CHAPTER 39 HASRA POV “KYAAAHHHHHHH!” Sabay kaming napasigaw ni Jhonax habang naghalikan sina Mommy at Daddy sa gitna ng terrace na parang wala kaming mga anak na nanonood. Grabe. As in grabe. Napa-cover ako ng mata ko pero may siwang pa rin sa pagitan ng mga daliri ko kasi hello chismosa pa rin ako kahit anak nila. “Mom! Dad! Hello? May mga bata dito!” sigaw ko sabay exaggerated na pag-roll ng eyes. “Napaka-PDA n’yo naman! May trauma na po kami, opo!” “Ewww!” sigaw ni Jhonax sabay tawa nang tawa. “Mommy, Daddy, kadiri! Mag-asawa kayo pero gross pa rin!” Tumigil sila sa paghalik at sabay tumingin sa amin. Si Mommy, namumula ang pisngi. Si Daddy, naka-ngising parang nanalo sa lotto. “Mga anak, excuse me,” sabi ni Mommy na kunwari seryoso pero halatang pigil ang tawa. “Asawa ko ‘yan.”

