(Solace) "Alam kong hindi ka sanay sa ganitong gawain, but this is only the place in this house na walang CCTV." ani sa akin ni Catriona. Kasalukuyan nya akong pinalilinis ng toilet. Napakarumi ng toilet na ito. "B- Bakit kaba nandito, Cath?" "Pumunta ako dito para kunin ang singsing na huling legacy ng papa ko. Sabi ng peke mong ama, nasa kay Mr. X ito. Nakita ko na ito. Mamayang gabi, kukunin ko na ito Solace, saka tayong tatakas na dalawa. May alam na ako na pwede natin daanan." Hindi ko mapigilan na makadama ng pangamba. Madaming tauhan ni Mr. X tapos dalawa lang kami at puro babae pa. Pareho din kaming walang alam sa pakikipaglaban. "Wag kang matakot, Solace. Mamayang gabi ang first at last chance natin dahil aalis si Mr. X at isasama nya ang ilang sa mga tauhan nya. May illegal

