(Solace) Nasa loob ako ng kotse habang nakatingin sa aking pinsan na dinumog ng mga reporters at ilang sa tao na galit na galit dito. 24 hours palang ang nakakalipas mula nang lumabas ang video nito na kasamang pumasok sa isang motel room ang isang kilalang personalidad. Ang kilalang personalidad na ito ay ang tumulong dito sa paninira sa akin sa mga nakalipas na araw. Maraming galit na galit kay Catriona at tinatawag itong homewrecker, sapagkat ang kasama nito ay isang pamilyadong tao na may dalawang anak na puro babae pa. What happened now to my cousin is not my doing. Yes. I have a plan of exposing my cousin dirty secret, na isa syang kabit, but when I found out na may mga anak palang babae yong lalaki, hindi ko naituloy ang plano ko. Marami ang masisira at masasaktan kung gagawin

