Kasama ni Santinir ang kanyang mga magulang at ang mga kapatid na sina Savino at Sancho sa hapag- kainan. Pag araw ng Sabado ay binibisita nilang tatlo ang mga magulang nila dito sa malaking mansyon ang kanilang pamilya.
Ang mga kapatid nila na sina Seighfred at Saven ay parehong may pamilya na at kalimitan nalang makabisita sa kanilang mga magulang. Si Simon naman ay ewan nila kung ano ang ginagawa nito sa buhay, marami itong itinatago sa kanila. Sa katunayan nga ay ito na si Nicollo na pinsan nila.
Ang bunso naman nilang babae na si Safarra/ Amari ay nasa Paris at nag- aaral ng designing. May adopted sister sana sila na si Saskia, pero biglang tinuhog nitong isa sa kakambal nya na si Savino. At dahil asshole itong kapatid nya kaya nilayasan ng asawa at hanggang ngayon, hindi pa nila alam kung nasaan si Saskia at kung sino ang nagtago dito. Habang itong si Sancho ay in denial lang, halatang may gusto naman kay Atasha.
Oo nga pala, may halfbrother sila, si Alfred, at dahil buntis ang asawa nito kaya lagi silang binubulabog nito sa tuwing may kakaibang pagkain na hinahanap ang asawa nito.
At sya naman ang pinakamalas, dahil sya na nga ang naisipan ng kanyang magulang na may ka- fixed marriage, mataba at pangit pa yon babae na napili ng mga ito para maging asawa nya. Kaya masama talaga ang loob nya sa mga magulang nya.
"Mom, please, can you tell the parents of Salace that I don't want to marry their daughter."
Napatigil sa pagsubo ang kanyang ina, saka ito mariin na tumitig sa kanya. Mayamaya lang, ngumiti ito kaya napakunot- noo sya. Akala nya pagsasabihan na naman sya nito.
"You don't have to worry of that anymore. Ang mga magulang na mismo ni Solace ang umatras sa kasunduan nung isang araw. Ayaw na daw kasing magpakasal ng anak nila sayo."
Muntikan na syang nabilaukan sa narinig. Mabilis naman syang uminom ng tubig.
Ang ganda sanang pakinggan na hindi na sya mapilitan ikasal sa mataba na si Solace pero ang isipin na si Solace pa mismo ang umatras ay parang nakakababa sa kanyang pagk*lalaki. Pakiramdam nya, ito ang nag- reject sa kanya, at hindi ito matanggap ng kanyang ego.
"M- Mabuti naman." taas noo nyang sambit. "She finally realized that she's not fit with me. And wala syang pag- asa na magustuhan ko sya."
"Actually, sabi ng parents nya, may nakilala daw isang lalaki ang kanilang anak at mukhang gustong- gusto ito ni Solace. Si Solace daw mismo ang nagsabi na ayaw na nya sayo, dahil may nakilala na daw itong mas nakahihigit sayo."
What? Nakakahigit sa kanya? Hindi nya maintindihan kung bakit inis na inis sya narinig. Sa tingin nya parang ibinaba ng Solace na yon ang kanyang level bilang lalaki.
Nagtawanan naman ang kanyang mga kakambal sa narinig.
"Bro, yong babae na ayaw na ayaw mo, ipinagpalit ka sa iba." nakatawang sabi ni Savino.
"This is epic. Ni- reject ka." tawang- tawa naman sambit ni Sancho.
Mas lalo nyang naikuyom ang kamao. Hindi nya matanggap ang sinabi ni Sancho na ne- reject sya ni Solace.
Kinagabihan, hindi sya makatulog. Pabalik- balik sa kanyang isip ang napag- usapan nila kanina sa hapag- kainan. Lalo na yon salita na ni- reject sya ng matabang si Solace.
May nagugustuhan na palang ibang lalaki si Solace kaya pala isang linggo na itong hindi nanggugulo sa kanya. Salamat naman at may ibang lalaki ng gustong biktimahin ang baboy na yon.
Ano kanyang klasing lalaki ang nagugustuhan nito? Baka isa din mataba na tulad ni Solace. Sino namang matinong lalaki ang magkakagusto sa tulad ni Solace?
Sa isipin ito ay napangiti sya. He won't get affected of what his brother said. Sya ang unang nagpakita ng pagkadisgusto kay Solace, kaya sya ang unang nag- reject dito.
Samantala……
“Are you sure that you want to invite me?” awang labi na tanong ni Solace kay Jacob. Mula nung tinulungan sya nito ay naging kaibigan na nya ito.
“Yes.” Nakangiting sagot nito.
Inimbita kasi para maging date nito sa nalalapit na birthday ng isa sa kabarkada nito. May date kasi ang mga kaibigan nito at ayaw naman daw nitong ma out of place, kaya inimbita sya nito bilang date nito.
“Sigurado ka ba?”
Sa sunod – sunod kasi na pag- reject ni Santie sa kanya, idagdag pa ang mga insultong narinig nya dito, parang bumaba yong self- confident nya. Pero, kahit paman ganun, gusto parin nya si Santie, hindi na nga lang nya ito ginugulo muli. Para narin ito sa sarili nya.
“Oo. Bakit?”
Halata sa mukha nito ang kalituhan.
“I am fat. I am ugly.”
Nagpakatotoo na sya. Tinanggap na nya ang katotohanan ito.
“Who told you that? Yes. You are not skinny. You are chubby but you are beautiful. And, you are my friend. There’s nothing wrong with you. At kung akala mo, ikakahiya kita. Of course not. I like the way you are. And you don’t have to worry about my friends, yong mindset nila katulad lang sa akin."
Parang mabuhayan sya ng loob sa sinabi nito. Sa tingin nya, nadagdagan yong self- confident nya.
“Gusto ko sana but-----“ naalala nya bigla ang kanyang mga magulang.
Baka hindi sya papayagan ng mga ito. Mula kasi nung nawala sya at si Jacob nga ang naghatid sa kanya ay pinagbawalan na syang muli na lumabas ng kanyang mga magulang.
“Don’t worry about your parents. Nai-pagpaalam na kita sa kanila. I talked to them first before you, baka kasi tanggihan mo ako.”
Hindi nya alam pero para syang kinilig sa sinabi nito. Napaka- gentleman ni Jacob na hindi katulad kay Santinir. Kung sana kaugali nalang kay Jacob si Santie, wala sanang problema dun sa lalaki at hindi sana sya broken hearted ngayon.
“Okay. Salamat, Jacob.”
Hindi nya mapigilan ang hindi magpasalamat dito. Ni minsan, hindi sya nagkaroon ng kaibigan. Ngayon palang sya nagkaroon ng kaibigan. Si Jacob at tanggap sya nito.
Sumapit na ang araw na sinasabi ni Jacob na kaarawan ng kaibigan nito. Kailanman, hindi nya nasubukan ang pumunta ng salon, pero ngayon, sinamahan sya ng kanyang mommy sa isang salon.
“Diba, ang ganda mo, maam. Ang ganda ng mga mata mo.”
Masayang bulalas ng bakla na syang nag- make over sa kanya. Tinanggal nito ang kanyang eye glasses at pinalitan iyon ng eye contact. Nung una, medyo hindi sya confident sa eye contact pero kalaunan, okay naman pala.
Dumaan din sila ng kanyang ina sa isang kilalang boutique para pumili ng kanyang masusuot. Gandang- ganda sya sa kanyang sarili ngayon. Lumakas yong self- confident nya.
“Wow, ang ganda mo!” bulalas ni Jacob nang bumaba na sya sa hagdaan. Nasa sala ito at hinihintay sya.
She is just wearing a casual dress, dahil ayon kay Jacob, hindi naman magarbo ang party. Jacob didn’t also wearing a suit. He wore a polo na parang casual lang na kasuutan nito.
“Salamat.” Matamis syang ngumiti dito.
“Jacob, ijo, ikaw na ang bahala sa unica ija namin.”
“Opo maam and sir, ipapangako ko na walang mangyayaring masama sa anak nyo.”
Hinatid pa sila ng kanyang parents sa labas ng gate kung saan doon na ipinarada ni Jacob ng kotse nito.
Jacob is a real gentleman, inakay at pinagbuksan pa sya ng kotse nito. She felt special.
Sa isang hotel pala gaganapin ang party. Jacob opened the door for her and hold her hand, habang palabas sya ng kotse. A valet driver greet them, then Jacob gave the car key to the valet driver, para ito na ang mag- park ng kotse nito.
They are welcome by a some of the hotel staff, then the corcierge assisting them and leading them the function hall, the main venue of the party.
Tama nga ang sinabi ni Jacob, halata man mayayamang ang mga taong nandito pero talagang simple lang ang selebrasyon.
Sa kabilang banda.....
Muntikan nang naibuga ni Santinir ang ininom nyang alak nang pagtingin nya sa entrance, sumalubong sa paningin nya si Jacob at may kasama itong babae na kilalang- kilala nya.
Anong ginagawa ni Solace dito at kasama ito ng pinsan nya? Jacob is his cousin in his mother side. Kuya ng mommy nya ang ama ni Jacob. Aaminin nya, bata palang sila ni Jacob ay para may kompetisyon na sa pagitan nilang dalawa.
They are both the youngest of the family. Well, hindi sya ang youngest kundi si Safarra, but her little sister was lost for 17 years at sya ang naging bunso in that years. Actually, days lang ang pagitan ng mga edad nilang dalawa ni Jacob. And they are always in the competition, especially sa attention ng mga grandparents nila. Maliban pa dito, halos pareho sila ng mga magugustuhan. But not for now, mukhang magkaiba na sila ng nagugustuhan ngayon.
"F*ck bro, kaya pala ayaw na sayo ni Solace, dahil may nagugustuhan na sya. Ang sakit talagang ma- reject at ipagpalit sa ibang guapo at pinsan pa natin." pabulong na sabi sa kanya ni Sancho.
"Go to hell, asshole. Hindi ako ang na- reject. Ang Solace na yan ang ni- reject ko."
"Really? Well, in my opinion, ikaw ang ne- reject. Paayaw- ayaw kalang naman pero si Solace, talagang umatras sa kasal nyo. Kaya pala, kasi may Jacob na sya. Solace rejecting you, because of our cousin, Jacob. Mukhang mas ma- appeal si Jacob kaysa sayo." nakatawang sabi nito sa mahinang boses, saka ito humakbang para iwanan sya.
Naikuyom nya ang kamao sa narinig. Hindi nya matanggap ang sinabi ng kapatid. Kahit mataba at pangit si Solace. But she is no right to dumped him. Wala syang gusto kay Solace pero hindi nya matanggap na ipinagpalit sya nito sa pinsan nya. Bulag ba itong si Jacob o nagbago na ang taste nito sa babae?
Tila sya naestatuwa sa kinatayuan nang napatanto nya na palapit sa kanya sina Jacob at Solace. Mabilis nyang hinila si Christy, isang starlet na date nya ngayon.
Nakatingin sya kay Solace, gusto nyang makita ang pagseselos sa mga mata nito pero ang lapad ng ngiti nito habang may pabulong- bulong dito ang kanyang pinsan hanggang sa napatingin ito sa bungad nya. Mabilis syang umakbay kay Christy, na kinilig naman agad sa kanyang ginawa. Rumihistro ang pagkabigla sa mga mata ni Solace nang makita sya. Hinintay na nya na iwanan nito ang kanyang pinsan at lalapitan sya nito para kulitin. Pero, binawi nito ang paningin mula sa kanya at nakangiti na naman itong nakatingin sa kanyang pinsan. Biglang uminit ang kanyang ulo. Sa tingin nya, nalalamangan sya ni Jacob.
"Solace, this is my cousin, si Santinir." si Jacob nang nakalapit na ang mga ito sa kanya.
Matipid na ngumiti sa kanyang si Solace. Ngayon lang nya napagmasdan sa malapitan ang mga mata nito. Maganda pala ang mga mata nito na sa tingin nya ay hindi dahil sa eye contact. Parang pamilyar sa kanyang kung paano ito tumitig, pero hindi lang nya maalala. Kinastigo nya ang sarili, hindi sya dapat humanga sa kahit anong maliit na detalye sa mataba na to.
"I can't believe it, bro. Mukhang bumaba ang standard mo sa babae." nakangisi nyang sabi. Gusto nyang ipahiya si Solace at ipamukha dito na walang magkakagusto dito. Lihim syang napangiti nang rumihistro ang sakit sa mga mata ni Solace. Hinintay na nya ang maging kasagutan ng pinsan nya, alam nyang matalas din ang dila nito na katulad sa kanya.
Hinawakan ng pinsan nya ang kamay ni Solace. Kaya napatingin ang babae dito.
"Actually, ngayon palang tumaas ang standard ko. When I met Solace."
"Thanks Jacob. You're the best. You know what, last week, akala ko mataas na ang standard ko sa isang lalaki. But when I met you, saka ko lang din narealize na mas nag level up na ang standard ko sa lalaki."
Nagpanting ang tenga nya sa narinig. Mas lalong uminit ang kanyang ulo.
Agad naman nagpaalam ang dalawa at inis na inis nyang nasundan ng tingin ang mga ito.
Back to Solace.....
Nakatayo si Solace habang sinusundan ng tingin si Jacob. Nagpaalam muna ito sa kanya sandali dahil kukuha lang daw ito ng maiinom.
"I know na sinusundan mo ako dito. Talagang hindi ka susuko. "
Napalingon sya at si Santinir nga ang nagsasalita. Aaminin nya na nasaktan sya sa sinabi nito kanina. Pero, naglakas loob sya na wag ipahalata iyon dito.
"What are you taking about. Hindi ko alam na nandito ka. At hindi ko alam na magpinsan pala kayo ni Jacob."
"Wag ka nang nagmaang- maangan pa, sigurado ako na nag- research ka tungkol sa akin. At ngayon, ginagamit mo ang pinsan ko para inisin ako."
Awang labi sya sa sinabi nito. Hindi nya alam kung saan kinuha nito ang ganitong ideya.
"Ano ba-----"
"Cousin, may problema ba dito?" si Jacob. Kalalapit lang nito sa kanila.
Imbes na sumagot si Santinir, iba ang ginawa nito na hindi nya napaghandaan. Mabilis na hinapit ni Santinir ang kanyang batok at siniil ng halik ang kanyang labi. Biglang- bigla sya sa ginawa nito kaya hindi nya alam kung ano ang kanyang mararamdaman. Sandali lang naman naglapat ang kanilang labi.
Halata ang pagkagulat sa mukha ni Jacob.
"She is my Ex- Fiancee. Nung ka- fixed marriage ko. I dumped her, because she doesn't pass my standard. And now, he is using you, para inisin ako." Ani ni Santinir kay Jacob.