Choco Bun

1242 Words
CHAPTER 12 BAKIKONG POV Pagkatapos ng sobrang toxic na araw sa kumpanya, halos hindi ko na alam kung saan ko ibabagsak ang ulo ko. Parang gusto ko nang i-archive lahat ng empleyado ko at maghire na lang ng robot. Sobra silang kulit ngayong araw, at parang alam nilang pagod ako kaya mas lalo silang nagpapaka-clown. Pagpasok ko sa elevator kanina, sabay-sabay na sumalubong yung mga “Good afternoon sir!” na parang choir. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis. Pero syempre, professional ako. Proud CEO. So ngumiti ako, kahit feeling ko basang-basa na ang noo ko sa pagod. Pagbukas ng elevator sa office floor ko, ayun na naman. Si Hannah, ang secretary ko na obvious na obvious na may crush kay Jhonax. Hindi ko alam kung bakit. Eh ang anak kong yun parang may screw na kulang sa utak. Pero ewan love is blind talaga. “Sir! Good afternoon po! Nai-email ko na po lahat ng files na kailangan n’yo!” “Oo, sige. Good job.” “Sir? You look tired.” “Hindi ako pagod. I’m spiritually exhausted.” Tawa siya ng tawa. Hindi ko naman siya pinapatawa. Pero sige na nga. Basta matapos lang ang araw ko. Pagpasok ko sa opisina ko, muntik ko nang murahin yung tatlong managers na nag-aaway: “Sir, 25 pesos po ba o 27 pesos ang price ng Salsal Choco Bun?” “Hindi kayo nag-iisip?!” Putangina, dalawang piso pinag-aawayan nila. Dalawang piso. Grabe talaga. CEO ako, hindi ako preschool teacher. After that, dumating pa yung problema sa logistics. Yung bagong delivery truck namin na branded pa talaga with “SALSAL ENTERPRISES” ay natitingnan ng tao sa kalsada na parang bastos na billboard. Pero the worst part? Nakasulat sa gilid ng truck “FRESHLY BAKED SALSAL BUNS READY TO EAT.” I swear, gusto ko talagang sampalin ang marketing team. Pero dahil mabait akong CEO (kahit pagal na pagal), nag-meeting pa ako hanggang halos 4 PM. At nang tuluyan akong makalabas ng building, para akong lumaya sa kulungan. Pagkapasok ko sa sasakyan, sabay bagsak ng likod ko sa upuan. “Sir, uwi na po?” “Oo. Please. I want my family. They’re the only people sa mundo na hindi ko masisibak.” Tumawa yung driver. Ako? Hindi. Seryoso ako sa sinabi ko. Pauwi na kami, at habang nakatanaw ako sa bintana, naalala ko bigla yung asawa ko si Rara. Tangina, mahal na mahal ko yun. Kahit masungit. Kahit minsan mas malakas pa sumigaw kaysa sa alarm clock. Kahit kahapon sinampal niya abs ko dahil wala daw siyang panty. Pero she’s my everything talaga. Habang nasa biyahe, nag-vibrate ang phone ko. Message ni Rara. “Mahal bilisan mo uwi. May asaran nang nagaganap dito. Parang nanalo sa sabong mga anak mo.” Napangiti ako. Ito yung gusto kong uwian kaguluhan pero masaya. Pagdating namin sa mansyon, bumungad sa akin yung dalawang guard na parang mga statue. “Good evening sir!” “Good evening,” sagot ko habang papasok. Pagpasok ko sa pinto, BOOM. Kaguluhan agad. Si Jhonax, tumatakbo sa hallways. Si Hasra, may hawak na throw pillow na parang weapon. At si Rara, nakaupo sa sofa pero halatang nasa mode na ng pagod pero amused. Pagkadinig nila ng yabag ko “DADDYYYYY!!!” sabay sigaw ng dalawa. Napatingin ako kay Rara, nagulat ako sa sobrang ganda niya kahit nakapambahay lang. At kahit may tirang tampo siya sa akin dahil siguro hindi ako nag-chat ng “On the way home mahal” kanina. Lumapit ako kay Rara, sabay kiss sa pisngi niya. “Hi mahal. Miss ko 'to.” Kiniliti niya bewang ko. “Ako lang? Hindi ka nag-miss ng anak mo?” “Depende. Sino ba sa kanila yung hindi naghahabol ng kapatid niya?” Sumigaw si Hasra “DADDY! Si Jhonax kasi! Hindi marunong tumigil mang-asar!” “Aba!” sagot ni Jhonax. “Eh si Ate naman, konting kilig kay Kael, umiinit ulo!” Napangiwi ako. Ah. Ito na pala yung issue. Yung Kael na tinutukoy nila kahapon. Humarap ako kay Rara, bulong ko: “Mahal… sino yung Kael? Kuryente ba yun? Bakit may spark si Hasra?” Nag-smirk si Rara. “Ikaw talaga. Ewan ko sayo. Mamaya ko ikukwento.” Pero bago pa niya masabi, lumapit si Hasra sa’kin, pulang-pula yung mukha. “Daddy hindi ako pumapag-ibig! Si Jhonax lang nag-iimbento!” “NO NO NO!” tili ni Jhonax. “May spark talaga Daddy! Nakita ko! Parang electric shock!” “Ano ka? Electrician?” sagot ko. Tawa nang tawa si Rara. Ako rin, pero syempre seryoso kuno ang mukha ko. Tinawag ko silang dalawa. “Kids. Palapit kayo dito. Sit.” Umupo sila sa harap namin. Mukha silang dalawang dutiful puppies. “Ano ba tong naririnig kong Kael na to? At bakit parang may nagseselos na hindi naman dapat nagseselos?” Si Hasra, halos lumubog sa carpet. Si Jhonax? Proud na proud. “Daddy, si Kael yung” “SHUT UP JHONAX!” sigaw ni Hasra. “Hindi ako magshu-shut up! Truth shall set you free!” “TANGIN” “AHEM!” sigaw ko. “HASRA. Watch your words. Di ka pwede magmura pag may nagkakagusto sa’yo.” “DADDYYY!!!” Napahagulgol siya sa frustration. Napatawa ako. Ang cute niya pag nagmamaktol. Si Rara kinikilig na sa gilid. Halatang aliw na aliw sa kaguluhan namin. Bigla kong hinila si Hasra at niyakap. “Anak, wala namang masama dyan. You’re growing up. Pero wag kayo mag-aaway ng kapatid mo, okay?” “Mhm… pero Daddy kasi” “Ano?” tanong ko. “Si Jhonax nakakainis!” “Ano, gusto mo ibenta ko na?” biro ko. “YES PLEASE!” sagot niya agad. “WOW AH!” sigaw ni Jhonax. “Ako pa ibebenta mo? Ako nga nagbibigay ng spice sa bahay na ‘to eh!” “Spice ka jan,” sagot ko. “Parang anghang mong sili.” “Hot kasi ako,” sagot niya sabay taas kilay. “WAG KA MAGTAAS NG KILAY SA’KIN BATA KA!” sigaw ko. Tawanan silang lahat. Pati si Rara, halos mahulog sa sofa sa kakatawa. Pagkatapos ng ilang minuto ng kulitan, hinila ako ni Rara papunta sa kusina para mag-usap privately. Pagkasara ng pinto “Ano mahal… ready ka na sa chismis?” “About Kael?” Nakangiti siya. “Oo. Yung new crush ni Hasra.” Napanganga ako. “CRUSH?! So confirmed?!” “Tingin ko oo. Pero wag ka mag-alala. Mabait yung bata.” “Ganun ba?” tumango ako. “Pero mahal… ready na ba ‘ko maging father-in-law?” “Hoy!” siniko niya ako. “Wag ka mauna. Wala pang jowa-jowa anak natin.” “Good. Kasi pag nagka-boyfriend ‘yan, bibili ako ng bagong belt.” “BAKIKONG!” sigaw niya, natatawa pero nagagalit kuno. Ni-kiss ko siya sa noo. “Joke lang mahal. Hindi ko papahirapan yung bata… masyado.” Niyakap niya ako. At doon, bumaba lahat ng pagod ko. Pag kasama ko sila, wala nang stress. Wala nang Salsal breads. Wala nang truck na mukhang bastos. Wala nang toxic managers. Family ko lang. Chaos man sila… pero sila ang peace ko. At habang inaasar ng dalawa kong anak ang isa’t isa sa sala, habang si Rara naman nakayakap sa’kin… Alam ko ito ang pinakamagandang part ng araw ko. At bukas? Sigurado akong may bago na namang kaguluhan. Pero okay lang. Kaya ko. Kasi mahal ko sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD