BAB 3

1453 Words
(Solace) Nagising ako na masakit ang ulo ko at nakahiga sa isang couch. Pilit kong inalala ang nangyari kagabi pero mas lalo lang sumakit ang ulo ko. Inalala ko parin ang nangyari dahil gusto ko talaga malaman kung bakit ako napunta sa hindi pamilyar na lugar na ito. Nanlaki ang aking mga mata nang naalala ko ang huling eksena bago ako nakatulog. Naalala ko na hinalikan ako ni Santie sa lips. Totoo ba yon o bahagi lang ng aking panaginip?Kahit ano man yon, isa lang ang alam ko. Kinikilig ako ngayon. Teka, saan na ba yon eyeglasses ko? Hindi kasi ako makakita ng maayos kung wala yon. "Mabuti at gising kana. Umayos kana dyan at may pag- uusapan tayong dalawa." boses ni Santie ang aking narinig. Napatingin ako sa kanyang bungad. Nakita ko naman sya pero blurred sya sa aking paningin. Pero, kahit blurred sya, alam kong napakaguapo nya parin sa umagang ito. "Ano bang tinatanga-tanga mo dyan? Umayos kana, dahil hindi na makapaghihintay itong sasabihin ko sayo." Hindi naman ako nadiscourage sa sinabi nya. Ganito talaga ang ML sa mga binabasa kong nobela, kunwari, naiinis sila sa FL, pero may gusto pala sila dito. Ang sweet talaga ni Santie, sya talaga ang man of my dreams ko, na tulad sa mga nobela. Alam ko ang mga ML, ay mahilig sila sa mga babaeng tanga, in which pasado naman ako. "Yong eyeglasses ko kasi, hindi ko makita. Nakita mo ba?" May kinuha sya sa mesa saka inabot sa akin. Ito ang eyeglasses ko. Agad ko itong kinuha mula sa kanya at isinuot. Ngayon, ang linaw na ng kaguapuhan ni Santie sa aking mga mata. Hindi sya nakangiti at nagsingabot lang ang kanyang kilay sa gitna. "Goodmorning, Santie." pa- cute kong sambit, pinacute ko ang aking chubby cheeks. Napaismid sya, pero okay lang. Ganito talaga ang mga ML, harsh sa FL sa simula. "Sumunod sa akin sa dining, at nang makakain kana. Ihahatid na kita sa inyo dahil kagabi pa ako kinukulit ng parents mo, pero ayaw naman nilang iuwi kita sa inyo kagabi. Mabuti naman, kasi hindi din naman kita kayang buhatin sa taba mo na yan." Hindi ako na- offend sa kanyang sinabi. Alam ko naman ang katotohanan na mataba ako. Sadyang honest lang sya. Mas gusto ko naman talaga ang mga lalaking honest. At ang dahilan kung bakit gusto ko ang lalaking honest dahil honest si Santie. Humakbang na sya papasok sa dining, agad naman ako tumayo para sundan sya. Magkaharap na kami ngayon at sabay na kumakain. Hindi ko naman lubos akalain na marunong pala syang magluto. Alam kong simpleng hotdog at itlog lang naman itong niluto nya, pero talagang manghang- mangha parin ako sa kanya. Hindi ko kasi alam kung paano magluto kahit itlog. Buong buhay ko, may mga katulong na gumagawa ng halos lahat ng bagay para sa akin. Tanging pagkain, pagtulog at pagbabasa lang ang alam kong gawin. "Tatapatin na kita. Alam mo kasi, hindi ko talaga ugali ang manakit ng babae at ang magpaasa, kaya tatapatin kita, hindi ikaw ang tipo ko. Hindi ako mahilig sa mga matataba at hindi maganda, hindi ko din type ang mga kayumanggi. Yong mga gusto kong babae ay yong mga skinny na parang modelo. Mahilig din ako sa maputi at maganda na parang diyosa. At malayo ka sa ganun kaya ikaw na sana ang makikiusap sa parents mo na wag nang ituloy yong pinag- uusapan kasal nating dalawa. Inaasahan ko na ikaw na ang aatras sa napag- usapan ng mga parents natin." Napatigil ako sa panguya dahil sa kanyang sinabi. Sa buong buhay ko, ngayon ko palang maranasan ang masaktan. Oo. Nasaktan ako sa narinig. At parang maiiyak na ako. Hindi. Talagang tumulo na ang luha ko. "Ayaw mo sa akin? Bakit?" tulong luha kong tanong. "I already told you the reason. Don't let me repeat it. Baka mas lalo kalang maiyak. And wipe your tears, hindi ako madadala ng mga luha mo." nakangiwi nyang sabi. "Mukhang mabait ka naman at sa tingin ko, makakahanap karin ng lalaki na kaya kang tanggapin mula ulo hanggang paa. Ayaw ko talagang manakit ng babae kaya prinangka na kita ngayon palang." Ang masarap na pagkain sa aking harapan ay biglang pumangit ang lasa. Kaya nawalan na ako ng gana. "Bilisan mo na dyan. Para maihatid na kita. Baka may makakita pa sa atin na magkasama. Masyadong nakakahiya iyon." Agad ko din naman tinapos ang aking pagkain at pinunasan ang aking luha. "Hindi tayo dapat magsabay. Mauna kang lumabas, make sure na wala makakakita sayo sa paglabas mo dahil baka ma- tsismis pa tayong dalawa." Hindi na ako nagsasalita at agad akong tumalima sa kanyang sinabi. Pinalinga ko muna ang aking mga mata. Nang napatanto ko na wala ng nakakita sa akin, agad akong lumabas. Nakatayo ako sa isang gilid habang hinihintay si Santie na lumabas din. "Why you still here? Diba, sinabi ko sayo na mauna kana sa parking lot. At hintayin mo lang ako doon." "Hindi ko alam kung paano." Totoo naman ito. Ni minsan, hindi ko pa naranasan ang mag- isa. "Mataba ka na nga, tanga kapa." halata ang pagka- irita sa kanyang mukha. Nasa elevator na kami ngayon ni Santinir, pababa patungo sa parking area nitong building kung saan matatagpuan ang kanyang condo unit. "Wag kang pahalata na magkasama tayong dalawa. Lumayo ka sa akin ng kunti." Sinunod ko naman ang sinabi nya. Kaming dalawa lang ang nasa elevator. Pero, sa susunod na floor, may isang babae na maganda, maputi at payat ang pumasok. "Hi, Santie. Nagkasabay na naman tayo." nakangiting sabi nito kay Santie. "Hello pretty." ang tamis ng ngiti ni Santie dito. Sobrang dikit nina Santie at ng babae habang nasa elevator na kami, na halos parang magkayakap na silang dalawa. Nagbulong- bulungan din sila at nagtatawanan. Hindi ko na naman mapigilan ang pagtulo ng aking luha. Sa buong buhay ko, ngayon ko pa lang naranasan ang magselos. Bago lumabas ang babae, isang halik muna sa labi ni Santie ang ginawa nito. Mas lalong tumulo ang luha ko. "Iyon ang mga tipo kong babae, Solace. Kung kasing ganda kana at sexy ng babaeng iyon, baka ako na mismo ang mag- aayos sa kasal nating dalawa. Pero, malabo ka naman sigurong maging ganun. So, follow what I say, this is for your own good." - Nakatayo at tinignan ko ang hitsura ko sa salamin. At sa unang pagkakataon, ngayon lang ako na- iinsecure sa hitsura ko. Hindi ko kasi masyadong pinagtuunan ng pansin ang hitsura ko noon, kasi naniniwala ako na pag dumating na yon itinadhanang lalaki para sa akin, walang pakialam sa hitsura ko ang lalaking iyon. Pero ngayon, nanliit na ako sa aking sarili. Bakit ba naman kasi ang taba ko? At bakit ang pangit ko? Napahagulhol ako sa pag- iyak. Pabalik- balik sa isip ko ang sinabi ni Santie. Never nya akong magugustuhan dahil sa mataba ako at pangit. Gusto nya na maging katulad ako nung babae na nakasabay namin sa elevator. Alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang e- achieve ang ganun figure at ganda, kaya paano pa ako magugustuhan ni Santie. Sa kabila kasi ng mga masasakit na salita na narinig ko mula kay Santie, ewan ko pero gustong- gusto ko parin sya. Halos buong araw ako na nasa loob lang ng aking kwarto, nakahiga sa kama. Wala akong gana para gawin ang ibang bagay. Pati ang pagkain ay wala akong ganang gawin. "Solace anak, may problema ba? Sabi ng mga katulong, hindi ka daw lumalabas sa kwarto mo at hindi karin kumakain. Nag- alala kami ng daddy mo ng sobra." Ani ni mommy. Kapapasok lang nya sa kwarto ko. Napaupo ako sa kama at sumandal ako sa headrest. Napaupo sya sa gilid at napatigin sa akin. "Mom, sa tingin nyo po, may lalaki kayang tatanggap sa akin." hindi ko mapigilang tanong. "Oo naman. Ano bang klasing tanong yan, anak?" "Kahit mataba, pangit at tanga ako? Sa tingin nyo po, may lalaking iibig pa sa akin?" "Solace, medyo chubby ka nga pero hindi ka naman pangit, at hindi karin tanga. At saka, ang tunay na pag- ibig ay hindi tumitingin sa panlabas na anyo, ang mahalaga ay kung ano ang sinisigaw ng puso." "Pero, bakit si Santie, may qualification sya sa babaeng gugustuhin? At ang layo ko po sa tipo nyang babae." Halata ang lungkot sa aking boses. "Ganun ba? Kung ayaw nya sayo, then, hindi natin ipipilit sa kanya na pakasalan ka. Makakahanap karin ng mas higit pa kay Santinir." Napatulo na naman ang luha ko dahil sa narinig ko sa aking ina. Naalala ko na naman ang mga katagang na binitawan ni Santie kanina. "Pero--- gustong- gusto ko si Santie, mom . Sa kabila ng lahat, gusto ko parin sya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD