CHAPTER 13 HASRA POV Bandang alas-7 ng gabi, kauupo ko pa lang sa sofa nang biglang may malakas na busina sa labas. Halos napatalon si Mommy, si Daddy napakunot ang noo, at si Jhonax ay agad tumili ng: “Ate! Ate! Baka jowa mo ‘yan! Baka si Kaeeeel! Hala kaaaa!” Tumaas agad ang dugo ko sa inis. “Tumahimik ka nga, Jhonax! Wala akong jowa!” Pero bago pa ako makapagpatuloy, narinig namin si Manang Liza mula sa pinto. “Sir, Ma’am… papasukin daw po ba natin?” Narinig ko ang boses ni Daddy, sobrang lamig, parang boses ng kontrabida sa pelikula: “PA-PASOKIN.” At doon ako napasigaw nang mahina. “Kaya ko pa po huminga, Lord… konting awa naman.” Dahan-dahang bumukas ang pinto… At doon ko siya nakita. KAEL. Nakatayo. May suot na white polo na nakatuck in. May hawak na malaking bouquet.

