BAB 8

2510 Words
(Santinir) "What is your problem, bro? Nakakabanas kana." ito agad ang sumalubong sa akin pagpasok ko sa opisina. Ang pinsan ko na si Jacob ang nakita ko. "Anong ginawa ko?" I asked inocently. But I already have an idea of what he is talking about. Isinumbong pala ako ng baboy na si Solace na yon sa pinsan ko. "Ask yourself? Akala mo ba talaga na hindi ko nakita ang ginawa mo. You brought Solace there, para saktan sya, para ipakita sa kanya na katulad mo ako. You know that Joy is just a friend, and she's like a little sister to me. God! Joy was there with her husband, tapos, pinalabas mo na babae ko yon. Ano ba talagang problema mo?" "So, that piggy told you." Nabuhay na naman ang sobrang pagkainis ko kay Solace. Kahit wala sya sa aking harapan, sa tingin, ginugulo nya parin ako. "Nope. Are you listening, bro? Nakita ko kayong dalawa. And I heard everything that you said to her. Palapit na ako sa inyo nang bigla akong tinawag ng sekretarya ko. Now, tatanungin kita muli. Ano ba talagang problema mo? So what, kung sya ang babaeng naisipan ng mga magulang mo na ipakasal sayo, ikaw naman ang umayaw, diba! Wala naman tayo naging problema noon, naging girlfriend ko naman ang ilan sa mga ex mo, at ganun ka din naman sa akin, pero bakit nangingialam ka ngayon sa kaalaman na nakikipaglapit ako kay Solace?" usisa nito. Hindi ko din alam ang dahilan, sadyang naiinis lang ako. "Dahil alam kong pinaglalaruan mo lang sya, bro. C'mon bro, hindi ang mga tipo nya ang type mo. Kilala kita, magkatulad ang mga tipo natin sa babae." nakangisi kong sambit. Dapat kong ipamukha sa pinsan ko na hindi ang tulad ni Solace ang gugustuhin nya. "How sure you are? Wala naman akong specific type of a woman. Basta ko lang magustuhan ang isang babae. At gusto ko si Solace, para sa akin, maganda sya sa lahat ng aspeto. The reason that I didn't court her, dahil ayaw kong mabasted. She likes you at halata iyon. Gusto ko muna sana na makipaglapit sa kanya bilang kaibigan pero hindi pa nga ako nakapagsimula sa panliligaw ko sa kanya, sinisiraan mo na ako. And I can't find any single reason why you did this, except that----- you like him, too. Tama ba ako?" "Of course not!" tanggi ko agad sa paratang nya. Hate na hate ko nga ang babaeng yon. He is just misinterpreting my action. "Fine, if you want to court that piggy, the hell I care. Bahala kayong dalawa. Hangad ko ang kaligayahan ninyo." parang galing sa ilong na sambit ko. "Thanks bro and I expecting you to behave, kung ayaw mong isipin ko na may gusto ka rin kay Solace. Dahil, ikaw narin ang nagsabi na pareho ang tipo nating babae." "Not in Solace case." banas na banas ako sa sinabi ng aking pinsan. Never. "Can you just leave, bro. May mahalaga pa akong meeting." Gusto ko na syang mawala sa aking paningin dahil sirang- sira na ang araw ko. At kasalanan ito ni Solace. "Fine. By the way, dahil nililigawan ko na si Solace, I want you to respect her. She's not a piggy. Don't call her that. Respect her as a woman." "Fine. Umalis kana. You already wasting my time." Humakbang naman ang pinsan ko paalis. Nang nakaalis na si Jacob, naikuyom ko ang palad ko. Galit na galit talaga ito. Sa sobrang galit ko, baka masigawan ko ngayon ang kahit sinong didistorbo sa akin. I hate that Solace dahil ginugulo nya ang isip ko, na hindi dapat. She doesn't have the right to mess up my mind. Isang babae lang ang may karapatan na gawin ito sa akin, at iyon lang ang batang babae na pinangakuan ko na pakasalang balang araw. Yong batang babae na nagligtas sa akin. Iyon lang ang gusto kong maging asawa. At isa sa ikinagalit ko kay Solace ay sya ang dahilan kaya ayaw sabihin ng mga magulang ko kung sino ang batang babae iyon dahil gusto nilang si Solace ang maging asawa ko. Kaya, galit na galit ako sa Solace na yon. Talagang sinisira ni Solace ang buhay ko. Nang tanghalian, bisita ko ang aking ina sa opisina. She brought a food, kaya sa opisina nalang kami kumain ng lunch. "Mom, one last time. Gusto kong sabihin mo sa akin kung sino yong batang babae na nagligtas sa akin noon." bukas ko sa topic. Tumigil sya sa pagsubo at napatitig sya sa akin. "Santie anak, we give you the easy way pero ayaw mo. Pasensya kana, ikaw na mismo ang pumili sa gusto mo, and I don't think na kailangan mo pang malaman ang pakilanlan ng batang yon. There's no use. Just move on already. Alam mo ba kung ano ang dapat mong gawin, pakinggan mo ang puso mo. Malay mo, makuha mo ang gusto mo." makahulugan nyang sambit. "Gusto ko syang makilala. Kung ayaw nyo sabihin sa akin kung sino ang batang yon, then, I will find out with myself." Ngumiti lang sa akin ang aking ina. And I don't like the smile that I saw from her face. Tinulad nya ako kay Savino, I know that she knows where Saskia is, pero ayaw nya itong sabihin sa kapatid ko. Katulad ko, ayaw din nyang sabihin sa akin kung sino ang batang babae na yon. Samantala...... (Solace) - "Do you want to go with me in the office?" Napaangat ang mukha ko kay dad nang narinig ang kanyang tanong. Ngayon lang nya ako niyaya na pumunta sa opisina. "Well, it's about time for you to learn things about our business. After all, ikaw lang naman ang nag- iisang tagapagmana ko." Sumaya ako sa narinig ko. Sa tingin ko, parang unting- unti na akong pinapalaya ng mga magulang ko. Isang construction company ang negosyo ng aking ama, na ka- partner ng agricultural at engineering firm ng Montreal at si Santie ang head director. "Opo, gusto ko pong sumama dad." masaya kong sambit. Pagkatapos namin mag- breakfast, mabilis akong pumanhik sa aking kwarto para magbihis. Isang black pencil skirt and white top long sleeves ang napili kong suutin. Pinasadahan ko ng tingin ang aking sarili sa salamin. Kahit pala mataba ako pero may hubog naman pala ang katawan ko. Inayos ko ang malaking eyeglasses ko. Bagay naman sa akin ang eyeglasses ko. "Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala na dalaga na ang anak ko. Parang kailan lang, nung baby kapa." ani ng aking ina nang nakababa na ako sa hagdanan. "Mom, matagal na akong dalaga. 26 na ako, diba." Napatawa nalang si mommy sa aking sinabi. Na kalaunan, sinabayan ko narin. "Handa na ba kayong dalawa?" Sabay kaming tumango ni mommy. Nasa loob na kami ng kotse. Si dad ang nagmamaneho, magkatabi sila ni mom sa driver seat, habang nasa likuran naman ako. Balang araw, matututo din ako magmaneho. Kakayanin ko din mag- isa at hindi ko na kailangang may kasamang yaya at driver sa tuwing may pupuntahan ako. Magiging independent din ako. "We're here!" Ani ng aking ama. Agad na gumuhit ang ngiti sa aking labi nang napagmasdan ko muli ang kompanya ng aking pamilya. Nung huli akong isinama ni dad dito, ay nung 15 years old ako, hindi pa ako mataba nung at hindi pa malabo ang aking mga mata. Maraming humahanga sa hitsura ko, pati na sa kulay kong kayumanggi. Pero ngayon, baka lihim na akong pagtatawanan ng mga tauhan namin. Aaminin ko, malaki ang naging impact sa pagkatao ko ang mga salitang naririnig ko kay Santie. Bumaba yong kompyansa ko sa sarili. Before, I didn't care my physical look, para sa akin, I'm still lovable in despite my physical appearance. Mabait naman ako. But when, I met Santie, everything change, para sa akin ang pangit- pangit ko, at hindi ka- ibig- ibig. Tuluyan na kaming nakapasok sa kompanya. Agad na napatingin sa amin ang mga nakakarami. May bumabati sa amin. "Ladies and gentlemen----" agaw ni Dad sa atensyon ng lahat, nasa may lobby kami dito sa ground floor. "This lovely lady whose with me---" ako ang tinutukoy ni dad. "-- is Solace Cathleya Montemayor. She is my only daughter and the one who will be taking over my position someday." Ngumiti at bumati naman sa akin ang mga tauhan namin, kaya gumaan ang aking pakiramdam. Akala ko, huhusgahan nila ako dahil sa physical appearance ko. Humakbang pa kami, pumasok kami sa elevator. Ang mga nakasabayan namin ay bumabati sa amin. Lumabas kami sa elevator nang tuluyan na kaming nakarating sa palapag kung nasaan ang opisina ni dad. Tulad ng ginagaw nya kanina, ipinakilala nya ako sa kanyang mga empleyado. Mayamaya lang, natagpuan ko nalang ang aking sarili na tumutulong kay dad. Ipinapaliwanag din nya sa akin ang mga ilang bagay na dapat kong matutunan. Graduate ako ng BSManagement, kaya may alam ako kahit papaano sa management. Doon ako mahina sa operation, wala akong knowledge about sa construction na syang negosyo namin. Hindi na namin kasama si Mom, dahil may sariling opisina ito bilang head ng Accounting Department. Walang kaalam- alam ang aking mga magulang na hindi ko naman talaga pinangarap ang magmanage ng kompanya. Pangarap kong maging isang writer. Gusto kong magsulat ng mga romantic stories at magbibigay pag- asa sa mga taong mas bitter pa kaysa ampalaya. I believe almost everything about love. I believe in soulmate. I believe in forever. Sa sobrang romantic ko, para sa akin, si Cupid siguro ako sa past life ko. "Dad, restroom lang ako sandali." Kalaunan, paalam ko. Naiihi kasi ako. "Take your time. Do you know the way?" "Yes po. Sa tingin ko naman po, walang nagbago sa kompanya nyo." nginitian ko si dad, bago ako lumabas sa kanyang opisina. Nasa restroom na ako. Nasa loob ng isang cubicle. "Yong ba ang anak ni Mr. Montemayor? Akala ko ba maganda ang anak nya. Hindi naman maganda at mataba pa." narinig ko mula sa loob. "Oo nga. Pareho naman magagandang lahi yong mag- asawa. Baka hindi nila tunay na anak, baka ampon." "Grabeh naman! Umampon na nga lang sila, hindi pa kagandahan. Mas maganda pa ako. Sana ako nalang ang inampon." Saka nagtawanan ang mga nag- uusap. Inaamin ko, na nasaktan ako sa narinig. Ang mga ngiti na nakikita ko pala sa mukha ng ilang sa mga empleyado ay pagkukunwari lang pala. Lihim pala nila akong pinagtsismisan at pinagtawanan. Gusto kong lumabas mula sa cubicle na pinasukan ko at ipaalam sa kanila ang presensya ko, pero hindi ko alam kung bakit pa ako ang nakadama ng hiya. Nang hindi ko narinig ang mga tinig, agad akong lumabas sa cubicle at tuluyan na ng lumabas ng restroom, agad din naman akong bumalik sa opisina ni dad. "When is the last time that I gave you flower?" napaangat ang aking mukha sa aking ama. "Ahmm...I can't remember dad. Bata pa ako nung. Bakit?" "Flowers for you, my princess!" aniya ni dad, at tumambad sa aking paningin ang isang bouquet ng mixed roses. "Thank you for helping me. But, I guess, you have to go home now, nasa lobby ang sundo mo." "Bakit po?" nakasimangot kong tanong. "Because, I have an important meeting with the partner company, at mabo- bored kalang dito sa loob. And Jacob asked me to invite you for a dinner. Kukunin ka nya mamaya sa bahay." Naalala ko bigla si Jacob, hindi pa pala kami nagka- usap. Parang nakakatakot narin ang makipaglapit kay Jacob dahil kay Santie. Mag- isa lang ako sa loob ng elevator, pababa ako sa ground floor, nandun na na daw kasi ang driver namin na syang susundo sa akin. Bumukas ang pinto ng elevator sa susunod na palapag at may pumasok. Ayaw ko na sanang pansinin ang nakakakasama ko sa loob ng elevator nang agad nanuot sa aking ilong ang pamilyar nyang amoy. Kaya napaangat ako ng mukha dito. At sobrang panlalaki ng aking mga mata nang si Santie ang sumalubong sa aking paningin. Sandali syang nakatingin sa aking mukha saka sya napatingin sa bulaklak na hawak- hawak ko. "B- Bakit may bulaklak kang hawak? Who gave that to you?" "H- Ha!" napaawang ang aking labi. Pati bulaklak ay pakikialaman parin nya. "Sabihin mo sa akin, sinong nagbigay sayo ng bulaklak na yan? At niyayakap mo pa talaga yan na parang napaka- importante ng nagbigay sayo." Hindi ko maintindihan kung bakit parang galit sya. "Ano bang pakialam mo? Pati ba ang bigyan ako ng bulaklak ay wala narin akong karapatan? Hindi ako obligadong sabihin sayo kung sino ang nagbigay nito." sarkastik kong sagot. Nagkiskisan ang kanyang ngipin. Halatang hindi nya nagustuhan ang aking sinabi. Katunayan nga dyan, ay umigting ang kanyang panga kalaunan. Tumahimik na sya. Wala kaming imikan hanggang sa bumukas ang pinto ng elevator sa ground floor, sumabay sya sa paglabas ko. Pero, sobrang gulat ko nang bigla nyang inagaw sa akin ang bulaklak na hawak ko. "Ibalik mo yan sa akin, Santie. Anong gagawin mo sa bulaklak na yan?" ani ko habang nakasunod sa kanya. Hindi sya sumagot, bagkus lumapit sya sa garbage can at itinapon nya doon ang bulaklak na inagaw nya mula sa akin. Hindi ko mapigilan ang mapaiyak sa ginawa nya. Bigay iyon ni daddy sa akin, kaya masakit na makita iyon na itinapon. "Walang hiya ka! Bakit mo yan itinapon? Pati ba naman bulaklak na bigay ng daddy ko ay pakikialaman mo?" tulong luha kong sambit. "Galit ako sayo! I hate you!" Lumatay sa kanyang mga mata ang pagkagulat sa aking sinabi. Pinunasan ko ang aking luha saka sya tinalikuran. Totoong galit ako sa kanya. Sumusobra na sya. Bakit ba sya nangingialam sa akin? Ngayong, pati ang bulaklak ko ay pinapakialaman na nya. "Ayyy.... ano ba?" napasigaw ako sa pagkabigla nang may biglang humila sa akin. Si Santie ito at mabilis nya akong isinandal sa dingding, habang nakaharang ang kanyang kamay sa magkabila kong gilid. Hindi ako halos makahinga dahil sa sobrang lapit ng kanyang mukha sa akin. Tila nagagayuma na naman ako sa kanyang kaguapuhan. "P- Pakawalan mo ako! Ano bang problema mo?" "You are my problem, Solace. And I hate you because you are giving me hard time." Hindi ko talaga sya maintindihan. Hate naman pala nya ako, pero bakit ba nya ako pinakikialaman? "P-Please, wag mo naman akong pahirapan. H- Hayaan mo naman ako. Hindi naman kita pinakikialaman. Wala naman akong ginawang masama sayo." ani ko, sa halong pakikiusap. "Sa tingin mo talaga ay wala." Hindi ko napaghandaan ang susunod nyang gagawin. Bigla nyang tinawid ang pagitan ng labi naming dalawa. Sobrang panlalaki ng aking mga mata sa kanyang ginawa. Pero kalaunan, naipikit ko rin ang aking mga mata at natagpuan ko nalang ang aking sarili na nakipagsabayan ang aking labi sa galaw ng kanyang labi. Ganito pala kasarap ang totoong halik? Yong parang dinadala ako sa langit. Pero, tumigil din sya sa paghalik sa akin at kunot- noo syang tumitig sa akin. Nahihiya ako dahil sa tingin ko, hindi nya nagustuhan ang paghalik nya sa akin. Kaya, mabilis ko syang itinulak at patakbo ko syang iniwan. "Solace!" narinig kong tawag nya sa aking pangalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD