(Solace) "Santie, anong ibig sabihin nito?" Hindi ko mapigilan at napatulo ang luha ko habang nakatingin kay Santie na hawak kamay si Catriona. "Isn't it obvious? Magkasabwat kami ni Santie. Niloloko ka nya. Ako talaga ang mahal nya." nakangising sambit ni Catriona. Ayaw kong magpakita ng kahinaan pero hindi ko napigilan ang masaktan ng sobra lalo nang ngumiti lang si Santie, saka nya inakbayan si Catriona. "Alam mo ba kung bakit kailangan magpapanggap ni Santie na mahal ka nya. Iyon ay dahil gusto nyang makuha mula sayo ang mga anak ninyo. Saka ka namin papatayin at kaming dalawa ang magiging magulang ng mga anak ninyo." "No! Hindi nyo makukuha mula sa akin ang mga anak ko." galit kong sambit, kahit pa puno na ng luha ang mga mata ko. Napatingin ako kay Santie, hindi sya nagsasalit

