BAB 2

1324 Words
(Solace) Titig na titig ako sa lalaking kaharap ko ngayon. Si Santinir nga siguro ang nakikita ko sa kanya pero yong malakas na t*bok ng puso sa tuwing magkatama ang mga paningin namin ni Santinir ay hindi ko nadarama sa kanya. Kaya, sigurado ako na hindi sya si Santinir. "Bakit hindi ka kumakain? Ayaw mo ba sa mga inorder mo? You can order again. Kung gusto mo pa, bibilhin ko ang restaurant na ito para sayo." "Who are you? I know you're not Santie. Alien kaba? Pinatay mo ba sya? Tapos, inagaw mo yong katauhan nya." Napatawa ang lalaki sa aking sinabi. Seryoso naman ako sa sinabi ko. Bakit ba sya tumatawa? "How do you know that I am not Santinir?" "Dahil hindi lumalakas ang t*bok ng puso ko sayo. Wala akong espesyal na nadarama para sayo. Kung mahal mo kasi ang isang tao, parang may espesyal ka na connection sa tao na yon. Yong koneksyon na yon ay masarap sa pakiramdam at parang lagi ka nalang naglalakad sa ulap pag kasama mo ang taong mahal mo. At ang koneksyon na yon ay hindi ko nadarama sayo." tila nangangarap kong sambit habang ini- imagine ang unang beses na nagkatama ang paningin namin ni Santie. Yong electricity. Yong earthshaking na sinasabi sa mga nobelang nabasa ko ay nadarama ko ng mga panahon na yon. At kahit iisipin ko lang o sambitin ang pangalan ni Santinir, parang may mga paru- paro na nagliliparan sa loob ng aking tiyan. Kinikilig ako ng sobra. "Wow, you reading romance novel too much. Masyadong fictional ang explanation mo sa love. In reality, there is no such thing as love, mas nag- exist yong lust kaysa love." Sinimangutan ko sya. Ang tingin ko sa kanya ay playboy at ginagawang laruan ang pakikipagrelasyon. "Ms. Montemayor, si Santinir nga ako. This is just the second time na nag-met tayong dalawa. Kaya hindi na nakapagtataka kung hindi mo pa naramdaman yang sinasabi mo. Impossible naman nainlove ka agad sa akin. "I don't believe you." naiinis kong sambit. "At saka love at first sight ang nadarama ko para kay Santinir. Nung nakita ko sya ay may mga pusong nagliliparan sa kanya. At dahil sa mga puso na yon, nalalaman ko agad na sya ang inilaan ng langit para sa akin." Saan kaya si Santie. Bakit sya ang nandito? Napatawa sya sa sinabi ko kaya mas lalo akong nainis. Sa inis ko, napa- order ako ng wine. Hindi ko pa nasubukan ang uminom nito pero ngayon, gusto kong subukan. Dahil naiinis ako sa ka- preskuhan nya, hindi tulad sa totoong Santinir na gentleman at mabait. "Hindi naman siguro ito nakakalasing." aniya sa lalaki sabay taas nya sa wine na hawak. "Hindi naman." Aniya, akmang magsasalita sya muli nang may nagpatigil sa kanya. Halata na may sinusundan sya ng tingin. Hindi ko nalang sya pinapansin, mas itinuon ko ang aking sarili sa mga masasarap na pagkain na nasa aking harapan. Food is life kaya ako. Inom na inom din ako sa wine na masarap naman pala. "Wait here--- may pupuntahan lang ako sandali. Babalikan din kita." Tango lang ang isinagot ko sa kanya. Saka naman sya tumayo at humakbang papunta sa kung saan. Samantala...... Nasa loob ngayon ng kanyang condo unit si Santinir. Mabuti nalang at nagpresenta si Sancho na ito ang pupunta sa inihandang dinner date ng kanyang mga magulang para sa kanilang dalawa ng piggy na si Solace. Ngayon, safe sya. Paano kaya nya matatakasan ang baboy na yon sa mga susunod na araw? Inilapag nya ang hawak na kopita sa mesa, sumasakit ang kanyang ulo dahil dito sa pinakamalaking problema na pinapasan nya. He doesn't want to dissapoint his parents but hindi naman nya maatim na makasama ang pangit na si Solace habang buhay. Akmang kukunin nya muli ang inilapag na kopita nang narinig nya ang pagtunog, hudyat na may tao sa labas ng kanyang condo unit. Humakbang sya para pagbuksan ang kanyang bisita. Si Kristina na siguro ito, ang babaeng kasalukuyan nyang idini- date. Wala naman label ang relasyon nila at sinabihan na nya ito na wag umasa sa kanya, dahil wala sa plano nya ang magseryoso. Isang supermodel si Kristina, hour glass ang petite na katawan. Ito ang tipo nyang babae at hindi ang katulad ng isang mataba na si Solace. Nakangiti sya habang binuksan ang pinto pero nabura agad iyon dahil iba ang kanyang napagbuksan. "What the hell! Ano ang ginagawa mo dito at kasama mo pa ang piggy na yan?" naiinis nyang tanong kay Sancho. Sina Sancho at Atasha ang napagbuksan nya at parehong nakaalalay ang dalawa sa tila walang malay na si Solace. "Pwede ba papasukin mo muna kami. Kanina pa ako nabibigatan dito." si Atasha. Kahit ayaw nya pero napilitan syang lakihan ang bukas ng pinto. Mabilis naman na pumasok ang dalawa habang akay ang mataba na si Solace. Inilapag naman nina Atasha at Sancho si Solace sa sofa. Saka hinihingal na napasandal si Atasha sa backrest ng sofa. Napatingin sya kay Solace. Nandidiri agad syang nang bumakat ang mga bilbil nito sa katawan sa suot nito bodycon dress. Napaismid sya, hindi man lamang ito nahiya na idisplay ang nakakahiyang katawan nito. Sumenyas sya sa kapatid na sundan sya nito sa may dining. Mabuti nalang at sumunod ito sa kanya. "Anong nangyari sa mataba na yan? At bakit dinala mo yan dito?" agad nyang tanong nito. Nakatukod ang kanyang kamay sa countertop ng sink. "Umalis lang ako sandali para lapitan si Atasha at ang date nya pero pagbalik ko lasing na lasing na. Nalasing sa wine na ininom nya." "Yan lang ang ininom nya? Ilang bote ba ng wine ang ininom ng piggy na yon?" "Piggy? Chubby lang si Solace, hindi naman matabang- mataba. And I think, she's pretty." "Nagagandahan ka naman pala. Why don't you ask our parents to marry her at nang matapos na ang problema ko.?" Napatawa ito sa kanyang sinabi. Kaya mas lalo syang nainis. "Anyway, why you brought her, here in my condo?" "At saan ko naman sya dadalhin? Fiancee mo sya, diba?" "Bullshit!" ayaw nya kahit isipin lang na fiancee nya ito. "Wala ba syang yaya na nakasunod sa kanya?" "Pinaalis nya. Sinabihan nya ito na ihahatid ko daw sya. So, paano, ikaw na ang bahala sa kanya. Aalis na kami ni Atasha, may pupuntahan pa kami." "F*ck! Kristina is on the way. Paano ko ipaliwanag pag makita nya ang piggy na yan dito." "Not my problem, bro." Ani nito saka humakbang palabas ng dining. Mabilis din hinila nito si Atasha na nagpupumiglas at nagrereklamo. Pero, wala itong nagawa dahil tuluyan na itong kinaladkad ng kanyang kapatid. Halos umuusok ang kanyang ilong sa sobrang inis habang nakatingin sa nakahiga na si Solace sa sofa. Sa taba nito ay halos hindi na nagsakto ang katawan nito sa malapad na sofa. Hindi nya alam kung bakit chubby lang ito sa paningin ng kanyang kapatid at maganda daw. Saan banda kaya ito maganda? Kailangan nya ito maitago. Tama. Ipapasok nya ito sa kabilang kwarto para hindi ito makita ni Kristina. Akmang gigisingin na nya ito nang biglang ibinuka nito ang mga mata. "Santie!" Ani nito na tila nanaginip. Mabilis syang hinila nito at dahil hindi nya napaghandaan ang gagawin nito, na out of balance sya at nadaganan nya ito. Naglanding pa ang kanyang lips sa lips nito. Mabilis nyang inilayo ang kanyang lips sa lips nito at para syang masusuka sa isipin na nahalikan nya ito. Akmang aalis na sya mula sa pagkakapatong dito nang isang malakas na sigaw ang kanyang narinig. Napatingin sya kay Kristina na nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa kanila ni Solace. "Walang hiya ka! Ipinagpalit mo lang ako sa baboy. Ang baboy mo! Kadiri ka!" sunod- sunod na sambit nito, saka ito padabog na humakbang paalis. Inis na inis syang napatingin kay Solace. Kasalanan talaga ng baboy na to. Lahat ng kamalasan nya sa buhay ay kasalanan ng baboy na to. Ang sarap gawin lechon ng baboy na 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD