Chapter 23

2389 Words
CHAPTER 23 ALTHEA'S POV   Tinignan ko ng mabuti ang tatlong lalaki kasama si Big Show na magkakasamang nakatali. Dinala namin sila sa property ni Mateo na medyo malayo sa mga kapit-bahay. Para hindi rinig kapag tinorture namin sila.   Kidding. Actually, iniisip pa namin kung anong magandang gawin. Oo nga sinabi nilang hindi nila alam kung sino. Pero there must be a way. Hindi pwedeng dead end na naman.   Lahat sila nakapatong sa mahabang de gulong na cart. Tinitigan ko silang mabuti at iniangat ko ang kamay ko na parang pinapagalaw ko sila. Gumalaw nga. Umabot iyon hanggang sa may pinakagitna.   "What the hell are you doing? Why don't you help me here, instead of standing there?"   Napasimangot ako ng marinig ko ang boses ni Craige na natatakpan ni Big Show. Kasalukuyan tinutulak ni Craige ang cart at mukhang nahihirapan siya.   Nagpout ako at lumapit na ako sa kaniya. Tinulungan ko siyang itulak iyon at napangiwi ako. Mabigat nga. Buti naitulak niya pa. Mula sa labas pa naman niya itinulak.   Astig.   "Galing talaga ng Captain America ko."   Umangat ang gilid ng labi niya pero kaagad na inalis niya iyon. Tsk tsk. Para namang ikamamatay niya kapag may nakakita sa kaniyang nakangiti.   Inayos namin sila Big Show para hindi naman sila masyadong masaktan sa kinauupuan nila. Mabait pa nga kami ng lagay na yan eh.   Nang masigurong wala silang magagamit na kung ano para makatakas, naglagay na kami ng hidden camera at umalis. Nauna na si Craige at sumunod ako. Napatigil ako ng nasa pintuan ako at lumapit ulit ako kaila Big Show. Di kalayuan sa kanila, naglagay ako ng isang kutsilyo. Not that maabot nila iyan.   Gusto ko lang makita kung anong gagawin nila. And it might help them to talk.   Pasipol-sipol na lumabas ako at sinarado ko na ang pinto. Dumiretso ako sa living room kung saan nandon sila Craige pati na si Sir Mateo kasama ang anak niya.   Nilapitan ko ang bata at ginulo ang buhok niya. "Ang gwapo mo naman."   "Ang ganda mo po."   "Ay like like na kita! Hindi nagsisinungaling ang bata kaya tama ka. Maganda ako super!"   Ngumiti ang bata. Kamukha siya ni Sir Mateo. That means gwapo din siya. Naku, paglaki ng batang 'to siguradong maraming paluluhain iyan na babae. "Anong pangalan mo?"   "Canon po."   "Canon? Sige, hahanap ako mamaya. Haharbatin ko at dadalin ko dito. Sino ba ang gusto mong pasabugin? Si big show?"   "Hindi po. Canon po ang pangalan ko."   Napanganga ako. Tapos tumingin ako kay Sir Mateo na kahit mukhang namomoblema eh napangiti parin sa conversation namin ng anak niya.   Astig naman na pangalang iyon. Kapag ako nagkaanak ipangalan ko kaya Shotgun? O kaya Sniper? Kidding. Gagaya na lang ako sa trending theme sa name ng The Camp.   "Astig!"   Nag-apir pa kaming dalawa.   Tinitigan ko ang bata ng umupo na siya sa isang tabi. Napansin ko ng biglang may tumalon na pusa sa labas at lumikha ng ingay, napatalon din siya.   Mamaya na trauma pa siya. Tinignan ko si Mateo at napansin kong nakatingin din siya sa anak niya. Alam kong natatakot siya.. na baka mawala din sa kaniya si Canon. Na baka katulad ng ibang mga bata, mawala din si Canon sa kaniya. I know Mateo's suffering.   Masakit na parang iniintay mo na lang kung kelan kukunin sayo ang anak mo. Na bawat araw, pwedeng maging huli na niya. I can understand his fear. That's why I can't fail. Kailangan maging ligtas sila.   "Canon." tawag ko sa bata.   "Po?"   "Gusto mo ng chips, marshmallows, chips, pizza, and french fries?"   Bigla siyang lumapit sakin at sunod-sunod na tumango. Napangiti ako, sabi na eh. Yan ang gamot diyan. Noong bata ako, bawal sakin na kumain ng ganon. Nakakahyper kasi iyong iba. Pero minsan lang naman eh, tsaka nakakarelax ang comfort food. Tumayo na ako at kinindatan ko si Craige.   Palabas na sana ako ng bigla akong pinigilan ni Craige. "Sama ako."   "Hindi pwede. Iniwan ko iyong kutsilyo doon sa loob ng kwarto kung saannandoo sila Big Show. Mamaya makalabas ang mga iyon at mapahamak pa sila Sir Mateo. At saka isa pa, kung sasama naman sila satin baka makawala naman ang mga yon. Si Sir Mateo na lang kaya ang isama ko?"   "No."   Napatingin ako kay Craige ng bigla siyang umalis. Papunta don sa room kung saan namin nilagay sila Big Show. Tumingin ako don sa laptop para makita ko kung ano ang ginagawa niya.   Tinanggal niya ang kutsilyo at inilayo pagkatapos ay kumuha siya ng isa pang tali at tinalian pa ang tatlo. Lumabas siya at sinarado ang pinto at hinarangan niya iyon ng isang cabinet na nasa gilid na lalagyan ng plato at kung ano-ano pa.   Tumingin siya sa hidden camera na meron din sa labas, then he smirked. Talaga naman.   "Satisfied?"   Ngumisi ako sa kaniya at nilingon ko sila Sir Mateo. Tinanguhan lang ako ni Mateo na parang sinasabing okay lang silang dalawa. But I want them to feel safe.   "Kahit ano pang sabihin nila. Wag niyong bubuksan ang pinto. Makikita niyo naman sila dito sa laptop kaya in case nakita niyong nakakawala na sila tumakbo kayo sa pinakamalapit na bakanteng lote. Pupuntahan namin kayo doon."   "Got it."   Ibinigay ko sa kaniya ang extra ko na baril. The normal one. Hindi ko kasi pwedeng ibigay sa kaniya ang baril ng The Camp. Too risky. Kahit na mapagkakatiwalaan siya, hindi niya pwedeng malaman ang sekreto namin.   "Thank you, Avery."   Nagulat ako ng bigla niya akong hinalikan sa pisngi. Parang dream come true dahil parang si Tom Cruise lang ang humalik sakin. Natulala ako habang nakangiti. Mukha akong naka drugs.   OMG! OMG! Ang haba ng hair ko! Na-kiss ako ni Tom Cruise! Siguradong maiinggit ang sambayanang magaganda, a.k.a. The Camp Girls, kapag nalaman nila.    Para akong hinila mula sa panaginip ko nang bigla na lang may humila sakin. Halos makaladkad na ako sa sobrang bilis ni Craige maglakad na siyang humila sakin. Seloso. Ayaw pa kasing aminin.   "Aray, ang braso ko! Kapag naputol yan wala ng yayakap sayo habang nag o-o****m-"   "Althea!"   Napatingin ako sa likod namin dahil baka narinig ni Mateo. Pero malayo na naman kami kaya siguradong hindi niya narinig iyon. Tsk tsk. Pasaway 'to.   "Shh!"   "Don't let him touch you again and never never never let him kiss you!"   "Sa pisngi lang naman-"   "I DON'T CARE!"   Tinakpan ko ang ma-ala-megaphone niyang bibig at ipinasok ko si Craige sa loob ng passenger seat. Umikot ako papunta sa driver seat at imbis na paandarin iyon, hinalikan ko siya.   Mukhang nabigla siya sa ginawa ko. I licked his lower lips and suckled it. He gasped and that's my cue to plunge my tongue inside his mouth. He groaned and I felt his hand on my waist, pulling me closer to him. I kissed him fiercely and he answered my kisses with the same intensity.   Pareho kaming hinihingal ng maghiwalay ang mga labi namin. Nakatingin siya sa labi ko then he planted a soft kiss.   "Selos ka?"   "Of course I am! You're mine. I may be a jerk but I want you to be mine."   "Let's not talk about our situation dahil sa ngayon, Super Complicated ang status natin. Anyway, kiss lang yon sa cheek, sayo lips. Okay?"   "Kahit na."   "Thankful lang siya."   Hindi siya sumagot pero sumimangot lang siya. Natatawang pinaandar ko ang sasakyan sa pinakamalapit na store kung saan makakabili kami ng pagkain namin.   Palingon-lingon ako habang nagda-drive. Nagugutom na ako. Nag-angat ako ng tingin ng biglang hinawakan ni Craige ang kamay ko.   "What?"   "Wala lang."   Inalis na niya ang kamay niya at tumingin siya sa labas ng bintana. Pinigilan kong matawa ng makita ko ang pisngi niyang namumula.   Akalain mo yon? I can make Craige Lawrence blush. Parang kailan lang namumula lang ang mukha niya kapag nagagalit siya sakin. Ngayon, iba na. Sigurado akong maraming kababaihan ang luluha kapag pinakasalan ako ni Craige-   Well, hindi ko naman iniisip na.. you know. Slip of the tongue or mind lang yon. Kulang na kasi sa nutrisyon ang utak ko kaya kung ano-ano na ang iniisip ko.   Nawawala lang ako sa sarili ko. Siguro noong past life ko, aso ako na may rabbies. Kaya hanggang ngayon sa present life ko dala ko parin ang pagkabaliw ko.   Does that make sense?   No.   Kung sarili ko nga hindi ko maintindihan, nakakapagtakang may mga taong pilit parin na umiintindi sakin. Kasi hindi naman ako deep person, akala lang ng iba. Siguro nga kasalanan ko din kung bakit malaki na ang risk na mainlove ako sa masungit na taong 'to. Kasi naman dapat lumayo na lang ako.   Ang kaso, nabobored naman ako kapag hindi ko siya nakikita. At saka, gusto kong lagi siyang inaasar. Ganon din naman siya eh. Magkaiba lang kami ng paraan.   Inaasar ko siya sa pagkulit sa kaniya. Samantalang siya, inaasar ako sa pamamagitan ng pagudin ako sa kung ano-anong mga pinagagawa niya.   "Thea.."   "O?"   "Wala lang."   Natatawang pumarada na ako. Nandito na kami. Lumabas ako at dumiretso ako don sa store kung saan kasalukuyang may bored na lalaking nasa cashier ang bigla na lang napadiretso ng tayo ng makita ako.   Ngumiti siya sakin na parang nagpapacute. "Hi." bati ko.   "H-Hello po."   Shet! Sobrang ganda ko na ata kaya nanginginig pa ang boses niya habang kausap ako- Wait, nawala ang ngiti niya. Parang natakot bigla.   Napapalatak ako at nilingon ko si Craige na agad inayos ang ekspresyon niya at tumingin sakin habang may inosenteng ekspresyon sa mukha niya. "Behave."   "I am."   Bumuntong-hininga na ako at nagtuloy-tuloy ako sa lugar kung saan makakakuha ako ng chocolates at drinks. Naramdaman ko na umakbay sakin si Craige habang papunta kami don. Marking his territory.   Nang makarating kami doon sa mahabang refrigerator, kumuha ako ng softdrinks at chocolate drinks. Nang sinarado ko iyong pinto non, napatingin ako sa repleksyon namin ng makita ko si Craige na may hawak na gunting habang nakatingin doon sa lalaki na namumutla.   "Aray!" daing ni Craige.   Kinagat ko. Pasaway eh. Mamaya atakihin na sa takot iyong lalaki. Hindi na siya nakuntento sa matalim na tingin, inambaan niya pa ng gunting.   "Craige."   "Tinitignan ko lang naman itong gunting ah! Ba't mo ko pinagbibintangan!"   Napakamot ako sa noo ko. Sa totoo lang, ang hyper niya ngayon. Siguro dahil parehong putol ang tulog namin. Pero ang cute niyang tignan.   "Halika na nga. Tama na 'to."   Umabot na lang ako ng apat na Piatos at nagbayad na ako sa lalake na nakatungo lang at ayaw akong tignan. Natakot kay Craige.   "Ba't may bukas pa na eatery sa tabi?"   "Nag party po kasi sila kanina."   Hanggang makalabas kami, hindi na siya ulit tumingin sakin. Dumiretso kami don sa eatery at napangiti ako ng makita kong hindi siya ordinary.   Mostly comfort food ang pagkain na niluluto nila. Parang malaking burger machine. Tinignan ko ang mga nakasabit na karatula at nakita kong may Pizza. Sana pumayag silang magluto kahit na maaga pa.   "Wag kang maninindak dito para makabili tayo ng pizza."   "Fine."   Pumasok kami sa loob. Mukhang magkakakilala nga sila. Napatingin sakin ang nasa counter na lalaki din at parang nagulat siya na may pumasok na customer.   "Ay miss kasi-"   "Kuya, pwede pong bumili ng pizza saka french fries? Birthday kasi ng...ng anak nitong kapatid ko. Nakalimutan niya kasi kaya gusto lang naming bumawi. Please po?"   Napatingin sakin ang lalaki. Pinalamla, ko ang mga mata ko at mukhang naawa naman siya sakin. Tumango siya at pumasok sa loob. Yes! May pizza kami.   Tinignan ko si Craige at nakatingin siya sakin na parang may ginawa akong kasalanan. "What?"   "Kapatid? Seriously, Thea?"   "I'm not into i****t so... I'm not serious, obviously." natatawang sagot ko.   "Sana asawa na lang ang sinabi mo."   "Kung hindi ako single, nunca na pagbilan tayo."   Master ko na ata ang art of manipulation. Lalo na sa mga lalake. Hindi naman sila ganong kahirap basahin. Focus ka lang and you'll know.   At saka, sa dami ng mga lalaki sa The Camp, tignan ko kung walang babaeng agents ang hindi magiging expert. With a place full of egoistic men, we learn how to wrap them around our fingers.   At isa pa, hindi naman kami nalalayo sa kanila. Men and Women should be born equal. Parang sa The Camp, equal lang ang babae at lalake. Walang hindi kayang gawin ang lalake na hindi kayang gawin ng babae.   Pagkaraan, palabas na kami doon dala-dala ang pizza at french fries namin at pabalik na kami sa bahay ni Sir Mateo. Nang makarating kami, naabutan namin sila ni Canon na tahimik na nakaupo sa sofa habang nakatingin sa laptop.   "Everything okay?"   "Yes...pero gising na sila."   Tumingin ako sa laptop and there it is, nagwawala sila Big Show na hindi makaalis sa pagkakatali sa kanila. Nagpapasag sila para maabot ang kutsilyo na malayo na kesa sa nilagyan ko kanina dahil nilayo ni Craige iyon kanina.   "Hmm.. hayaan niyo sila. Kumain muna tayo."   Parang ipo-ipo na sumugod si Canon kay Craige na dala ang mga pinamili namin maliban sa pizza na nilagay ko na doon sa lamesa. Kumuha ako ng french fries at umupo ako sa carpet.   Inabot ko ang laptop at nilagyan ko ng earphone. May mga pinindot akong keys para gumana ang mic ng hidden camera. Para marinig ko sila.   "Kailangan nating makaalis dito dahil alam kong papatayin nila tayo!"   "Alam ko! Tumahimik ka muna!" rinig kong sabi ni Big Show sa kasama niya.   "Wala na naman tayong kailangan sabihin sa kanila dahil hindi naman natin alam kung sino talaga ang nag-utos satin na patayin ang bata!"   Napatingin ako kay Canon at umigting ang mga bagang ko. Napalingon ako sa tabi ko ng umupo doon si Craige at sinubuan ako ng french fries.   Inabot din niya ang isang tenga ng earphone at ikinabit niya iyon sa tenga niya.   "Kapag nalaman nilang tatawagan pa tayo ng kung sino man iyon, lalo tayong tatagal dito."   "Gagawa tayo ng paraan. Makakaalis tayo dito." aniya Big Show.   Napatingin ako kay Craige. Mukhang may isa pa kaming paraan. We need to wait for the call. Sa ngayon, kailangan muna naming kumain para may lakas kami para mamaya.   Sinubuan ako ulit ng french fries ni Craige. "Ang sweet mo ngayon." sabi ko.   "Lagi naman."   "Not really."   "I know something na mas sweet."   "Ano?"   "This-"   I gasped when he kissed me. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Mateo. Nakita ko pa sa gilid ng mga mata ko ng takpan niya ang mga mata ng anak niyang si Canon.   Oh, well.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD