CHAPTER 24
ALTHEA'S POV
Nakatulog na si Sir Mateo at si Canon sa sala. Ayaw nilang humiwalay samin ni Craige. Kami naman ni Craige pinagtabi namin ang sofa at ang dalawang armchair para magkatabi kami. Wala na kasing makapal na kutson maliban sa gamit nila Sir Mateo.
Actually, hindi naman kami masyadong nakatulog. Pero bago niyo isipin na may ginawa kaming kababalaghan, sasabihin ko ng wala. Si Christian Grey lang ang keri na keri ang s****l i*********e kahit may period si girl. Hindi ko keri iyon kahit na nagkalat ang librong Fifty Shades sa The Camp na memorize na ata ng mga agents by heart. Sa pagkakatanda ko, page 429 sa first book iyon eh.
Nasa tabi namin ang laptop para makita namin kung anong nangyayari kaila Big Show. Hindi tulooy ako makatulog. Madaling araw na pero dahil sa mga kalabog na naririnig ko sa laptop ay hindi ako madapuan kahit ng isang patak na antok.
"I can't sleep."
"I'll sing you to sleep-" suhestiyon ni Craige.
"Seriously? No, thanks."
Tinignan niya ako ng masama at ngumisi lang ako. Nawala ang ngiti ko ng biglang may kumalampag na naman. Anak naman ng tokwang bulok, o. Wala ba silang balak tumahimik? Kasi kung wala, ililibing ko na lang sila ng buhay habang kumakanta ako ng 'We Die Young' ni Kesha.
"Alam mo naiinis na ako." sabi ko.
"I know."
"Pwede puntahan ko na sila?"
"No."
Urgh! Ito kaya muna ang ilibing ko ng wala na akong problema? Ang kaso.. mawawalan ako ng gwapong Boss. Mawawalan ako ng Captain America. Kaya nevermind na lang.
Umupo ako at ipinatong ko ang dalawang hita ko kay Craige. Kuminang ang mga mata niya at katulad ng dati ay hindi kasama ang labi niya sa pagngiti.
Pinalo ko ang kamay niya ng maramdaman ko iyon na gumagapang sa hita ko. Inirapan ko siya at hindi ko binitawan ang kamay niya.
Kung hindi siya titigil sa pagiging sweet, maiinlove na talaga ako sa kaniya. Hindi naman ganoong kahirap na mahalin siya, marami lang siyang emotional baggage pero madali lang siyang mahalin. No matter how hard he tries to hide the real him.
"Alam mo imbis na mag manyakan tayo dito, pupuntahan ko na lang sila." sabi ko.
"No."
"Ganon din naman. Bukas pupuntahan din naman natin sila. Baka sakaling tumahimik sila kapag nabugbog na natin at ng makatulog ako ng mapayapa."
Tumayo na ako ngunit bago pa ako makalayo, nahawakan na niya ang kamay ko. Lumingon ako sa kaniya at parang gusto ko na siyang sagpangin. Ba't ba kay Craige pwede lahat i-describe? Including...sexy? Parang nang aakit siya na bumalik ako sa tabi niya dahil mas maganda ang mangyayari kung babalik ako.
OMAYGHAD! PLEASE! PLEASE SAVE ME FROM TEMPTATION! For now... pwede namang pagtapos na ang 'bwisita' ko eh pwede na akong mag-give in sa 'temptation'.
"Stay."
"Tama na yang pang-aakit mo. Baka marape—masipa kita diyan eh! Tsu!"
Hinila ko ang kamay ko pero ayaw niya akong pakawalan. Tumayo siya at napanganga ako ng sinuklay niya ang buhok niya pataas dahil tumatabing iyon sa mukha niya. OMG, OMG, OMG! Please...ayokong magkasala.
Bumitaw ako sa kaniya at kumuha ng baril at dire-diretso akong lumapit sa refrigerator kung saan nakalagay ang drinks namin kagabi at tumungga ako ng isang basong coke. And of course... inihit ako ng ubo.
Hinagod ni Craige ang balikat ko. Tinignan ko siya ng masama dahil alam kong alam niya na siya ang dahilan kung bakit natataranta ako.
Damn this man for being so sexy.
Kung sabagay, hindi naman niya kasalanan maging gwapo. Katulad ko, I'm very sure na hindi ko kasalanang maging super duper ganda to the highest level.
Nang tumigil na ang pag-ubo ko ay naglakad na ako papunta sa kwarto kung saan namin nilagay ang tatlo. Tinulak ko ang cabinet at syempre, tinulungan ako ng Captain America ko dahil mabigat.
Nang maitulak na namin iyon, pabalibag na binuksan ko ang pinto na ikinatigil ng tatlo sa pakikipagbuno sa taling hindi naman nila makalas-kalas.
"Ang ingay niyo. Magpatulog naman kayo. Tignan niyo nga ang eye bags ko, parang meeting place na ng mga eyebags."
Hindi sila umimik at nakatingin lang samin. Pagkaraan, sunod-sunod na mura ang narinig ko. Nahilot ko ng wala sa oras ang sentido ko. Iba't-ibang lenguahe ang naririnig ko. Puro lenguahe sa Pilipinas na maaring maging dahilan para maubos ang asin sa bansang ito para ipalamon sa kanila.
"STOP! Grabe ang lutong niyong mag-mura. Chicharon, yume!"
Tinignan ko si Big Show at parang gusto niya na akong baliin sa dalawa. Pero bago niya iyon magawa gagawin ko na siyang giniling. O kaya ipapabugbog ko siya sa totoong Big Show.
"Pakawalan niyo kami!"
"Roll call. Isa-isa magpakilala." sabi ko.
"b***h-"
"Now!"
Namutla silang lahat kasama na si Big Show. Fine. I look murderous. Wala kasi akong tulog eh kaya mainit ang ulo ko. Ngumiti ako... sweetly. But even that shouldn't be trusted. I can make them cry without erasing my sweet sweet smile.
"Serio Cruz."
"Victor Mendez."
"Timothy Dizon-"
Bigla akong napatawa. Parang hindi bagay kay Big Show ang pangalang Timothy. Binigyan niya ako ng matalim na tingin pero hindi na siya nagsalita.
Umubo ako para itago ang tawa ko. Kasi naman eh. Kailangan kong matulog kundi mababaliw ako nito. Baka gawin ko silang geisha lahat kapag hindi ako natulog. "So may mga dala ba kayong cellphone? Pahiram maglalaro ako ng tetris."
Nakangangang nakatingin sila sakin na parang tinitignan kung seryoso ako. Tinanggal ko ang ngiting nakapaskil sa labi ko at namutla sila lalo.
"Wala." sagot ni Timothy.
"Okay. Next question, saan ang agency niyo? Agency or hideout."
"Hindi namin pwedeng sabihin! Papatayin nila kami!" sabi ni Victor.
"Kung iyan ang gusto niyo, bahala kayo. Dalawa lang naman ang choice niyo. Hindi niyo sasabihin samin, papatayin namin kayo. Sabihin niyo samin atpapatayin nila kayo. Pero...kung mas pipiliin niyong kumampi sa amin, gagawa kami ng paraan para hindi mangyari iyon."
Kailangan nilang mamili. Pareho lang naman na hindi maganda ang pagpipilian nila. "Hindi mo kami mapapatay." sabi naman ni Serio.
"Is that an invitation? Because my hands are really itching right now."
Kinuha ko ang baril na nasa bulsa ko at tinutok ko sa kanila iyon. Mukhang hindi sila naniniwala na kaya kong iputok iyon base narin sa pagkakatingin nila sakin.
Kinasa ko ang baril at pagkatapos ay nagpaputok akoLahat iyon tumama lang sa sahig. Pero effective dahil lahat sila parang malapit ng himatayin. Nahihintakutan na nakatingin sila sakin. Tumingin sila kay Craige... na parang humihingi ng tulong.
Natawa ako. Kung parang cold blooded na ang tingin nila sakin, lalo na si Craige. Baka lahat sila ngayon injured na. Mabait pa nga ako ng lagay na yan eh.
"So, saan kayo nagtatrabaho?" tanong ko.
"Hideout lang. Sa...sa mall malapit sa kompanya ni Parker. Katabi ng mall na iyon may lumang building. Sa basement niyon kami nagtatago. Malaki ang grupo namin. Mahihirapan kayo." sagot ni Timothy.
"Si Parker lang ang target niyo ngayon?"
"Hindi. Meron pang isa. May pinatitira ang Boss namin. Pero hindi sa grupo ko. Hindi ko alam kung sino ang target nila. Ang alam ko lang sabi ni Ma'am, tatakutin lang daw muna. Taga-Tagaytay iyong lalaking trip niyang gawing target."
Napatingin ako kay Craige. Could it be? No. It couldn't be him. Imposible na si Craige ang target. This is just a coincidence.
"Si Parker, tinarget niyo ba siya kasi gusto lang ng boss niyo?" tanong ko.
"Hindi. May nagbayad sa kaniya. Pero wala kaming alam kung sino. Katulad ng sabi ko, tumatanggap lang kami ng utos. Hindi namin kilala ang kliyente maliban kay Ma'am."
"Tungkol sa Ma'am niyo, saan sa Tagaytay ang target niya?"
"May narinig akong Camp. Iyon lang ang alam ko."
Napasinghap ako. s**t! Nilingon ko si Craige at nakatiim bagang na siya habang nakatingin siya sa mga lalake. Lumapit siya kay Big Show at kinulong niya sa isang kamay ang panga ni Big Show.
"Siguraduhin niyong tama ang binigay niyo na address dahil kapag hindi, ipahahanap ko kayo at susunugin ko lahat-lahat sa inyo." banta ni Craige.
May inabot siya sa bulsa ni Timothy. Isang cellphone.
Nagdadabog na inabot ko ang phone at inambaan ko si Big Show na namutla. I guess alam niya na ngayon na hindi kami ordinaryong tatanga-tangang assistant lang ni Parker.
"Tatawag pa dito zng Ma'am niyo? At saka iyong nag-utos sa inyo?" usisa ko.
"O-Oo. Minomonitor samin ng kliyente kung ayos na. Pero boses lang ang kilala namin sa kaniya."
"Good."
Tumingin ako kay Craige at hawak-hawak niya ang phone niya. Nirecord niya ang boses ng tatlo at pagkatapos ay kinuhanan ang mga ito ng litrato.
"Pakakawalan namin kayo at pagkatapos ay magpapakalayo-layo kayo.
Pupunta tayo ng Batangas, may nag-iintay sa inyo doon. Pagkatapos ilalagay kayo sa isang lugar na hindi niyo kailangan kabahan para sa kaligtasan niyo. Pwede niyong isama ang pamilya niyo kung meron man. Don't worry about the trail. Palalabasin namin na patay na kayo. That is, if you want it. Pwede naman na makulong na lang kayo." sabi ni Craige.
He's giving them a chance. This time, nasa kanila na ang desisyon kung sisirain nila ang chance na iyon.
Magkatulong na hinila namin ang tatlo at nilagay sa cart. Lumabas kami papunta sa garehe at inilagay niya sa back seat ang tatlo. Paniguradong natawagan na niya ang isang agent para pumunta sa Batangas.
Papasok na sana ako ng umiling si Craige. "Matataranta sila Mateo kapag wala kahit isa satin kapag nagising sila."
"Hmm. Payag kang iwan ako kasama ni Tom Cruise?"
"Yes. Since ako lang naman ang pinagnanasaan mo ng todo. I'm sure of that."
He leaned down and kissed me bago siya pumasok sa sasakyan. Pagkaraan, umaandar na paalis ang sasakyan. Pumasok na ako sa loob at umupo ako sa sofa. Manonood na lang ako ng TV ng hindi ako mainip.
Pilit na nagpokus ako sa cartoons na pinapalabas pero wala doon ang utak ko. Parang automatic na napupunta kay Craige ang isip ko. Kaaalis lang niya pero miss ko na siya.
Ano bang nangyayari sakin? Gusto ko lagi siyang nakikita. Gusto ko lagi ko siyang kasama at kahit na gusto ko siyang asarin, gusto ko din na ngumingiti siya sakin. Weird.
Aminado ako na attracted ako sa kaniya pero hanggang doon lang iyon. Hindi kami pwede...hindi pa. Dahil hindi pa siya handa.
Ako...hindi ko alam. Naguguluhan ako. Kahit sarili ko hindi ko maintindihan. Parang rumble rumble na lahat ng nararamdaman ko.
Bumungtong-hininga ako at kinuha ko ang phone ko.
TO: Boss, Sir, Among Tunay
Saan ka na?
Napangiti ako ng masend ko iyon. Para akong asawa na nag-iintay sa pag-uwi ng esposo niya. Tapos, magtatakbuhan ang mga anak namin—
Erase, erase. The hell Thea! Ano bang nangyayari sayo? Baliw ka na dati pero parang mas lalo kang nagiging baliw. Baliw na baliw kay Craige Lawrence.
FR: Boss, Sir, Among Tunay
Hindi pa ako nakakalayo. Why? Do you miss me?
TO: Boss, Sir, Among Tunay
Of course not!
Kinikilig na humiga ako sa sofa. Para akong teenager ulit. Siguro ganon talaga kapag katext mo ang taong importante sayo. Iyong taong mahal mo—
Fuck! I'm so dead.
Nakagat ko ang ibabang labi ko habang nakatingin ako sa phone ko. Yes. Mahal ko siya. Damn me for not noticing it. Hindi lang siguro kayang tanggapin ng isip ko, ang kaso, sumuko narin siya kay heart na mas makulit pa sakin.
I'm in love with Craige Lawrence and it's scaring me.
FR: Boss, Sir, Among Tunay
Stop texting me. I'm driving.
Nanginginig ang mga kamay na tumipa akong muli ng isasagot ko sa kaniya. Damn. Ganito pala ang pakiramdam. Nakakatakot na hindi ko maintindihan.
TO: Boss, Sir, Among Tunay
Sungit. Magpakasal ka na nga ng hindi ka na ganiyang kasungit. Para blooming ka everytime.
Ganito pala kapag inamin mo na sa sarili mo na mahal mo ang isang tao. Nakakakaba kasi hindi mo alam kung may tugon ba ang nararamdaman mo. Cause love doesn't have the assurance that the love you give will be given back in return.
FR: Boss, Sir, Among Tunay
I'll marry the woman I love.
Napangiti ako, ngunit hindi niyon napigilan ang pag-alpas ng luha ko. Nakatungong pinahid ko iyon. Wala akong magagawa. I fell for this person. Sa taong alam kong matatagalan bago ako mahalin. Na...baka hindi pa nga ako magawang mahalin.
TO: Boss, Sir, Among Tunay
Whatever.
Nang maipadala ko iyon ay muli akong tumipa. Tumutulo ang luha na itinype ko ang mga salita na alam kong hindi ko masasabi sa kaniya, na alam kong wala akong lakas na loob para sabihin.
'I just wish it can be me. Cause I found myself right now already in love with you.'