CHAPTER 18
THIRD PERSON POV
Maagang nagising ang buong mansyon kinaumagahan. Tahimik ang paligid pero ramdam ang rush ng bagong araw si Rara abalang nag-aayos ng mga dokumento para sa household staff habang si Bakikong naman ay nakaupo sa sofa, nagkakape at nagbabasa ng mga papeles galing sa company meeting kahapon.
“Love, darating na daw ngayon yung bagong katulong,” paalala ni Rara habang iniaabot ang isa pang folder.
“Oo naman mahal, ready na ako kausap nang maayos,” sagot ni Bakikong, pero napansin ni Rara ang medyo mapataas nitong kilay.
“Love… wag mo agad sungitan ha,” sabay tapik sa balikat nito.
“Tss. Hindi ako masungit. Professional ako mahal,” drama ni Bakikong sabay higop ng kape, kunwari walang paki.
Hindi pa man natatapos ang usapan nila ay biglang BUMUSINA ang sasakyan sa labas.
“Ah, eto na siguro,” sabi ni Rara.
Tumayo sila pareho, inayos ang sarili, at pagdating sa pinto, si Manang Liza na ang nagbukas. Pagbukas ng pinto ay agad tumama sa paningin nila ang isang babaeng naka… daring. As in sobrang daring. Parang nakikipag-kompetensiya ng tela sa dustpan konti lang ang coverage.
Long brown hair, mapupulang lipstick, fitted na mini dress na parang sinukat ng tatlong beses bago isuot. Halos labas na ang kaluluwa, ika nga ni Hasra.
“Good morning po Ma’am, Sir. Ako po si Aennaiah Cazor… twenty-eight po,” nakangiting bati ng babae habang halos malaglag ang kalahati ng cleavage nito.
Nilingon ni Rara si Bakikong.
Si Bakikong? Nakatayo nang diretso, parang nanigas.
Tumingin si Rara.
Nanlaki ang mata.
“Love,” bulong ni Rara habang nakakunot-noo.
“Ha? Ah hello, hello,” nauutal si Bakikong habang inilalayo ang tingin. “Welcome, welcome.”
Hindi nakaligtas kay Rara ang parang titig ni Aennaiah kay Bakikong. Tipong “Hi sir, pwede ba ako maging stepmother?” ang aura.
“Pasok ka na,” matigas pero prim and proper na sabi ni Rara.
Pumasok si Aennaiah, sway pa ang balakang, at imbitadong-imbitado ang lakad. Halos manigas si Bakikong.
“Love,” singit ni Rara, mababa ang boses.
“Huh? Ano na naman?”
“Tumitig ka pa, gawin kitang timplado,” sabi ni Rara na may ngiti pero halatang galit ng konti.
“Hindi ako tumitingin! Peripheral vision ko lang yun mahal!” depensa ni Bakikong habang nagtatago sa tasa ng kape.
Habang nag-uusap ang mag-asawa kay Aennaiah, bumaba ang magkapatid mula sa hagdan si Hasra at si Jhonax, mukhang bagong gising.
Pagkakita ni Jhonax kay Aennaiah, halos lumabas ang eyebags nito sa pagkabigla.
“Ate… ate… yan na ba yung bagong katulong natin?” bulong nito habang nakayuko pero nakatingin ng masama.
“Mhmm,” sagot ni Hasra habang nilalampasan ang babaeng naka-mini dress. “At parang kulang sa tela yung suot niya. Diyos ko.”
Nanlaki ang mata ni Jhonax pero hindi sa ganda.
“Kaya pala ang titig kay daddy kanina! Nakita mo? Ate mukha siyang”
“Shhh!” agad na saway ni Hasra pero nag-roll eyes siya nang malala. “Bastos naman, Jhonax, pero oo. Parang may balak siyang… ewan.”
Habang naguusap ang magkapatid, ay biglang sumingit si Aennaiah na may sobrang malambot at mahinhin kuno na tono:
“Good morning po, sir kids.”
Napatingin si Hasra.
“Kids?”
Si Hasra? Napakunot noo.
“Ate… eighteen ka na,” bulong ni Jhonax habang pinipigil ang tawa.
“Kids? Pwede naman niyang sabihing good morning po.”
“Malay mo ate, baka ganon talaga magbenta ng sarili,” bulong pa ni Jhonax.
“Sira ulo ka talaga,” sagot ni Hasra pero halatang naiirita.
Lumapit si Rara sa kanila.
“Anak, behave kayo ha. At saka wag kayong masyadong judgemental.”
“Kaso mom…” sabay bulong ni Jhonax, “yung damit niya mom, parang pambawal. Parang lalabas yung”
“JHONAX!”
Napagalitan agad.
Pero tumawa si Rara pagkatapos.
“Pero may point ka anak.”
Hindi pa man natatapos ang tensyon sa living room, lumapit na si Aennaiah kina Bakikong at Rara.
“Sir, Ma’am… pwede ko pong malaman ang mga basic tasks ko today?”
Pero iba ang tono.
Soft.
Malandi.
Yung tipong pang-soap opera ng kontrabida.
Si Rara ay nakangiti… pero yung ngiti na “Subukan mo pa at baka iuwi kita sa barangay mo.”
“Of course,” sabi ni Rara. “Pero please lang, magpalit ka muna. Something… decent. We have uniforms for house staff.”
Tumango si Aennaiah, halatang napapahiya, pero hindi nagpahalata.
“Okay po, Ma’am,” sagot niya pero may maliit na irap pagkatalikod ni Rara.
Pagkaalis ni Aennaiah papunta sa maid’s room, agad lumapit ang magkapatid sa mommy nila.
“Mom,” bungad ni Hasra, rolling her eyes again, “hindi ba siya masyadong… revealing?”
“Mom, parang gusto niyang maging stepmom namin,” dagdag pa ni Jhonax sabay tawa.
Pinandilatan sila ni Rara.
“Wag kayo ganyan. Pero… oo,” sabay buntong-hininga, “grabe yung suot niya. But let's give her a chance. Baka naman mabait.”
“Mom,” sagot ni Hasra, “nung dumating siya, yung tingin niya kay daddy parang… ‘Hi sir, ako po ang bagong chapter ng buhay mo.’”
Si Jhonax? Nadapa sa tawa.
“HAHAHAHA mom totoo! Yung tingin niya kay daddy parang tikitiki na gutom!”
Napahawak sa noo si Rara pero tumatawa rin.
“Mga anak, mga anak, grabe kayo. Huwag masyado.”
Pero nang lumingon sila kay Bakikong…
Nakaupo ito pero halatang nag-iwas ng tingin kanina pa.
“Love,” tawag ni Rara.
“Ano nanaman?”
“Tumingin ka ba?”
“Sa-saan?”
“Love,” sabi ni Rara habang nakataas ang isang kilay. “Sa kanyaaa.”
“Hindi mahal! Hindi! Promise! Peripheral lang! Hindi ko sinasadya!”
“Ah ganon?”
“Eh kasi naman, mahal, ang iksi talaga… kahit hindi ako tumingin, kita pa rin!”
At doon na bumulwak ang tawa ni Rara, Hasra, at Jhonax.
“Daddy,” sabi ni Hasra habang natatawa nang sobra, “you sound guilty.”
“Oo nga daddy!” dagdag ni Jhonax. “Para kang estudyante na nahuling may kodigo!”
“Hoy! Hindi ako guilty!” protesta ni Bakikong habang nagpapawis. “Natural reaction lang yun!”
Pero habang naglolokohan sila, bumalik si Aennaiah mula sa maid’s room—pero nakasando at leggings lang pa rin, hindi ang tamang uniform.
“Sir, Ma’am… saan ko po ilalagay itong mga gamit na nilagay ni Manang?”
Napatingin si Rara mula ulo hanggang paa.
“Yun ang sinuot mo?”
“Ah… oo po. Comfortable po kasi.”
“Uniform, please,” sagot ni Rara seryoso pero kalmado.
“O-opo,” sagot ni Aennaiah pero halatang nagpipigil ng irap.
Pag-alis nito, lumapit agad si Hasra kay mommy niya at bumulong:
“Mommy, promise, something’s off.”
“Oo anak… napansin ko,” sagot ni Rara habang nakatingin sa direksyong nilakaran ng bagong katulong.
Si Bakikong?
Tahimik lang.
Pero kita ang concern.
“Love,” sabi ni Rara habang nakatingin sa asawa, “mag-ingat ka.”
“Ha? Bakit ako?!”
“Hindi ako naniniwalang peripheral vision lang yun,” sagot ni Rara sabay ngiti.
“Ay grabe talaga kayo sakin!” reklamo ni Bakikong pero tawa rin ng tawa ang lahat.
At doon nagsimula ang mas mahabang araw sa mansyon isang araw na puno ng tensyon, tawanan, irapan, at misteryosong bagong katulong na tila may ibang agenda.
At ang buong pamilya?
Alert mode.
Lalo na si Hasra na mula umpisa pa lang, ayaw na ayaw na sa aura ng babae.