CHAPTER 22
ALTHEA'S POV
Napamulat ako ng marinig kong nagba-vibrate ang cellphone ko. Nakapatong kasi iyon sa bedside table kaya lumilikha iyon ng ingay habang nagba-vibrate. Tatayo na sana ako pero nakayakap sakin ang braso at hita ni Craige. Kaya naman pala ang init. And yes, tabi po kami. Kesa naman gabi-gabi kaming naggagapangan, mabuti na iyong magkasama kami. Effortless.
Nang kumahol si Aff, napatayo na ako ng wala sa oras. At dahil nakayakap sakin si Craige, nahila ko siya at nahulog siya sa sahig. Napangiwi ako.
"What the— Thea?"
Dali-daling hinubad ko ang nighties ko. Kinuha ko ang phone ko at lumapit ako sa closet. Aware ako na nakatingin sakin si Craige.
"Nabasa ko iyong Fifty Shades Of Grey. Ginawa nila iyon kahit may period iyong babae. It's okay with me... if you're comfortable with--"
"Craige! I'm not comfortable with that at hindi ako naghuhubad dahil may gagawin tayo. Parang may emergency... s**t! Hello?"
Sinagot ko na ang phone ko na hindi ko pa pala nasasagot. Natataranta kasi ako. Kahit nakasilent ang phone ko, kapag taga The Camp ang tumawag at emergency, magri-ring parin iyon. Pero dahil hindi at kanina pa nagba-vibrate yon, ibig sabihin lang niyon ibang tao ang tumatawag. At sinong matinong tao na hindi agent ang tatawag sa ganitong oras kung hindi emergency?
Inipit ko sa tenga ko ang phone ko habang sinusuot ko ang jeans ko. "Hello?"
"A-Avery..."
Napasinghap ako. Iisa lang ang may tawag sakin ng ganon na nasa phonebook ko. Kumuha ako ng pantalon at shirt sa isang side ng closet katapat ng side ng sa akin at ibinato ko kay Craige iyon.
"Sir Mateo? Anong nangyari?" tanong ko sa kabilang linya.
"May pumasok sa bahay...nandito pa sila."
Napamura ako ng wala sa oras. Sinuot ko na ang shirt ko at kumuha ako ng baril na nakakalat lang sa kwarto namin ni Craige. Mukhang naalarma narin siya dahil kasalukuyan na siyang nakabihis habang kumukuha din ng baril.
Nagsuot kami ng sapatos bago halos sabay na tumakbo kami paalis. Pumasok kami sa elevator habang kinabit ko ang plug sa tenga ko kadugtong ng phone ko. Inilagay ko ang phone sa bulsa ko para hindi ko na kailangan hawakan.
"What's happening? Nasaan ka?" I asked him.
"Nasa atique ko, umakyat ako kanina. I'm with my child. Iniwan siya dito ng Mama niya kanina. I can't let them hurt him."
"Papunta na kami."
Sumakay kami sa sasakyan at nagmamadaling pinaandar ni Craige iyon. Hindi pwedeng mapahamak si Mateo because behind all this freaking circus, si Mateo lang ang pinagkakatiwalaan ko sa kanilang magkakaibigan. Alam kong inosente siya.
Pinabilis pa lalo ni Craige ang minamaneho niya. Ako naman kinuha ko ang phone ko at inilagay ko sa 'go' signal lahat ng dadaanan namin na stop light.
We cannot afford to stop. Nasa panganib sila Meteo ngayon.
Hindi ko alam kung anong motibo, kung bakit kailangan na manakit ng inosenteng bata. Sa ngayon, si Mateo lang ang may panganib ang buhay dahil sa anak niyang lalaki. Iyong iba wala dahil wala na silang anak na lalaki. Hindi pwedeng magpatuloy 'to.
And I'll do everything to save that child. He doesn't deserve to die. Mag-aaral pa siya, magiging successful at magkakaroon ng pamilya.
Sinubukan kong mag relax. Walang maitutulong kung kabahan ako. I will end up hurt if I don't calm down. Huminga ako ng malalim at tumingin ako sa labas.
"Sir? Nandiyan pa kayo?"
"Yes."
May naririnig akong mahinang hikbi ng bata. If I can hear that faint sob, I'm sure kung sino man ang nandon, maririnig din sila. And I'm one hundred percent sure na tatagos ang bala kapag binaril sila kahit nasa atique sila nagtago.
Tumingin ako kay Craige, lalo niyang binilisan ang takbo. Buti na lang walang masyadong traffic. I bet nagkakagulo na ang mga naghahandle ng traffic lights dahil hindi nila macontrol iyon. Ang astig lang. Matry nga sa EDSA 'to.
Nang makarating kami ni Craige sa subdivision kung saan nakatira si Sir Mateo, tumigil kami sa di kalayuan para hindi rinig ang maingay na tunog na nililikha ng paghinto namin. Nilagay ko sa bulsa ko ang phone ko.
Hindi pa halos nakakatigil iyon ay lumabas na ako at nagtatakbo na ako papunta sa bahay ni Sir Mateo. Buti na lang, trip kong silipin ang crush ko noong elementary ako kaya marunong akong umakyat ng bakod. Nang makababa ako ay smug na ngumiti ako kahit wala namang nakakakita. Meron pala, si Craige na kasalukuyang prenteng nakasandal sa maliit na puno.
"Uy! Paano ka nakarating diyan?" tanong ko sa kaniya.
"Since walang kahit na anong sign ng force entry sa labas. Obviously meron sa likod."
Tinignan ko ang pintuan na nandito sa likuran ng bahay nila Sir Mateo. Napangisi ako. Bukas nga. "Wow. Astig! Naisip mo iyon? Kaya mo talaga ang multi-thinking, no? Isa ba yan sa mga abilities ng mga extraterrestrial beings?"
"Whatever."
Tumakbo na ako. Kinawayan ko siya ng tumakbo siya papunta kung saan. Nanlaki ang mga mata niya ng makita akong papasok sa harapan ng bahay. Aba, 'yon ang tamang pagpasok sa bahay. Dapat sa harapan. Etiquette yon.
Hindi niya na ako napigilan kasi sinipa ko na ang pinto at siya naman ay kailangan na ding kumilos. Naabutan ko sa loob ang dalawang lalaking kasalukuyang tinatalian ang mga katulong nila Sir Mateo.
"HELLO WORLD!"
"Sino ka?!"
"I'm one of the Avengers. BlackWidow, tenenen! Boom! Behold! Dadating mamaya sila Iron Man, si super yummy Captain America, si Thor, si Hawkeye at si Hulk. Malelate lang sila pero si Captain America nandito na."
Nakatanga lang sila sakin habang nag-pose pa ako ng mga Jackie Chan moves with matching 'yaaah!'. May isang nakanganga pa habang nakatingin sakin.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Makikikain?" patanong na sagot ko.
I rolled my eyes then, hinila ko ang vase sa tabi ko at inilagay ko iyon sa tapat ng tummy ko. Then I flicked my hands like a baseball pitcher at pinatama ko iyon sa ulo ng isa sa kanila.
Bagsak! "Wew! Akalain mo iyon, magagawa ko pala. Ginaya ko lang kay Alice Cullen iyon eh."
Hindi nakaimik ang isa kaya nagpatumbling-tumbling ako at tinapat ko sa kaniya ang baril ko. Kaya ko din palang gayahin si Blackwidow. "BOOM!" panggugulat ko.
Napasinghap siya tapos biglang bumagsak sa sahig. Pero dahil hindi ako naniniwala sa ganon. Hinila ko siya patayo and there dumilat siya. "BOOM again!"
Pinalo ko sa kaniya ang baril this time at bumagsak siya ng walang malay. Tumakbo na ako paalis, paakat sa taas. Well syempre, alangan umakyat ako sa baba diba? Sinasapian ako ni Vice Ganda. Ang favorite kong horsie. Ang cool niya kaya. Siya lang sa lahat ang nambabara na hindi ako naiinis.
Iyong iba kasi parang ang trying hard. Si Vice kasi iyong tipong matatawa ka na lang. Sa iba naman parang tipong gusto mo na lang sapakin.
Pagdating ko sa taas, wala akong makita na kahit na sinong tao. "TAO PO! TAO POOO!"
Umupo ako sa sofa na nakita ko sa taas at may kinuha akong laptop. Astig. Nagtatrabaho pala si Sir Mateo kanina. Sinave ko muna iyon bago pa maexit. Ang hirap kaya mag-start ulit.
"Avery, nandito kami. Sa isa sa mga bathroom sa pinakadulong guestroom."
Tumakbo na ako. Napahinto lang ako ng may biglang humarang sakin na malaking lalaki. Mukhang extrang goons sa mga action films. Scary. "Hello, big show. Wala kang show?"
"Sino ka?"
"Julit julit? Member nga ako ng Avengers. Ako si Blackwidow. Hinihintay ko si Captain America—ayon na pala siya!"
Tinuro ko si Craige na binigyan ako ng What-The-f**k-Look. Aatake siya sana ng hindi namamalayan niyong lalaki pero dahil tinuro ko siya hindi na niya magagawa.
Well, hello? Feeling ko malakas ang pakiramdam ni Big Show, at saka may salamin sa likod ko na hindi ata nakita ni Craige. Makikita at makikita pa din siya.
"Anong ginagawa niyo dito?"
"Wala naman. Gusto lang naming makiparty sayo. Duh? Syempre huhulihin ka namin. Kapag hindi ka nagpahuli, (a) kukumbinsihin kita na sumuko, (b) bubugbugin kita kapag hindi ka pumayag, (c) papatayin kita."
"You can't kill me."
"Wow. Tropa mo si Edward Cullen at sila Damon Salvatore? Imortal ang peg?"
Sinipa ko siya pero ni hindi siya gumalaw. Mukhang wa-epek. Kung sabagay, mukha siyang puro muscle. Pero of course, hindi pa full force ang ibinibigay ko sa kaniya. Hintayin niya lang. Tinatamad pa ako.
"Nasaan sila Sir Mateo?" tanong ko.
"Wala akong planong saktan siya. Kailangan ko lang ang anak niya."
"Kung makademand ka, akala mo madali iyon. Para kang nanghihingi ng candy. Alam mo pare hindi madali iyong pinapagawa mo kasi." sabi ko.
Inakbayan ko pa siya na parang mag-tropa kami. Nanlalaki ang mga mata na tinignan ako ni Craige. Pinanlakihan ko din siya ng mga mata at tinuro ko ang guestroom. Tahimik na pumunta siya doon.
"Nasaan ba kasi sila?" tanong ko.
"Hindi ko alam."
"Weh?"
Nakaiwas ako ng biglang umigkas ang braso niya. Wew! Ngumisi ako at nang-aasar na tinignan ko siya na parang sinasabi kung iyon lang ba ang kaya niya. Sumugod siya papunta sakin. Umiwas ako at muntik na siyang mag-dive sa coffee table.
"Suko na kasi." nag-aasar na sabi ko.
"Hindi pwede! Kailangan mamatay ang batang iyon!"
"Bakit?"
"Iyon ang utos-"
"Whatever."
Pinatid ko siya ng lumapit na naman siya sakin. Naririnig ko sila Craige sa kabilang linya. Narinig ko din na sinabi ni Craige na wag ibaba ang phone. Hahanap sila ng ibang daan palabas.
"Thea—Avery., I'll be back." rinig kong sabi ni Craige.
"Okay, Captain."
"Be good."
"Aff aff!"
Narinig ko siyang bumuntong-hininga. May mga mahihinang yabag. May narinig ako na bumukas na bintana. Goodluck talaga. Mataas-taas din 'ang kinaroroonan namin in fairness.
Tinignan ko si big show. "Sinong nag-utos?"
"Hindi ko sasabihin sayo."
"Bakit? Akala ko pa naman friends na tayo."
Umakto pa ako na parang iiyak. Nang sumugod ulit siya sakin, kinuha ko ang salamin na nakasabit at inihagis ko papunta sa kaniya iyon.
Inihagis niya iyong pabalik na kaagad ko namang naiwasan. Napalingon ako sa likod ko ng may sumigaw...iyong dalawang lalaki sa baba. Nahulog. "Ouch. Ikaw kasi basta ka na lang hagis ng hagis eh. Baka napatay mo pa ang mga iyon."
"f*****g b***h-"
"Belat!"
Dinilaan ko siya. Napatigil ako ng bigla niya akong tinutukan ng baril. Bahala siya kung gusto niya akong barilin...kung kaya niya akong tamaan.
"You b***h!"
"I'm not."
"You're a b***h!"
"So amalayer?" pang-gagaya ko sa trending ngayon sa Twitter na si Amalayer.
Nag-dive ako at napangiwi ako ng maramdaman kong naipit ang hindi dapat maipit. Kailangan lang eh. Tumayo ako at umikot, kicking him in the process.
Patayo na sana siya ng bigla ko siyang tinalunan. Inipit ko ang leeg niya sa dalawang hita ko dahilan para mapahiga na din ako. Pero hindi naman ako ang nasa delikadong sitwasyon dito...siya.
"Either you die dahil nawalan ka ng hininga o mamatay ka kasi babaliin ko ang leeg mo. Now sino ang nag-utos sayo?"
"A-Ack..."
Napakamot ako sa batok ko at pinakawalan ko siya. Hinayaan kong nakatutok sa kaniya ang nakuha kong baril niya pati na ang hawak kong baril. Hawak-hawak niya ang leeg niya.
"Ano?" tanong ko.
"Si..."
"Ang tagal ha? Magugunaw na ang mundo, wala parin. Dali na! Excited na ko!"
"Hindi ko alam."
Nalaglag ang panga ko. Sa pagkakatingin ko sa kaniya, mukha ngang wala siyang alam. Sinusunod niya lang ang utos sa kaniya, pero hindi niya alam kung kanino nanggagaling ang command.
"Alam mo, delikado yang trabaho mo. Sunod ka ng sunod sa utos eh hindi mo naman pala kilala. Paano kung may manloko sa inyo, iyon pala bitag na ang papasukin niyo?"
"Hindi mangyayari iyon."
"Well actually, nangyari na. Since hindi man sinasadiya, nasa bitag ka na ngayon. Black Widow...that's me.. Gagamba, you know? At ngayon nasa sapot na kita."
Tumalon ako at sinipa ko siya direkta sa mukha. Sumadsad siya sa pader sa likod niya at bumagsak siya sa sahig ng walang malay. Astig. Sumali kaya ako sa WWE at kalabanin ko si Big Show?
Makikita ko pa ang gwapong si John Cena- On second thought, wag na lang pala. Mas gwapo kasi ang akin.
"Hi Captain! Okay na ako dito."
Lumapit siya sakin at tinignan ang pisngi ko tapos ang leeg ko na gumasgas siguro kung saan-saan. He looked at it tenderly.
"Boss, Sir, Among tunay?"
"Are you okay?"
"Hindi nga eh."
Mukhang naalarma siya. Hinanap niya kung saan ang sumasakit sakin. Kinuha ko ang plug sa tenga ko at pinatay ko na iyon. Tapos na nilagay ko sa bulsa ko.
"Saan ang masakit? Dadalin kita sa hospital-"
"Dito."
Ngumuso ako. Napahinto si Craige at pagkaraan ay napangiti siya. Then he kissed my puckered lips. Ayan, hindi na siya masakit.
Nawala na ang imaginary sakit ko.