(Solace) Isang matamis na ngiti ang pinakawalan ko habang hawak ko ang dalawang pregnancy test strip, na parehong may dalawang linya na ang ibig sabihin buntis nga ako. Mahigit na sa isang linggo mula ng naging delay ang buwanan kong dalaw kaya napagpasyahan ko na bumili na nito. Napaisip ako sa kung ano kaya ang mararamdaman ni Santie pag sasabihin ko sa kanya ang tungkol sa pagbubuntis ko. Mahigit narin sa isang linggo nang tumira ako dito sa condo unit ni Santie. Mula nang dinala nya ako dito, hindi na nya ako ibinalik sa amin. Naging masaya naman kaming dalawa sa kunting araw na magkasama kami dito. Lumabas ako mula sa banyo at agad kong hinanap si Santie sa buong condo. Pero, hindi ko sya nakita kaya lumabas ako, naglalakad ako sa pasilyo pero napatigil ako at tila naninigas nang

