BAB 7

1578 Words
(Solace) Nakadapa sa aking kama, habang wala akong tigil sa kakaiyak. Itinago ko ang aking mukha sa unan para walang makakarinig sa aking paghikbi. Hanggang ngayon, pabalik- balik parin sa isip ko ang sinabi ni Santie. Isang itinapon nyang laruan ang tingin nya sa akin. Masyadong akong inaalagaan ng aking mga magulang. Halos ibinigay nila sa akin lahat ng naisin ko, maliban lamang sa maging malaya ako. Isang prinsessa ang turing nila sa akin pero sa lalaking itinatangi ng aking puso ay isa lamang akong basura. Napakasakit ng mga katagang na sinabi ni Santie sa akin, para itong isang matalim na kutsilyo na itinusok sa aking puso. Nabibiyak sa gitna ang kawawa kong puso. Iyak na iyak ako hanggang sa nakatulugan ko nalang ang pag- iiyak ko. Kinabukasan....... "Solace, bakit namumugtong yan mga mata mo?" tanong ng aking ina, nasa hapag- kainan kami. "Hindi lang ako nakatulong kaagad kagabi. Inaataki ako ng insomnia." pagsisinunggaling ko, hindi ako makatingin sa aking ina dahil baka mabasa nya sa aking mga mata na nagsisinunggaling ako. "Akala ko tuloy may nagpapaiyak sayo." ani naman ng aking ama. Napaka- seryoso ng mukha nito. "Wala po!" sinabayan ko ng iling. Pag malaman nila na umiiyak ako at si Santie na naman ang dahilan, mas lalo nilang aayawan si Santie. Sa mga nakalipas na araw, napapansin ko na itinulak nila ako para mas mapalapit kay Jacob. Hindi ko naman masabi kung may gusto sa akin si Jacob, hindi naman nya ako nililigawan. Friendly sya at mabait, at pinatatawa nya ako pero wala naman syang sinabi na liligawan nya ako. Ayaw ko naman na ligawan ako ni Jacob, hindi ko nakikita ang aking sarili na maging kaming dalawa. Si Santie lang ang gusto ko kahit ang sama ng kanyang ugali. Tulad ng lagi kong ginagawa, nakakulong na naman ako sa aking silid habang nagbabasa ng kung ano't- ano maisipan ko. Pero, hindi pumapasok sa aking isip ang aking mga binabasa, laging laman ng aking isip si Santie. Ang hirap talaga pag unrequited love yong nadarama. Kinahapunan, isang bisita ang hindi ko inaasahang dumating. "What brought you here?" tanong ko agad kay Santie nang naabutan ko sya sa sala, nakaupo sya sa couch na parang may hinihintay. Gumanda pa naman bigla ang aking pakiramdam nang nakita ko si Santie. Kahit gaano pa nya saktan ang aking puso, sya parin ang sinisigaw nito. At kasiyahan ko parin na mapagmasdan ang kanyang guapong pagmumukha. Tumayo sya saka nya ako hinagod ng tingin, napaismid sya ng ibinalik nya ang kanyang paningin sa aking mukha. "Kailangan kitang isama ngayon." "H- Ha? A- At bakit?" "Wag kanang magtanong. Magbihis ka at isasama kita." pautos nyang sambit. "Kailangan ko munang magpaalam sa mga magulang ko." "Ang parents mo ang nagsabi na susunduin kita ngayon." Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanyang kagustuhan. Ang parents ko naman pala ang nag- utos sa kanya. Habang nagbibihis ako, ang lapad ng aking ngiti. Kahit sinasaktan ako ni Santie emotionally, pero hindi ko mapigilan ang makadama ng kilig dahil pinuntahan nya ako dito sa bahay namin. Bakit kaya inutusan sya nina mommy at daddy na sunduin ako? Hindi na sila galit kay Santie? Nang nakapagbihis na ako, agad akong bumalik sa sala. Ayaw kong mabagot sya sa paghihintay sa akin. Napasimangot sya nang pinasadahan ako ng tingin. Hindi paghanga ang nakikita ko sa kanyang mga mata, kundi ang pagkadisgusto. "Tayo na. Masyado na akong naabala dahil dito." Mabilis syang humakbang pasiuna sa akin, agad naman akong napasunod sa kanya. Hindi tulad ni Jacob, hindi nya ako pinagbuksan ng kotse at inalalayan sa pagsakay dito. Ubod kasi ng gentleman ni Jacob. Kapapasok ko palang sa loob ng kotse nang agad nyang pinatakbo ito. Muntikan na akong napasigaw sa pagkabigla. Later..... Kunot- noo ako dahil ipinasok nya ang kotse nya sa isang waterpark. Saka nya ito inihinto sa parking area ng waterpark resort. "Ano bang ginagawa natin dito? Nandito ba ang parents ko?" kunot- noo kong tanong sa kanya. "Lumabas ka." Hindi nya ako sinagot, bagkus ito ang sinabi nya sa akin. Mabilis naman akong lumabas mula sa kotse nang lumabas narin sya. Nagpasiuna sya sa paghakbang sa akin. Nakasunod naman ako sa kanya. Ang laki ng mga hakbang nya kaya halos tumatakbo na ako wag lang nya akong maiwan. "Santie! Santie! Dahan- dahan naman sa paglalakad, hindi kita halos maabutan. Hinihingal ako sayo." ani ko na parang bumabawi ng hangin. "Overweight ka kasi kaya ang dali mong maabusan ng hangin." Hindi nalang ako nagkumento sa kanyang sinabi, baka mainsulto na naman ako. Para pa naman matulis na kutsilyo ang kanyang dila, bawat salita ay parang sumaksak sa aking puso. Mayamaya lang, huminto sya malapit paharap sa isang swimming pool. "Saan na ang parents ko?Bakit tayo nandito?" sunod- sunod na tanong ko sa kanya, at tumabi ako sa kanyang pagkakatayo. "Were here 'cause I want to show you something. Para hindi kana umasa pa." Nalilito ako sa kanyang sinabi. Kaya sobrang pagkunot ng aking noo. "You saw my cousin Jacob over there." nasundan ko ng tingin ang itinuro nya. Nakita ko nga si Jacob, may kasama syang isang seksing babae na naka- two-piece lang. "Yang kasama ng pinsan ko, yan ang babaeng tipo nya. You have to wake up, hindi talaga seryoso sayo ang pinsan ko. Gumising kana sa katotohanan na walang seseryoso sayong lalaki dahil sa hitsura mo." Agad kong naramdaman ang sobrang sakit, kaya agad din napatulo ang aking luha. Ang sikip ng dibdib ko. Hindi ito dahil sa nakita ko si Jacob na may kasamang ibang babae kundi dahil sa mga salitang binitiwan ni Santinir. "I- Ito ba ang dahilan kaya dinala mo ako dito. P- Para ipakita sa akin ang bagay na ito?" pinahid ko ang aking luha gamit ang aking palad. "Oo. You have to be thankful because I saved you, bago ka pa napaglaruan ng sobra ng pinsan ko. I know my cousin. Pareho ang type naming dalawa kaya alam na alam kong hindi ikaw ang tipo nya. Ayaw nya sa matata----" "Tama na! Tapos kana ba?" matapang kong sambit, kahit ang sakit ng aking pakiramdam. Mabilis ko syang tinalikuran at humakbang ako para makaalis na sa lugar na ito. Para makalayo na sa kanya. Hindi ko alam kung bakit sumama pa ako sa kanya. Dapat hindi ko kinalimutan na wala nga pala syang ibang gustong gawin sa akin, kundi ang saktan at insultuhin lang ako. "Hoy, Solace, wag mo akong talikuran. Hindi pa ako tapos sa sasabihin ko." Humarap ako sa kanya. "Oo na. Alam ko na. Hindi mo naman kailangan ulit- ulitin na parang wala akong puso na nasasaktan. Alam ko nang mataba ako, na pangit ako, at walang lalaki na seseryoso sa akin dahil sa hitsura ko. May gusto ka pa bang idagdag? Sige, idagdag mo na." naiiyak kong sambit. "Hindi ko alam kung bakit paulit- ulit mong ipamukha sa akin ang bagay na ito. Hindi ko maintindihan kung bakit kaligayahan mo yata ang makita akong nasasaktan. Ano bang problema mo sa akin? Wala naman akong ginawang kasalanan sayo at ganituhin mo ako. Hindi mo ba naramdaman na nasasaktan ako? Kasi tao ako, may damdamin din ako. Nasasaktan din ako." tila nanginginig ako habang sinasambit ko ang mga salitang ito. Ramdam ko ang aking panginginig hanggang sa kalamnan ko. "I know that you want to hurt me. Nagawa mo na. Nasaktan na ako ng sobra. Are you happy now?" Napaawang ang kanyang bibig. Lumatay sa kanyang mga mata ang sobrang pagkabigla. Halatang hindi nya napaghandaan ang salitang binitiwan ko. Hindi ko na hinintay na magsalita pa sya at baka masaktan na naman ako. Mabilis ko syang tinalikuran at tulong luha akong tumakbo para makalayo ako sa kanya. Napahinto ako dahil hinihingal ako. Habol ko ang aking paghinga, ang bigat sa dibdib ko dahil sa kaiiyak ko. Sumasakit narin ang ulo at ilong ko. Nang nakita ko na palapit sa kinatayuan ko si Santie, mabilis akong humakbang muli para malayasan sya. Kailangan kong makalayo sa kanya. Kailangan kong makahinga mula sa sakit na nadarama ko ngayon. Hanggang sa umabot ako sa may gate. Walang pagdadalawang isip na lumabas ako. Saka ko lang napagtanto na hindi ko nga pala alam ang lugar na ito. Maliban pa dito, wala din akong dala na kahit ano. Naiwan ko kasi ang gamit ko sa kotse ni Santie. Wala akong pera at wala din akong cellphone para magamit ko, para matawagan ang driver at ang yaya ko. "Solace!"napalingon ako nang narinig ko ang aking pangalan. Si Santie ang nakita ko. Mas tumindi na naman ang kagustuhan ko na makalayo sa kanya kaya wala na naman akong naging pakialam sa buong paligid. Mabilis akong tumawid, pero napahinto ako nang narinig ko ang malakas na pagbusina ng sasakyan. Napahinto ako at halos hindi ako nakakilos habang nakatingin sa kotse na sasalubong sa akin. Akala ko tatamaan na ako ng may biglang humila sa akin, kaya napasigaw ako sa pagkabigla. "Are you crazy? If something bad will happened to you, ako ang sisisihin ng mga magulang mo. Tanga kaba at hindi ka nag- isip?" Masama titig ang iniukol ko sa kanya. "Bitiwan mo ako. Alam kong hindi ka nag- alala sa akin. Alam kong wala kang pakialam sa akin. Kaya wag kanang magda- drama na parang nag- alala ka sa akin." mangiyak- ngiyak kong sambit. "Hindi nga! Sino ba kasi ang nagsabi sayo na nag- alala ako sayo. Ayaw ko lang masisi kung may mangyaring masama sayo. I don't care about you, I only care of myself."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD