kami ng daddy mo sa’yo.” Nanliit ang mata niya, parang gusto umiyak. “But,” dagdag ko, “meron kasing priorities sa buhay na hindi mo pwedeng kalimutan.” “Like… school?” bulong niya. “Yes. EXACTLY.” Nagtaas ako ng isang daliri. “Number one Education. Kung gusto mo ng magandang future, kailangan mo unahin ang pag-aaral.” Pangalawang daliri. “Number two Self-respect. Hindi porke kinikilig ka ay ibibigay mo agad lahat ng puso mo sa isang lalaki. Hindi porke sweet si Kael, eh… go ka agad.” Tumingin siya sa sahig. “Hindi naman po ako ganun, mommy.” “I know. Pero I want you to be wise.” Niyakap ko balikat niya. “Anak, love can wait. Education cannot. Pwede mong makuha ang boyfriend anytime. Pero ang diploma? Pag napabayaan mo ‘yan, mahirap bawiin.” Tahimik. Si Jhonax naman biglang sumabat. “Pero mommyyyy… paano kung super guwapo ni Kael? Paano kung destiny?” “DESTINY KA DYAN!” sabay bagsak ko ng throw pillow sa kanya. “Nyehehe.” tawa niya. “Jhonax, ikaw naman,” sabi ko, tumingin ako sa kanya nang matalim. “Stop teasing your sister. Nakakabastos ka na minsan.” Pumout siya. “Pero mommyyyy… masaya eh.” “Masama yang masaya na yan kung nakakasakit ka. Hindi lahat ng joke nakakatuwa. Minsan nakakainis.” “Fineee…” sagot niya, umismid. “Pero mommy…” napakaliit ng boses ni Hasra. “Hindi naman po ‘to jowa-jowa agad. Kael just… talked to me.” “Kinikilig ka?” tanong ko, smirking. “M-MEDYO…” bulong niya na sobrang hina na parang huni ng kulisap. “AHAHAHAHAHA!!!” tawa agad ni Jhonax. “AYAN NA! AYAN NA! INAAMIN NA—” Isang malakas na hampas ng throw pillow ang lumanding sa mukha niya. “Sige pa! Kulitin mo pa ko! Tignan natin!” “HMPF!” tampo ni Jhonax. Tumingin ako sa kanilang dalawa, seryoso pero may lambing. “Listen. Mommy isn’t prohibiting you from liking someone. Pero gusto ko maunawaan n’yo…” Humawak ako sa kamay ni Hasra. “Anak… ang puso? Madaling magising. Madaling magpadala. Pero ang isip yan ang kailangan mong palakasin. Para hindi ka masaktan. Para alam mo kung kailan ka dapat magmahal… at kailan ka dapat maghintay muna.” Humawak ako sa kamay ni Jhonax. “And you. Support your sister, wag mo siyang pahiya.” Nagkatinginan silang magkapatid. Tahimik. Then… “Sorry ate…” sabi ni Jhonax, mangot. “Sorry din…” tugon ni Hasra. Nakangiti ako. Pero siyempre… hindi matatapos ang araw na walang kalokohan. Biglang sinabi ni Jhonax: “Pero ate… promise me one thing.” “Ano?” takang tanong ni Hasra. “Kung magka-boyfriend ka… dapat i-audition mo muna sa’kin!” “HAHAHAHAHAHAHA!” napasigaw akong tawa. Si Hasra? Tumayo na naman para habulin yung kapatid niya. “COME BACK HERE YOU LITTLE” Tumakbo si Jhonax. “AHAHAHAHA CATCH ME IF YOU CAN, LOVERS CLUB PRESIDENT!” “Ano ba yan!” sigaw ko habang nagtatawanan sa buong mansion. Ang gulo nila. Pero ang saya. At least, natuto sila. Hayssts kahit kailan talaga to mga anak ko parang aso't pusa kahit ganon mahal nila ang isa't-isa. Naghahabulan na naman ang anak grabi ang kukulit but I'm very happy they came to my life sarap sa pakiramdam na meron kang mga anak na masunurin kahit tupakin ito minsan kahit anong mangyari aalagaan ko sila at protektahan sa ano mang unos ang darating sa buhay namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD