CHAPTER 7
RARA POV
Napabuntong-hininga na lang ako habang nakatingin sa dalawang anak namin na parang may sariling comedy bar sa gitna ng living room. Si Hasra nag-aayos ng hair niya sa malaking salamin na tila may press conference siya mamaya, habang si Jhonax naman nag-eexercise daw pero sa totoo lang, tumatalon lang siya sa sofa na parang may invisible trampoline.
“Mommy, tingnan mo ’to oh! I’m Spiderboy!” sigaw ni Jhonax habang nakadapa sa sofa, nakaangat ang dalawang paa at dalawang kamay.
“Di Spiderboy ’yan. Spider-BOGOK ’yan,” sagot naman ni Hasra sabay irap.
“Aba! Ate! Gusto mo ata masampolan ng web ko!” sigaw ni Jhonax sabay kalat ng banig sa sahig, kunwa-kunwariang sapot.
Ako naman, muntik ko nang maibato ang hawak kong remote sa kakatawa.
Pero hindi pa ako nakakahinga nang biglang dumating si Bakikong ang asawa kong para bang may sariling romantic spotlight kahit tanghaling tapat. Nakaputi siyang t-shirt, nakangiti, at ’yung itsura niya parang alam niyang may gagawin na naman siyang kalokohan.
“Baby…” mahina niyang tawag sa akin habang papalapit.
Ay, Lord. Eto na naman.
Tumingin ako sa kanya, kunwari walang interest.
“Hm?”
Pero siyempre, bago pa ako makapagtanong, bigla niya akong niyakap mula sa likod. ’Yung tipong yakap na parang ayaw niya akong pakawalan kahit bumabagyo. Ramdam ko ang init ng katawan niya, at nanlaki mata ko.
“Hoy! Hoy! BAKIKONG! Nire-”
Hindi ko pa natatapos sabihin nang bulong niya:
“Alam ko… pero namimiss kita eh.”
Biglang umangat kilay ko. Ay, ganon? Pa-sweet yarn?
Pero bago pa ako magreact, biglang sumigaw si Hasra
“EW MOMMY DADDY STOP! May bata rito!”
Tapos sumabay pa si Jhonax:
“Mommy, Daddy! This is a public place! Living room po! Bawal ang PDA dito!”
Literal na sabay silang nagtakip ng mukha na parang nanonood ng horror movie.
Ako? Napa-facepalm.
Si Bakikong? Mas humigpit ang kapit.
“Ano ba? Hindi ba pwedeng maging sweet sa asawa kahit may audience?” sabi niya habang naka-smirk. “Regla o hindi… love kita.”
“Hon, tumigil ka. Naiirita ako, masakit puson ko.”
Pero hindi siya tumigil. Sumiksik pa lalo.
“Mas lalo kitang i-ko-comfort kung masakit puson mo.”
“BAKIKONG!!!” halos maitulak ko siya sa sobrang hiya.
At dun na sumigaw ang mga bata:
“DAAAAAADDDD NOOOOOOOOOOOO!!!”
Parang sabay silang nasuka nang kaunti.
Si Jhonax literal na nag-gag sound.
“UUUUGGGHHH!!! Mom, Dad, please, may innocence pa akong natitira!”
Si Hasra naman biglang naglakad palayo, hawak dibdib
“Mommy… bakit ganito? Hindi ko na kaya makita ’yang sweetness n’yo. Masakit sa mata. May eye drops ba kayo?”
Ako naman, habang natatawa, pinipilit na alisin kamay ni Bakikong sa bewang ko.
“Daddy, stop flirting! Para kayong teenagers,” sigaw ni Hasra na parang nanay na sa tono.
Pero imbes na mahiya, lalo pang nag-level up si Bakikong. Bigla niyang hinawakan ang buhok ko, inayos iyon sa likod ng tenga ko (’yung tipong slow-mo sa movies), tapos bumulong ulit:
“Ang ganda-ganda mo talaga kahit nakapambahay.”
Napatigil ako. Napa-blink. Ay teka, kinikilig ba ’ko?
Pero bago pa ako makasagot biglang sumigaw na naman si Jhonax.
“ATE, let’s go upstairs! Mommy and Daddy are being delusional again!”
At sabay silang naglakad palayo habang nag-uusap:
“Ate, paano ’yan? May chance ba tayo magkaroon ng kapatid?”
“JHONAX! Hindi pwede kasi may RED ALERT si Mommy!”
“Aahhh kaya pala harot pa rin si Daddy kahit may hazard sign. Dangerous!”
“Grabe siya! Delikadong hayop!”
“ATE!!!”
Napaluhod ako sa sahig sa kakatawa.
Si Bakikong? Hindi man lang nahiya. Tawa rin nang tawa pero hindi pa rin bitaw sa akin.
Hinawakan niya pisngi ko, pinaharap ako sa kanya, at ngumiti ng sobrang lambing na parang pang-k-drama.
“Nagre-regla ka man o hindi, babe… I still choose you. Araw-araw. Kahit nananakit ulo mo. Kahit nagagalit ka. Kahit sinisigawan mo ko. Kahit pinapalo mo ko ng tsinelas. Kahit-”
“Hoy! Sobra ka!” buti nalang hindi ko siya nasampal kakatawa.
“Nagsasabi lang ng totoo, sweetheart.”
At nag-smirk siya. ’Yung smirk na alam kong may balak na naman.
“Hon,” sabi ko habang tinutulak braso niya, “masakit na likod ko, may cramps ako, pagod ako”
“Okay. Mas lalo kitang aalagaan.” sagot niya agad, walang two-second delay.
“Huh?”
Bigla niya akong binuhat.
AS IN BINUHAT.
Bridal style.
“BAKIKONG!!!” halos mapasigaw ako sa hangin.
“Hon, ang bigat ko”
“Hindi ka mabigat. Ako lang malakas.”
“Ay char. Corny.”
Pero imbes na dalhin ako sa kwarto, dinala niya ko sa sofa at dahan-dahan akong inupo as if fragile crystal vase ako.
Tatayo pa sana ako pero umupo siya sa tabi ko sabay suot ng kumot sa legs ko.
“Hon, relax ka lang,” sabi niya. “Ako bahala sa’yo today.”
“Wow? Ikaw? Mag-aalaga? For real?”
“Oo. Gusto ko bantayan mood swings mo.”
“Wow thanks ha,” sagot ko habang nagtatawa.
“Kasi kapag sinumpong ka…” lumapit siya, bumulong, “…ang cute mo lalo.”
“HOOOY!” tinapik ko braso niya pero halatang kinikilig ako.
Tapos biglang narinig namin ang boses ng mga bata mula sa second floor:
“ATE!!! MOMMY AND DADDY ARE DOING SOMETHING SWEET AGAIN! CLOSE YOUR EYES!”
“TAPOSANANATOOOHHH!!”
“GOD HELP US!”
Hindi ko na alam kung maiiyak ako o tatawa.
Si Bakikong naman tumawa nang malakas, tapos hinawakan kamay ko at pinisil.
“Love… kahit niregla ka… kahit bad mood ka… kahit inaasar tayo ng mga bata… kahit busy ka… kahit may cramps ka…”
Tumingin siya diretso sa mata ko, at para akong muling 20 years old.
“…ikaw pa rin ang pinaka-paborito kong tao sa buong mundo.”
Bigla akong napatigil. Na-touch talaga ako.
Pero syempre, hindi pwedeng walang comedy twist.
Biglang sumigaw si Jhonax:
“DADDY STOP SWEET TALKING MOMMY! WE’RE NOT READY FOR ANOTHER SIBLING!!!”
Sabay sigaw ni Hasra
“AND MOMMY’S ON PERIOD!!!”
At doon na sumabog si Bakikong sa tawa tapos sumunod akong tumawa hanggang sumakit puson ko.
Habang tumatawa kami, napahawak ako sa dibdib niya at napangiti.
Kahit anong harutan, kahit anong kulitan, kahit anong “ewww” ng mga anak namin…