BAB 6

2244 Words
(Solace) "Solace, wait!" Sinusundan ako ni Jacob, napatakbo kasi ako kanina dahil sa sobrang pagkapahiya. Huminto ako nang nasa labas na ako ng hotel. "Solace!" tuluyan nang nakalapit sa akin si Jacob. "Jacob, maniwala ka. Wala akong alam na pinsan mo pala si Santinir. Hindi kita ginamit tulad ng sabi nya." nagsusumamo yong nga titig ko sa kanya. Ngayon palang ako nagkaroon ng kaibigan, kaya masakit sa akin kung masira agad ang pagkakaibigan namin ni Jacob dahil kay Santie. "It's okay. I believe you. Pasensya kana pala sa pinsan ko. Nadamay ka pa sa hidwaan naming dalawa." Nakahinga ako ng maluwag sa kanyang sinabi. Buong akala ko, maniniwala sya sa sinabi ni Santie. "Do you want to go home?" "Oo sana." masaya naman doon sa party, kaya lang nandun si Santie at gusto ko munang huminga mula sa kanya. Gustong- gusto ko parin si Santie, kaya lang, para na akong nasasakal dahil sa pinaggagawa nya sa akin. Maliban sa naging habit na nya ang insultuhin ako at ibaba ang aking sarili, gusto din nya na lagi akong ipahiya. Kaya, mahirap na talagang huminga pag nandyan sya. Ayaw ko naman talagang patulan si Santie kanina kaya lang naiinis narin ako. May damdamin din ako at marunog masaktan, at makaramdam din naman ako ng inis. "Okay. Just wait me here for a while. May babalikan lang ako sandali sa party. Sandaling- sandali lang ako. Pangako." "Okay." ngumiti ako sa kanya. Nasundan ko ng tingin ang papalayong bulto ni Jacob, saka ako napabugtong- hininga. Si Santie na naman ang naging laman ng aking isip. Halata naman walang gusto sa akin si Santie, pero wala parin sa plano ko na ibaling sa iba ang pagtingin ko sa kanya. Sa katunayan nga dyan, sinabi ko sa parents ko na kumbinsihin ang mga magulang ni Santie na kausapin ito na subukan naman akong kilalanin, kahit isang buwan lang. I may not be beautiful in the outside, pero marami naman akong mga good qualities. And I believe that what is essential cannot be seen in the eye. Napaurong ako nang nakita ko si Santie na palabas sa hotel. I looked the other direction, ayaw kong malaman nya na nakita ko sya. I am pretending that I didn't saw him but I secretly looking at him using my side vision. Kausap nya sandali ang isang valet driver. Palingon- lingon ako sa loob, umaasa na makita ko si Jacob. Napahinga ako nang nakita ko si Jacob pababa sa hagdanan. I was about to walk inside para salubungin sana si Jacob nang may mga kamay na humawak sa aking kamay. Next thing I realized, nahila na ako ni Santinir pasakay sa kanyang kotse. It happened so fast that I didn't recover it right away. And I saw Jacob, nagmamadali ito para kunin ako mula kay Santie, pero huli na dahil mabilis din pinatakbo ni Santie ang kotse. "What do you want? Ibalik mo ako doon kay Jacob." "My cousin didn't care about you. He keeps you waiting outside the hotel while he is busy flirting in the party. You should be thankful that even though, I didn't care about you. I'm still gentleman enough to bring you home, dahil mukhang kinalimutan ka na ng pinsan ko." aniya nang hindi man lamang sumulyap sa akin. Nasa pagmamaneho ang kanyang pokus. "That's not true. Nakita ko si Jacob, palabas na sya nang bigla mo akong hinila." "Really? I didn't saw him. Don't make a story just to save your pride." Huminga ako ng malalim. Nagtaas- baba ang aking dibdib sa sobrang inis habang nakatingin sa kanya. "Bakit mo ba ito ginagawa sa akin? Diba, wala ka naman gusto sa akin. Diba, ayaw mo naman sa akin. Sabi mo ayaw mo sa akin kasi mataba at pangit ako. Pero, bakit mo ba ako ginugulo?" sunod- sunod kong tanong, at umasa pa talaga itong hibang kong puso na sabihin nya na nagseselos sya. "I want you to stay away from my cousin." Inihinto nya ang kotse dahil biglang nagkaroon ng traffic. Saka sya napatingin sa akin. Ang puso ko ay para na naman nagagayuma sa kanyang halos perpektong hitsura. Nagkatama ang aming mga paningin. Ang lakas ng pintig ng aking puso. "Pero, bakit nga?" Just tell me na nagseselos ka. Yan lang ang gusto kong marinig. Just tell me! sa isip ko. "Cause I don't want you to be a part of my family. I don't trust you. Baka maisipan mo pa na gayumahin o di naman kaya, pikutin ang pinsan ko. Ayaw kong maging pinsan ka. Hindi ka nababagay sa pamilya ko." Parang tinataga ang aking puso sa kanyang mga salita. His words are too sharp that it cuts deep in my heart. I felt the wetted of my eyes. Pinatakbo na nya ang kotse. Hindi na ako nagsasalita. Sumandal ako sa sandalan ng upuan, at ang aking mga mata ay nakatingin lamang sa labas, pero ilang butil na ng luha ang dumaloy na sa aking pisngi. Pinahid ko ang aking luha gamit ang aking kamay. Ilang beses na ba nya akong pinaiiyak? Maraming beses na. Halos isang oras ang byahe namin hanggang sa tuluyan na nya akong naihatid sa malaking bahay ng pamilya ko. Wala sa plano ko na imbitahan pa syang pumasok, pero lumabas din sya sa kotse nang lumabas ako. Ang aking mga magulang naman ay mabilis na lumabas mula sa bahay. Halata sa mga mukha ng mga ito na kanina pa ako hinihintay. "Anak, nasaan si Jacob? Bakit si Santie ang naghatid sayo?" usisa agad ng aking ina, mahina lang ang kanyang boses. Ang aking ama ay tahimik lang na nakatingin kay Santie. "Good evening maam and sir, inihatid ko na ang anak nyo. Kasi iniwan ng kasama nya." "Is this true, Solace?" ang aking ama. Bago pa ako makasagot sa aking ama, isang kotse pa ang huminto sa likuran na bahagi ng kotse ni Santie, at lumabas mula doon si Jacob. "I'm sorry maam and sir, I didn't leave your daughter, may pinuntahan lang ako sandali. Pagbalik ko, may tumangay nang iba sa kanya. I am here because I want to make sure if she's fine at kung nakauwi ba sya ng maayos." bumaling si Jacob sa akin. "Are you okay?" Napatango ako. "Tsk!' hindi nakatakas sa akin na sambit ni Santie. Hindi na ako nag- abalang lumingon sa kanya, kasi masama ang loob ko sa kanya. "Ijo, Santie, salamat sa paghahatid sa anak. Pwede kanang umalis." ani ng ina ko, saka napatingin ito kay Jacob. "Thank you for taking care of my daughter, ijo. Gusto mong pumasok muna sa bahay?" "I love too, maam. Pero, kailangan ko narin umuwi. Bibisitahin ko si Solace bukas o sa mga susunod na araw. Mayamaya lang, narinig ko nalang ang pagtakbo ng kotse ni Santie. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa kanya kasi hindi ko na sya sinulyapan pa. "Okay ijo." Nagpaalam narin si Jacob. Nasundan ko ng tingin ang papalayo nitong kotse. Bakit ba magkaiba ang ugali nina Jacob at Santie? --- Samantala...... Hindi naman mapigilan ni Santinir ang mainis ng sobra. Sa tingin nya nalalamangan sya ng pinsan na si Jacob. Sya, pinauuwi ng mga magulang ni Solace habang inimbita naman sa loob ng bahay ng mga ito ang kanyang pinsan. Sa tingin nya, naapakan ng pamilya ni Solace ang kanyang ego. Wala naman sa plano nya na paunlakan ang mga magulang ni Solace kung saka- sakaling inimbita nga sya ng mga ito, pero talagang naiinsulto sya sa ginawa ng mga ito. Hindi sya matatahimik, gaganti sya sa mga ito dahil napahiya sya sa ginawa ng mga ito at si Solace ang gagamitin nya para makaganti. Kinabukasan. Nasa loob ng kanyang opisina si Santinir, pinag- aaralan nya ang report ng kompanya sa loob ng isang buwan. He is the Director Head of Montreal Engineering and Architectural Firm. It is a part of Montreal Corporation, his brother Seighfred is the CEO. Napatigil sya sa kanyang ginagawa nang tumunog ang kanyang cellphone. Isa sa mga tauhan nya ang tumawag, agad nyang sinagot ito. "Yes!" "Boss, dumating ngayon ang pinsan mo sa bahay ni maam Solace, may dalang bulaklak at chocolate." Naikuyom nya ang kamao. Inutusan nga nya ito para bantayan si Solace. Kailangan nyang mapigilan na magkaligawan sina Jacob at Solace. Ayaw nyang sumaya ang mga ito habang naapakan ang pride nya. "Sige, bantayan mo. At sabihin mo sa akin kung nagde- date ang dalawa." ------ (Back to Solace) Jacob invited me for a dinner. I don't want to go with him, but my parents forced me. I didn't recover yet of what happened last night, and I am afraid that it might happen again. Ito ang dahilan kaya ayaw ko sanang paunlakan ang kayang imbitasyon. Pero ang mga magulang ko na ang namilit sa akin, kaya ngayon, nasa isang restaurant kami ni Jacob. We talked random things while waiting for our order. He talked about his childhood and his life. Magkapatid pala ang kanyang ama at ang ina ni Santie. Tatlo silang magkakapatid na puro lalaki, at sya ang bunso. His mother died when he was 20, then after two years, nag- asawa muli ang kanyang ama, ang naging asawa ng kanyang ama ay may anak na babae, kaya ngayon my stepsister sya. At anim na taon na daw ang nakakalipas mula ng nag- asawa ang kanyang ama. He is now 28 years old at may mga beach resort sya, ang negosyong pinili nyang pasukin. He is 2 years older than me. Ako naman ay ikinukwento ko sa kanya, na nung 8 years old ako, muntikan na akong nalunod dahil may iniligats ako. Mula nung hindi na ako hinahayaan ng aking mga magulang na lumabas. I was home schooled all my life. Ngayon palang ako pinayagan ng aking mga magulang na lumabas, pero syempre, dapat may kasama ako. At dahil kasama ko si Jacob at malaki ang tiwala ng parents ko sa kanya, kaya hinayaan nila ako na umalis na walang chaperone. Natigil kami sandali sa pagkukwentuhan nang dumating na ang mga order namin. Kakain na sana kami ni Jacob nang natigil sya sa pagsubo at napatitig sya sa entrance ng restaurant. Sinusundan ko kung saan sya nakatingin, at sumalubong sa aking paningin si Santie, may kasama itong magandang babae. Agad na nagdurugo ang aking puso sa nakita. Paano ba matupad ang pangarap ko na magustuhan ako ni Santie kung maraming magagandang babae ang nakakapaligid sa kanya? "Jacob, nandito pala kayo. Nagkasalubong kami ni Kaureen sa MOA, so I invited her for a dinner." si Santie nang nakalapit na ito at ang kanyang kasama sa amin ni Jacob. Hindi ako nag- angat ng mukha kay Santie, mas lalo lang akong masaktan pag makita ko ang ningning ng kanyang mga mata dahil napakaganda ng kanyang kasama. Kaya itinuon ko ang aking paningin kay Jacob. Napakunot- noo ako. Para kasing biglang nagbago ang hilatsa ng mukha ni Jacob. "Pwedeng maki- joined sa inyo. Malaki naman itong mesa ninyo." si Santie. Nagmamakaawa ang aking mga mata kay Jacob na wag itong pumayag. Hindi pa ako naka- move on sa mga masasakit na salita na sinabi ni Santie sa akin kagabi. Masyadong sugatan ang puso ko ngayon, ayaw ko muna sanang dagdagan. "Pasensya kana bro, madami naman mesa, sa iba nalang kayo ng date mo. Gusto kong masolo si Solace." lihim na nagpapasalamat ang aking mga mata kay Jacob. Hindi ko napigilan at napaangat ako ng mukha kay Santie, para kasing sa akin sya nakatingin. Nakakatakot ang titig ni Santie sa akin, parang galit na galit sya. Ang babaeng kasama naman ni Santie na Kaureen ang pangalan, tahimik lang at halata sa kanya na parang nahihirapan din ang pakiramdam na katulad ko. Hindi naman siguro sya na- iinsecure sa akin. Sya ang maganda, sya ang seksi at sya ang kasama ni Santie. Ako nga ang dapat makadama ng insecurities, na nadarama ko naman talaga. Puwesto sina Santinir at Kaureen sa isang mesa na malapit lang sa amin ni Jacob. Nagpatuloy naman kami sa pag- uusap ni Jacob, habang kumain kaming dalawa. "Don't eat too much. Baka tataba ka at walang lalaki ang seseryoso sayo." narinig kong sambit ni Santie. Hindi ko masabi kung pinariringgan ba nya ako o sadyang masyado syang concern sa kanyang date. "You're beautiful, Solace. Bulag lang ang lalaking hindi makapansin sa ganda mo." si Jacob na nilakasan pa ang boses, kaya medyo napahiya tuloy ako. Madami kasi ang nakarinig, at baka isipin pa ng mga ito na ginayuma ko si Jacob. "Ang mahalaga ay pagiging tapat. I hate those who didn't true to their words." he said bluntly, na parang may pinariringgan. Mayamaya lang, nagpaalam ako kay Jacob na pumunta muna sa restroom. Hindi naman ako naiihi, at wala naman din sa plano ko ang mag- retouch, kailangan ko lang huminga. Para akong sinasakal sa mga nangyayari, para kasing nagbabatuhan ng mga salita sina Santie at Jacob. Kung hindi ko alam na magpinsan silang dalawa, baka iisipin ko na magkaaway sila. Kalalabas ko lang mula sa restroom nang may humila sa akin. "Ano ba Santie? Bitiwan mo nga ako. Ano bang problema mo?" Binitiwan naman nya ako, saka nya ako hinarap. "When my parents bought me a toy and I rejected it, mas gusto ko na itapon ito kaysa ipamigay sa iba. You're one of those toys that I rejected, at ayaw kong may sasalo sayo. Just stayed in the garbage can, kung gusto mo ng peace of mind." madiin na sambit ni Santie na nagpabigat ng sobra sa aking puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD