(Third Person's POV) Inihinto ni Santie ang kotse sa parking area ng isang Beach Resort. Kanina pa nya sinundan sina Solace at Garreth. Mula sa bahay ng dalaga, kumain muna ang mga ito sa isang restaurant. Matiyaga nyang hinihintay ang dalawa sa park area nang restaurant habang nakabantay sa kotse ni Garreth. At hanggang sa nakarating nga sya dito dahil sa kasusunod sa dalawa. Kuyom na kuyom ang kamao nya habang mahigpit syang nakahawak sa manibela ng kotse. Nanlilisik ang kanyang mga mata habang nakamasid kay Solace kasama ang lalaking gusto nyang basagin ang pagmumukha. Hawak- kamay habang nagkangitian ang mga ito na pumasok sa Beach Resort. Hindi nya napigilan at nasuntok nya ang manibela dahil sa matinding galit na nadarama, idagdag pa ang sobrang paninibugho. Agad syang bumaba mula

