Kulitan

1200 Words
CHAPTER 6 BAKIKONG POV Kakagaling ko lang sa mini-gym dito sa mansion namin oo, kahit 50s na ako, astig pa rin ako, walang kokontra. Fresh na fresh pa ang pawis ko, naka-white sando akong hapit sa dibdib kuno, at nakaside-part pa ang buhok ko na parang bida sa Turkish drama kahit medyo may konting manipis na sa gilid. Pero confident pa rin ako dahil bakit? Eh asawa ko si Rara. Panalo na ’ko sa buhay. Pagpasok ko sa hallway papunta sa living room, narinig ko agad ang dalawang anak naming nag-aaway na naman si Hasra at si Jhonax. Literal na parang may boxing match sa sala. “Mommy! Si Jhonax po kinakain yung fries ko!” “Ate, huwag ka ngang assuming! Sa atin ’tong fries! Shared property ’yan! Family business!” sigaw naman ni Jhonax habang may nakasabit pang ketchup sa labi. Ako naman, hiningal pero natuwa. Ah, pamilya ko talaga ‘to. The chaos I love. Pero wala pa akong nagagawa nang biglang pumasok si Rara mula sa kusina, may hawak na tray ng cookies at lemonade. Parang diyosa pa rin kahit may apron at may nakadikit pang harina sa pisngi niya. “Hoy! Ano ’yan? Bakit kayo nag-aaway?!” sigaw niya, pero halatang pigil tawa. Ako naman, lumapit agad sa kanya, nag-chararat moves. Sinalubong ko siya agad ng isang sabay iglap na yakap mula sa likod. “Baby ko…” bulong ko sabay dikit ng ilong ko sa leeg niya. “Ang bango mo kahit amoy cookies ka.” “BAKIKONG! Huwag kang dumidikit, basa ka pa sa pawis! Ewww!” tili niya. Pero kahit sigaw-sigaw siya, hindi niya ko tinulak. Nakakapit pa nga siya sa braso ko. Kilig yarn? Tapos ang dalawang bata sa harap namin napanganga. “EW MOMMY DADDY STOP!” sabay sigaw ng mag-ate. “Mommy, may kapitbahay tayo, nakikita kayo!” dagdag pa ng Hasra. “Mom, Dad, may CCTV dito oh!” turo pa ni Jhonax, parang reporter. Pero lalo kaming natawa ni Rara, sabay nagulat na lang ako nang bigla niyang tinapik pwet ko. “O, tumigil ka nga, Daddy. Ang harot mo.” Syempre, inangkin ko agad. “Uy, guys, nakita ni Mommy ang pwet ko. Ibig sabihin gusto niya ako.” “DADDYYYYY!!!” halos sabay na sigaw ng mga bata na parang mapipisa. Tumawa ako nang malakas. Ang saya talaga pag nandoon sila lahat. Pero ayaw ko ma-miss ang opportunity so hinarot ko si Rara kahit may audience. “Babe…” inakbayan ko siya sabay kindat. “Hindi mo ba ako mami-miss kung mawala ako sandali?” “Hmm? Bakit mawawala ka? Saan ka pupunta?” tanong niyang nakakunot noo. “Kasi…” tumuwad ako konti, sabay flex sa biceps ko, “magpapalit lang ako ng damit. Pero kung gusto mo, dito na ko maghubad—” “BAKIKONG!!!” tumili si Rara sabay hampas sa braso ko, pero namula yung pisngi. “AY MOMMY CRUSH MO SI DADDY EWWWWW!” sigaw ni Hasra. “ATE, ikaw kaya yung may crush! Ikaw yung pumapag-ibig!” bawi ni Jhonax na may kasama pang tawa. “Ano?!” biglang nagtaas-boses si Rara, nanlaki mata. “Sino raw? Sino may crush? Sino pumapag-ibig?!” “SHEEEEEEESH…” sabi ko sabay hawak sa dibdib. “My daughter growing up fast. Pero sino nga ba, anak? May nililigawan ka na ba? May nanligaw? Aba-” “DAD!!! STOP!!! WALA!!!” halos pumutok ugat ni Hasra. Tapos biglang si Jhonax, syempre hindi papatalo, sumigaw: “Mommy, Daddy, may notebook po si ate na may drawing ng crush niya! May puso-puso pa! Tapos may pangalan” “JHONAX TUMAHIMIK KA!!!” halos lumipad ang tsinelas ni Hasra sa kapatid, buti nalang naiwasan. Tumawa ako. Solid. Parang sitcom ang buhay namin. Pero hindi pa tapos ang eksena. Lumapit si Rara kay Hasra at Jhonax, hawak ang bewang. “Umamin kayo. Totoo ba ’yon?” “Mom, exaggeration lang.” sagot ni Hasra na nanginginig dahil pinagpapawisan sa hiya. “Si Jhonax kasi nang-iinis lang…” “Ano raw? Exag-” pabulong kong sabi. “Uy, Rara, smart na smart na ang anak natin oh. Parang nagmana sa’kin.” Tumingin si Rara sa akin nang masama. “Sa’yo ba? Talaga lang?” “Syempre naman.” pina-flex ko ulit braso ko. “Look oh, genes.” “Daddy, hindi muscles ang intelligence,” sagot ni Hasra. “Aba! May pa scientific scientific ka pa d’yan!” Tumawa si Rara nang malakas, halos mabitawan niya yung cookies. Pero eto na ang mas malala si JHONAX biglang sumigaw ulit: “Mom! Dad! Naalala ko pa nga po yung CRUSH NI ATE! Yung nasa LOCK SCREEN niya dati yung pogi” “JHONAAAAAAX!!!” halos sumabog si Hasra. At dahil ako ang daddy, syempre hindi ko palalagpasin. “O, Hasra,” sabi ko sabay lapit sa kanya. “Walang lihiman sa pamilya. Sino ba ’yang hinahangaan mo? Hmm? May credentials ba? Matino ba? Marunong ba magmano sa magulang? May future ba? May” “DADDYYYYY PLEASE STOP!” Halos nag-iyak-tawa si Hasra, nakatakip ng unan sa mukha. Si Rara naman, halatang kinikilig sa kakulitan ko, pero kunyari galit. “Bakikong, tigilan mo na ’yan. Naiiyak na yung bata oh.” Pero bigla kaming napatigil nang narinig namin si Jhonax: “Mom, Dad… it's a PRANK!!! HAHAHAHAHAHAHA!” At literal na gumulong siya sa sahig sa kakatawa. “ANO?!” halos sabay-sabay naming sigaw. “Wala naman pong crush si ate! Wala siyang picture! Wala siyang notebook! Wala siyang nilalagay na puso! PRANK PRANK PRANK!” Nakita ko kung paanong unti-unting namula si Hasra, tapos naging dark red, tapos nagdilim na ang aura niya. Parang sasabog. “JHONAAAAAAAAAAX!” Pero bago pa masakal ng ate niya, tumakbo si Jhonax sa likod ko at sumigaw: “DAD PROTECT ME!!!” “Hala! Ako pa talaga gagawing shield?” Pero siyempre, pinasaya ako ng tagpong iyon kaya kinarga ko si Jhonax bigla, parang sako. “Hoy baba mo akoooo!” sigaw niya habang humahagikgik. “Hindi pwede, kailangan mong harapin ang consequences ng prank mo!” Si Rara naman natatawa nang sobra, halos maluha. Habang nagkakagulo kami, napaupo ako sa sofa, humingal ng konti pero nakangiti. Tinitingnan ko silang tatlo si Rara nakatawa nang sobra, si Hasra nanggagalaiti sa hiya at galit, si Jhonax hindi na makahinga sa kakatawa. At napaisip ako… Grabe. Ganito pala kasaya ang buhay kapag may pamilya kang ganito ka-kwela, ka-harot, ka-gulo, ka-kulog, ka-kilabot pero punong-puno ng pagmamahal. Kaya huminga ako nang malalim, tapos napangiti nang malaki habang pinagmamasdan si Rara. “Babe,” sabi ko bigla kahit ang ingay ng mga bata. “I love this life with you.” Napatigil si Rara. Tumingin sa akin. At kahit nasa kalagitnaan kami ng riot ng mga anak, ngumiti siya ng sobrang lambing. “Mas mahal kita, Bakikong,” bulong niya. At doon ako kinilig. As in literal. Pero siyempre, hindi pwedeng walang comedy. Biglang sumigaw si Jhonax: “EW MOMMY DADDY PDA SA LIVING ROOM! GROSS!” “TUMIGIL KA DIYAN BAGO KITA ILUTO!” sigaw ni Rara sabay hagis ng throw pillow. At nagtakbuhan silang lahat sa paligid… Ako? Nakatayo lang, tawa nang tawa, proud na proud.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD