(Solace)
Gusto ni Santie na pumayat ako. Then, magpapapayat ako. Exercise at diet, iyon na ang gagawin ko simula ngayon.
Papunta palang ako sa kusina pero agad nanuot sa aking ilong ang bango ng niluto ng aming kusinera. Natatakam agad ako pero agad ko din naalala na kailangan ko palang magpapayat, kaya mabilis akong humakbang palayo sa mga bagay na maging tukso para hindi ko ma- achieve ang 36, 24, 36 na body vital statistics.
Nakakapagod din pala, halos isang oras na akong patakbo- takbo sa oval ng aming villa. Hingal na hingal na ako. Nakakapagod pala ang magpapayat. Pawis na pawis ako, dumagdag sa hirap ko sa magpapayat ay itong eye glasses ko.
Bakit ba naman kasi malabo ang aking paningin?
Umupo muna ako. Unang araw palang, parang gusto ko ng sumuko. Pero hindi! Gagawin ko ang lahat para magustuhan ako ni Santie.Gustong- gusto ko talaga sya.
Tumayo ako, pero napaupo din ako agad. Naging blurred din kasi bigla ang aking paningin. At hanggang sa nagdilim nalang ito.
Later.......
"Kabaliwan na itong ginagawa mo, Solace. Hindi ka kumakain tapos nagtatakbo ka doon sa labas. Alam mo naman na hindi sanay ang katawan mo sa ganyan. We shelter you too much, tapos hindi mo man lang iniingatan ang sarili mo."
"I'm sorry po, mom. Gusto ko na kasing pumayat agad. Para magustuhan na ako ni Santinir." nakayuko kong sabi. Nahihiya ako sa mommy ko.
Tumabi sya sa pagkakaupo ko sa kama.
"Solace, diba sabi ko sayo, na wag na natin ipilit na makasal ka kay Santinir. Madami pa naman lalaki, makakahanap karin ng magmamahal sayo."
"Pero, si Santie lang ang gusto ko. Ayaw ko sa ibang lalaki. Papayat ako para kay Santinir."
Hindi na nagsalita ang aking ina. Pero, rinig na rinig ko ang malakas na pagbugtong- hininga nya.
Kinabukasan, nagpasama ako sa aking yaya para puntahan si Santinir sa kanyang opisina. Siniguro ko talaga na maganda ako ngayon.
Nanood pa ako sa youtube kung paano ang tamang pag- make up sa sarili. At ang pinili ko ang pinakamaganda kong damit na nakita ko.
"Hello, good morning, nandyan ba si Santinir?" nakangiti kong sabi sa babae na nasa front desk na nasa unang palapag ng building na pinasukan ko.
"Yes ma'am, sino ang kailangan nyo?"
"Si Santinir, nandyan ba?"
Napatingin ito sa kasama nito at tila nag- uusap ang mga mata ng mga ito.
"Sorry ma'am, but Mr. Montreal is at the meeting right now. Won't back 'till later."
"Really? Kailan ba ang balik nya? Pwedeng malaman kung nasaan ang office nya. Doon ko nalang sya hihintayin."
"Baka bukas pa ang balik maam."
"Ganun ba?" napasimangot ako.
Humakbang ako palayo sa front desk. Aalis na sana ako nang may nahagip ang aking mga mata.
Biglang gumanda ang aking pakiramdam.
"Santie! Santie!" tawag ko sa pangalan ni Santinir. Pero, hindi nya ako nilingon.
Si Santinir nga nga ang nakita ko at may kasama syang isang sexy at magandang babae.
"Santie! Santie!" tawag ko muli sa pangalan nya, pero hindi talaga nya ako nilingon. Halos patakbo na ang hakbang na aking ginawa. Sa wakas naabutan ko narin sya. Hinawakan ko ang braso nya, kaya napahinto sya sa paghakbang at napalingon sya sa akin, pati na ang kasama nyang babae.
"Santie, sa wakas naabutan narin kita. Kanina ko pa tinatawag ang pangalan mo." humihingal kong sambit. Medyo kinakapos pa ako ng hangin dahil sa ginawa kong paghabol sa kanya.
"What the!" si Santinir.
"Santinir, who is she? Naligaw ba yan, akala dito ang venue sa the big lost party? Pero mukhang wala naman na- lost dyan." ani ng kasama ni Santie, at hinagod pa ako ng tingin. Halata na napaismid ito sa aking hitsura.
Sinimangutan ko ang babaeng kasama ni Santinir. Hinihintay ko na ipagtanggol ako ni Santinir mula sa babaeng ito.
Imbes na magsalita si Santinir ay senenyasan nya ang guard.
"May problema ba dito, Mr. Montreal?" si Manong guard.
"Oo. Nanggugulo ang babaeng ito. I want her to be outside in the company now."
Tinanggal ni Santie ang aking kamay mula sa pagkakahawak sa kanya, saka nya ako marahas na binitiwan. Hindi ko napaghandaan ang gagawin nya, kaya ako na out of balance, at napahandusay ako sa sahig.
"Mabuti naman at hindi lumindol." paismid na sambit ng babae na kasama ni Santie.
"Let's go. Wag ka ng pumapatol sa mga baliw." si Santie, saka nya hinawakan ang kamay ng babaeng kasama, at humakbang na sila paalis.
Kusang tumulo ang luha ko habang sinundan sila ng tingin. Bakit ba ang bait ni Santie sa ibang babae tapos iba ang trato nya sa akin?
"Tayo na Ms., ang mabuti pa, lumabas ka nalang ng maayos bago pa ito kaladkarin palabas."
Tumayo ako at pinunasan ko ang aking luha. Hiyang- hiya ako kasi maraming tao ang nakakita sa nangyari kanina. Habang naglalakad ako, sa tingin ko, nakatingin sa akin ang mata ng halos lahat.
Palabas na ako nang narinig ko ang usapan ng dalawang babae.
"Sino ba yan?"
"Isa siguro yan sa mga babaeng humahabol kay boss. Ang kapal ng mukha."
"Oo nga. Hindi na nga maganda, mataba pa. Ambisyosa."
Napayuko akong dumaan sa bungad ng dalawang babae. Pero, pagdaan ko, mabilis na hinarang ng isang babae ang paa nito sa akin kaya ako natumba. Tawang- tawa naman ang dalawa sa nangyari sa akin. Napaluha ako na napayuko.
"Tumayo ka na dyan Ms. Bago pa kita ipakaladkad palabas." Ani ng guard.
Mabilis akong tumayo at patakbo akong humakbang palabas. Takbo na takbo ako, hanggang sa hindi ko na alam ang layo ng tinakbo ko. Huminto ako saka ako napatingala sa ulap.
Dahil buong buhay ko ay nasa apat na sulok lamang ako ng bahay namin kaya wala akong masyadong karanasan sa kung ano ang nasa labas. Kanina, para akong nagising sa katotohanan na may mga taong ginawang katatawanan ang kanilang kapwa.
Ngayon palang ako nasaktan ng ganito, ang mapahiya ng ganito. Sana hindi nalang ako kinulong ng mga magulang ko sa bahay namin para alam ko kung paano makisabayan sa totoong mundo.
Pinalinga- linga ko ang aking mga mata, hindi ko alam kung nasaan na ako. Nakadama ako ng takot dahil hindi ko alam kung anong lugar na itong napuntahan ko.
Kinuha ko ang aking cellphone sa loob ng bag ko. Akmang tatawagan ko na ang yaya ko nang may biglang umagaw ng aking cellphone mula sa akin.
"Hoy, cellphone ko yan. Ibalik mo yan sa akin." sigaw ko sa lalaking umagaw sa cellphone ko.
Mabilis na tumakbo ang lalaki, sinundan ko sya. Pumasok sya sa isang makitid na eskinita.
"Ibalik mo yan cellphone ko."
Nakadama na ako ng pagod kaya tumigil ako sa pagsunod sa lalaki. Halos habol ko na naman ang aking paghinga.
Nang medyo nakabawi na ako, agad akong napatingin sa paligid. Medyo nasa may liblib na eskinita ako, maliit lang ang daan.
"Wow, pare, isang biyaya." napatingin ako sa nagsasalita na yon. At nakakita ako ng limang lalaki na nag- umpukan, may limang bote ng alak sa mesa nila.
"Mahilig pa naman ako sa mga babaeng malaman kasi ang sarap pisil- pisilin." nakangising sambit ng isa habang sa akin nakatingin.
Kinakabahan ako lalo na nang tumayo ang dalawa sa mga ito at humakbang palapit sa akin. Napaatras ako. Takot na takot ako.
"Hoy, magsialis nga kayo. Kahit kailan, mag maniac talaga kayo." Ani ng matandang babae.
"Pambihira talagang matandang ito." Ani ng isa sa mga lalaki. "Kung hindi dahil doon sa alaga mong mayaman, matagal kanang pinaglalamayan dito."
"Inggit kalang."
Lumapit sa akin ang matandang babae.
"Halika eneng, wag kang matakot. Doon tayo sa bahay ko."
Natatakot ako sa mga tambay kaya hindi na ako nagdadalawang isip na sumama sa matanda.
"Ano na bang nangyari sayo at napadpad ka dito sa lugar namin?
Hindi ko napigilan at nae- kwento ko sa kanya ang nangyari sa akin.
"Wag kang mag- alala. Pupunta ngayon dito yong alaga ko noon. Ganitong araw nya ako laging binibisita dito. Baka matulungan ka nya."
Guminhawa kahit papaano ang aking pakiramdam.
Pagdating namin sa bahay ng matanda, naghihintay na pala sa kanya ang alaga nya.
"Jacob!"
"Yaya. Grabe, miss na miss na kita." nagyakapan ang dalawa.
"Ikaw bata ka. Hanggang ngayon, napakalambing mo parin."
Nang bumitaw na ang matanda sa lalaking nangangalang Jacob saka naman sya bumaling sa akin.
"Oo nga pala. May kasama nga pala ako. Sana matulungan mo itong si eneng."
Napatingin naman sa akin ang lalaki, saka nya ako hinagod ng tingin, titig na titig sya sa akin. Ngumiti sya at totoong ngiti ang nakikita ko sa kanyang mga mata.
Kung hitsura lang ang pagbabasehan, kaya nyang tumapat kay Santinir. Sa taas, sa tindig at pati narin sa pangangatawan.
"Hi, I'm Jacob!" inilahad nya ang kamay sa akin. "Jacob Castellejos."
Tinanggap ko ang pakikipagkamay nya.
"Solace Cath----" natigil ako sa aking sasabihin nang pinisil nya ang aking palad.