(Solace) Maliban sa guard na nakabantay sa gate. Wala kaming kasama na dalawa ni Catriona. Binisita ng parents ko si Kristoff sa Cebu. Day off ng isang katulong, habang inutusan kong mag- grocery ang dalawa. Kaya siguro ang lakas ng loob nya na para awayin ako. Lumingon ako sa kanya. Napahugot muna ako ng hininga bago ko napagpasyahan na sagutin sya. "Wake up, Cath." ani ko. "Iniligtas mo nga kaming dalawa. Pero, ikaw naman ang rason kung bakit muntikan na kaming nalunod. Naalala mo ba? Kung utang namin ang buhay namin sayo, una ka rin naman nagka- utang sa amin. We're even. So, wala kaming utang sayo." Totoo naman ito. Hindi ko alam kung ano ang nangyari kay Catriona nung. Iyak na iyak sya. Kahit malakas ang alon nung, lumusob parin sya sa tubig. Yong lagi kong napaginipan noon,

