CHAPTER 14
BAKIKONG POV
Grabe. Hindi pa ako nakaka-recover sa narinig ko kanina.
“Tito, seryoso po ako. Gusto ko pong ligawan si Hasra… with your permission.”
Tangina.
Ay sorry Lord.
Pero anak ko ‘yon.
At itong batang lalaki na nakatayo ngayon sa living room ko, humihinga pa.
MIRACLE ‘yon.
Nasa living room pa rin kami.
Si Hasra? NAMUMULA.
Parang hinulog sa kahon ng pulang krayola.
Si Kael? Nakangiti. Yung tipong smile na parang gusto ko nang ipatawag ang NBI.
Si Rara? TAWANG-TAWA sa tabi ko, as if nanonood ng stand-up comedy.
Si Jhonax? Umiikot sa sahig kakatawa habang sumisigaw ng:
“ATE MAY KA-RELASYONNNN!”
Ako?
Ako itong protected daddy, bantay-sarado level na kahit langgam na lalaki papunta kay Hasra, haharangin ko.
At ngayon…
Eto pa, itong Kael nakaupo sa sofa.
Tapos itong anak kong si Hasra umupo sa tabi niya.
TABI.
TABIIII.
Lalake.
At anak kong dalaga.
Hindi pwede.
Sumingit ako.
Literal.
Umupo ako sa pagitan nila.
As in parang sandwich:
Kael Ako Hasra.
“Daddy?!” sigaw ni Hasra.
“Anong Daddy? Dito ako mas komportable,” sagot ko.
Narinig kong tumawa si Rara.
“Hay naku, Bakikong, obvious ka naman masyado.”
“Anong obvious? Sino? Ako? Hindi ah,” sagot ko habang sinusuksok ang braso ko para walang espasyo sa sofa.
Si Kael naman, ngumiti pa.
GRABE.
Kalma siya.
Respectful siya.
Pero hindi ibig sabihin hahayaan ko na.
“Tito, pwede po akong umupo kahit d’yan sa kabilang upuan para”
“HINDI.”
Diretso ko sagot.
“Dito ka. Sa harap ko. Para nakikita ko lahat ng galaw mo.”
Tumikhim siya.
“Yes po, Tito.”
Good.
At least alam niya authority ko dito.
Sandali, biglang may inabot itong Kael.
Yung chocolates na dinala niya kanina.
Inabot niya kay Hasra.
AT SUSMARYOSEP TINANGGAP NG ANAK KO NG NGUMINGITI?!
“Salamat Kael…”
Ako ata nagka-hyperventilation.
Si Rara tinapik ako sa likod.
“Relax, mahal. Nagpapakilig lang ang kabataan.”
“KABATAAN? BATA ‘YAN! AT ANAK NATIN ‘TO!”
Para akong sumasambit ng nobena sa loob-loob ko.
Habang nag-uusap silang dalawa, napansin kong unti-unting lumalapit ang tuhod nila.
NO.
No.
No.
Hindi pwede.
I cleared my throat nang super lakas.
Ehem! EHEM! EHEMMMMM!
Parang tatlong alon ng lindol.
Nagulat silang dalawa.
Si Kael nag-straight up sa upuan, parang sundalo.
“Tito… okay lang po ba kayo?”
“Hindi. Uubo lang ako. Allergic ako sa… sa… sa mga batang lalaking lumalapit sa anak ko.”
Si Rara kinagat labi niya sa tawa.
“Ikaw talaga.”
Pero hindi pa doon natatapos.
Because habang nag-uusap sila, si Kael biglang tumingin nang malambing kay Hasra.
“Hasra… kanina sa classroom, ang galing mo talaga. I was impressed.”
Ay hindi.
Ay hindi talaga.
“Rara,” bulong ko sa asawa ko, “pakiredy ang ambulansya. Maaaring may himatayin ako dito.”
Ngumiti si Hasra.
“Kael naman, normal lang”
“NORMAL LANG? ANAK KA NI BAKIKONG GÜLER, OF COURSE HINDI LANG NORMAL TALINO MO!” singit ko.
“Daddy!”
“Totoo naman!”
Pero ang hindi ko inaasahan biglang nalaglag yung chocolate sa sahig.
At sabay silang yumuko.
Magkakahawak halos ang kamay nila kasi parehas nilang tinangkang pulutin.
OH.
HELL.
NO.
Tumayo ako agad.
“Ako na!”
Hinablot ko yung chocolate.
Tumayo ako na para bang nagligtas ako ng bansa.
Binulong ko kay Kael:
“HINDI SILA PWEDE MAGKAHAWAKAN NG KAMAY, NARIRINIG MO?!”
Kael, sobrang humble:
“Opo, Tito.”
“Ipahihiram ko sa’yo dictionary. Basahin mo ibig sabihin ng BAWAL.”
Umupo akong muli.
Pero ngayon, mas lumapit ako.
Kung dati sandwich ako, ngayon ako yung partition.
Wala silang malulusutan.
Pero itong si Rara… napaka-kontrabida.
“Kael,” sabi niya bigla habang naglalagay ng juice sa mesa,
“gusto mo bang mag-dinner dito bukas ulit? Para makapag-bond kayo ni Hasra?”
NAPATAYO AKO AGAD.
“RARA! Anong bond?! Wala munang bond-bond! HOMEWORK MUNA! CHORES MUNA! KAPAG PASADO SA EXAM, SAKA BAND!”
“Hon, first day pa lang nila. Wala pang exam,” sagot ni Rara sabay tawa.
“Pwede na silang mag-review! Prevention is better than cure!”
Si Kael naman nag-smile nang malumanay.
“Tito okay lang po kahit huwag muna. Ayokong maging disrespectful. Pero… gusto ko talaga sanang ligawan si Hasra. Kung sasang-ayon po kayo.”
Aba.
Eto na naman.
Delivery ng kilig lines.
Akala mo bida sa teleserye.
Si Hasra naman?
Nakangiting parang tinamaan ng kidlat.
Lumingon ako kay Rara.
“Nakita mo talaga tong anak natin? Naku Rara… simula ngayon, wala nang labas, wala nang gala, puro bahay lang. Para safe.”
Si Rara humagalpak.
“Kung pwede lang ikulong mo sa glass cage yan ginawa mo na, no?”
“Aba! Kung yun kailangan para hindi halikan, bakit hindi?”
Speaking of halikan biglang tumingin si Kael kay Hasra.
Yung tingin na parang…
PAMATAY.
Soft eyes.
Gentle.
Respectful.
Pero may halong admiration.
Diyos ko.
Nakalabit ko si Rara.
“Rara… nakita mo yan? Yung tingin nila?”
“Oo, ang sweet,” bulong niya.
“Sweet?! SWEET?! PAPANO PAG HINALIKAN NIYAN ANAK KO? ANONG SWEET DOON?!”
Rara umiling.
“Tumigil ka nga. Hindi halik agad iisipin mo.”
“NAG-IISIP NA YAN! LALAKI YAN!”
Para hindi sila magkatitigan ng matagal, gumawa ako ng alibi.
“Teka, may naiwan pala ako sa kusina.”
Tumayo ako.
Pero hindi ko talaga kailangan pumunta sa kusina.
Iikot lang sana ako sa likod nila para bantayan.
Pagdaan ko sa likod ni Kael…
“Tito, may kailangan po ba kayo?” tanong niya.
“Wala. Wala. Routine inspection.”
Dumaan ako sa likod nila.
“Checking ventilation.”
Lumapit sa gilid.
“Checking sofa.”
Lumapit sa harap.
“Checking distance between minors.”
Umiling si Hasra.
“Daddy please…”
“No. As long as may lalaki rito, may BANTAY.”
Pero eto talaga nakakatawa biglang tumunog ang phone ni Kael.
Napalingon kami lahat.
Nagpop-up yung caller ID.
“Mom.”
Nag-smile si Kael.
“Excuse me po muna, Tito, Tita, may tawag lang po.”
Tumayo siya.
Pero bago siya makalayo
“Ano’ng gagawin mo?” tanong ko agad.
“Makikipag-usap lang po sa labas, Tito.”
“Bakit sa labas?”
“Kasi po baka maistorbo kayo”
“HINDI MO KAMI NA-IIS-TORBO. DITO KA LANG. KAHIT SA HARAP KO KA PA SUMAGOT!”
“Daddy…” nakahawak na sa noo si Hasra.
Rara halos gumulong sa sahig kakatawa.
Kael ngumiti pa rin.
“Okay po, Tito. Dito na lang po ako sasagot.”
At tumayo siya sa harap ko, parang recruit sa training.
Straight body.
Deretsong tingin sa phone.
Hindi makagalaw.
Ay satisfied ako.
Protektado ang anak ko.
Pagbalik niya sa upuan, nagbuntong-hininga itong si Kael.
“Sorry po, Tito. Si Mama lang po yun.”
“Anong sabi? Babalikan ka na ba niya? Puwede! Puwede ka nang sumama!”
“BAKIKONG!” sigaw ni Rara habang hinihila ako.
“Anong? Baka may curfew sila!”
Si Hasra naman, halatang gusto nang maging invisible.
Pagkalipas ng ilang minuto, tumayo si Kael.
“Tito… Tita… Mauna na po ako. Salamat po sa pag-accommodate.”
Patakas ang boses.
Natakot.
Natense.
SUCCESS AKO.
“Hatid na kita sa gate,” sabi ko.
Ayaw kong may chance pang lumingon kay Hasra.
“Hon…” sabi ni Rara, “baka naman sobra na”
“HINDI TO SOBRA. STANDARD PROTECTION YAN.”
Pagdating sa may gate, bago siya umalis, tumingin pa si Kael sa akin.
“Tito… thank you po. Seryoso po ako sa intensyon ko. Sana po one day, payagan ninyo ako.”
Huminga ako nang malalim.
Tumingin ako sa kanya sa pinakamatinding daddy stare ever.
“Kael…
kung kaya mong patunayan na kaya mong respetuhin ang anak ko,
magiging okay tayo.”
Ngumiti siya.
“Opo, Tito. Pangako.”
At umalis na siya.
Pagbalik ko sa loob, sinalubong ako ni Rara.
“TIGILAN MO ANG DAHILAN. GUSTO MO LANG MAKASIGURO NA HINDI SIYA HUMARAP ULIT SA ANAK MO SA LABAS.”
“Hmmm… oo,” sagot ko.
Si Hasra naman naka-upo sa sofa, hawak pa rin ang flowers at chocolates.
At ako?
Huminga. Malalim.
Kasi…
NAGSIMULA NA ANG PANLILIGAW.
At bilang Daddy ni Hasra,
MISSION ko ngayon na siguraduhing hindi basta-basta makukuha puso ng anak ko.