CHAPTER 9
ALTHEA'S POV
Nakaupo ako sa swivel chair ng desk ko habang nakaikot iyon paharap kay Craige. Hawak ko ang cellphone ko habang naglalaro ako ng tetris. Siya naman ginagawa ang trabaho ko. Tinatamad kasi akong gumawa at saka nag-iisip ako. Hindi nga lang halata. Kinakalawang na ata lahat ng pinag-aralan ko.
Pero kidding aside, nag-iisip talaga ako. Mas narerelax kasi ako kapag naglalaro ako habang nag-iisip ng tungkol sa mission. Unique kasi ang mga brain cells ko kaya unique din ang way kong mag-isip.
Napadiretso ako ng upo ng mapatingin sakin si Craige. Kumaway ako sa kaniya at ngumiti. Napailing na lang siya at ipinagpatuloy ang ginagawa niya. "Galing mo talaga Boss, Sir, Among Tunay. Kaya mo yan. Go Boss! Go Boss!"
"Quiet."
Nagpout ako at tumahimik. Sumandal ako sa upuan ko at umikot ako ng umikot. Makapagpalagay nga ng ganito sa villa ko sa The Camp or rather papalitan ko lahat ng upuan sa bahay ng swivel chair.
Napapahagikhik ako ng bumilis na ang ikot ko. Pakiramdam ko maduduling na ako sa kakaikot ko pero nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko.
At dala ng kabaliwan na dapat ay expected ng mangyari sa magandang baliw na katulad ko ay nagkamali ako ng apak dahilanpara mapatumba ako. Napatili ako ng muntik na akong sumubsob kung hindi lang may sumalo sakin. Napangiwi ako dahil sumadsad ang tuhod ko sa sahig. Siguradong mas malakas ang impact niyon kung hindi lang ako nasalo ng walang iba kung hindi ang bossing ko.
Nag-angat ako ng tingin at nagpeace sign ako sa kaniya. Bumuntong-hininga siya at hihilahin na sana ako patayo ng bigla akong umunan sa hita niya. Thea's Lazy Day ata ngayon. Tinatamad akong mag-effort na tumayo.
Pagkatapos kasi ng kissing scene namin ni Craige sa labas ng conference room, bigla atang na drain lahat ng energy ko sa katawan. Iyon ata ang powers ni Craige. Kung baga kung si E.T., telekinetic, si Craige naman ng de-drain ng energy. E.T. Phone home! Craige phone home!
"Will you please sit down? Keep quiet and don't move."
"Nakaupo naman ako ah."
"Sa upuan."
"Ayoko, dito muna ako. Wala akong magawa kaya dito na lang ako tatambay. At saka inaantok ako."
"Bakit kasi hindi mo na lang gawin 'tong trabaho mo?"
"Tinatamad ang mga fingers ko."
Bumuntong-hininga na siya at hindi na nagsalita. Tahimik na umupo na lang ako doon habang nakaunan parin ako sa hita niya at naglalaro ng tetris.
Pagkalipas ng ilang sandali parang gusto ko ng dikdikin ang cellphone ko dahil lagi akong na ge-game over. Nanggigigil na pinatay ko iyon at itinapon ko sa ilalim ng desk ni Craige. Tapos bumalik na ako sa pagkakaunan ko sa kaniya.
Naningkit ang mga mata ko ng makita kong umilaw iyon. Gumapang ako papunta sa ilalim ng desk ni Craige at binasa ko ang message. Napasimangot ako ng makita kong group message lang pala iyon ng mga bitter sa The Camp.
FR: Quin ni Hade
"Ang tapat na lalaki parang dinosaur lang yan. Extinct na." -inday banat
#babaerojerktwotimer
Binasa ko naman ang isa pa.
FR: Hade ni Quin
Ang mga babae kasi parang terror na teacher lang. Hindi marunong mag-intay ng paliwanag.
#tamanghinala
Napailing na lang ako. Mga bitter talaga. Hanggang sa text nagpaparinigan. Bakit kaya hindi na lang sila mag-usap ng magkaharap?
Napasinghap ako ng mauntog ako sa desk ng biglang bumukas ang pinto. Nakita kong umuklo si Craige para hawakan ang ulo. Napangiwi ako.
"I'll bet this company that that's Avery. It's against the policy of the company pero since bago pa kayo kunwari wala na lang akong nakita."
Nagmamadaling gumapang ako palabas at namumula ang mukha na ngumiti ako kay Sir Mateo na naaliw na nakatingin samin. Nilingon ko si Craige at nakita kong namumula din ang mukha niya.
"A-Ano...kasi pinulot ko lang po iyong cellphone ko. Wala po kaming ginagawa, promise! Cross my heart! Mamatay man ang kalahi ng alien na yan!"
Tumango si Sir Mateo at lumapit sakin. Ginulo niya ang buhok ko na parang bata. Mukhang naaamuse siya sakin. Napangiti ako sa ginawa niya. Kung may kuya lang ako, sana siya na lang. Ang gwapo pa.
Napatingin ako kay Craige ng bigla niya akong hinila palapit sa kaniya. Kulang na lang pumasok ang kaluluwa ko sa kaniya sa sobrang pagkakadikit namin. Wala na namang ekspresyon ang mukha niya. Back to alien mode na naman siya.
"May ginagawa talaga kami, Sir. I'm sorry. It won't happen again." sabi ni Craige.
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Nakangiting tumango si Sir Mateo at may ibinigay sa kaniya na folder. Wala na akong naiintindihan sa pinag-uusapan nila hanggang makaalis si Sir Mateo.
Parang umakyat lahat ng dugo ko sa katawan papunta sa mukha ko. Sigurado akong namumula ang mukha ko.Tinignan ko si Craige. Naglalakad na siya pabalik sa desk niya.
"Bossing!"
Lumingon siya sakin at nagmamadaling tinalunan ko siya. Bumagsak kami pero wala akong pakialam. Kinubabawan ko siya at pinagpapalo na naiilagan naman niya. "Walanghiya ka! Hindi na ako makakapg-asawa! I hate you to the bottom of the deep deep sea!"
Sabay kaming napatingin sa pinto ng bumukas yon. Nakangiting sumungaw ang ulo ni Sir Mateo. "Remind me—nevermind." natatawang sabi ni Sir Mateo at sinarado na ang pinto.
Bumalik ang tingin ko kay Craige na prenteng nakaunan sa dalawa niyang kamay. He lazily look up to me na parang hinihintay kung anong gagawin ko. Damn it.
Naiinis na tumayo ako at nagdadabog na umupo ako sa swivel chair. Kahit kailan talaga kapag nasa malapit si Craige napapahamak ako. Makabili nga ng lucky charm sa kung saan-saan. Ilalagay ko lahat sakin para may pangkontra ako sa powers ni Craige. Mahirap na baka magkaroon ng alien invasion dito sa planet Earth.
"I told you. Wag kang lalapit sa kaniya."
"Hindi naman ako ang lumapit ah! Mahirap lang talagang tanggihan ang nakakahalina, kaakit-akit, at nakakabaliw na alindog ko."
"Alindog? Where?"
Napasinghap ako. Madilim ang anyo na lumapit ako sa kinauupuan niya at umupo ako sa kandungan niya. Natulala siya ng makaface to face niya ang cleavage ko na malapit ng kumawala sa suot ko.
"Ano ulit ang tanong mo?"
"W-Wala. Sabi ko...every inch of you shouts with the word 'seductive'."
Satisfied na tumango ako at bumalik ako sa upuan ko. Sumubsob ako sa table habang binubuksan ko ang camera ng cellphone ko. Pinicturan ko ang sarili ko at hindi pa ako nakuntento dahil humanap pa ako ng ibang pose.
Merong nakasandal sa swivel chair. Nakataas ang paa sa lamesa. May nakapout. May nakasimangot.
Napatingin ako kay Craige ng maramdaman ko na nakatingin siya sakin. Kagat-kagat niya ang dulo ng ballpen habang pinapanood ako.
Lumapit ako sa kaniya at umupo ulit ako sa kandungan niya. Pagkatapos ay hinila ko ang magkabilang pisngi niya para ngumiti siya. Tinapat ko samin ang camera at ngumiti ako ng mag-flash ang phone ko. Dali-daling tinignan ko ang picture namin. Napangiti ako ng makita ko ang half smile ni Craige.
"Aba akalain mo yon. Bagay din pala ang tao at alien." sabi ko.
"I'm not an alien."
"Sure ka?"
"Yes."
"Weh?"
Kinalikot ko ulit ang cellphone ko at tinignan ko ang pictures namin. Pagkaraan tinapat ko iyon ulit kay Craige at kinunan ko siya ng picture. Iisa lang naman ang ekspresyon ng mukha niya pero ang gwapo-gwapo parin niya. Lalo na ng umangat ang gilid ng mga labi niya. His version of a smile.
Tumayo na ako ng makita kong marami pa siyang gagawin. Bumalik ako sa puwesto ko at binuksan ko narin ang computer. Binuksan ko ang isang page non at may inenter akong code.
May lumabas na search engine. Ang kaso hindi siya katulad ng google. Search engine to para sa mga agents ng The Camp. Kahit nasaan kami basta kabisado lang namin ang code, magagawa namin itong pasukin. Mas madaling mag-search dito dahil puro tao, lugar at tungkol lang sa mga makakatulong sa mga mission namin ang mga nandito.
Nag-search ako ng tungkol sa Ever Dreams at ganoon din ang lumalabas katulad ng alam ko na sa kanila. Pero may nakakalimutan ako.
May something na hindi ko maalala. At saka, pakiramdam ko may naging mission na ang The Camp sa Ever Dreams. Pasimula pa lang ako noon at sandaliang mission lang ang ginawa ko. Not the cup of tea of The Camp pero sinubukan ko dahil bago pa lang naman ako.
"Bakit may pakiramdam ako na may naging mission ako o isa sa atin tungkol sa Ever Dreams?"
Napatingin si Craige sakin sa sinabi ko. Napahinto siya sa ginagawa niya at napaisip din. Sigurado akong alam niya lahat ng dumadaan na mission sa bawat agents. Tinatapik-tapik niya ang lamesa habang nakatingin siya sakin.
Hindi ko tuloy maiwasang hindi matignan ang itsura niya. Ang gwapo niya talaga. Kahit casual or formal man ang suot. Yung porma niya ngayon ay iyong tipo na parang kikiligin ka na lang kapag dumaan siya. Iyong isa-isa mong tatanggalin ang butones... coat... yung... pants--
SAVE ME FROM TEMPTATION!!
"Damn!"
Nag-angat ako ng tingin mula ng pagkakatingin ko sa pants niya. Tinaasan ko siya ng kilay ng parang may naalala siyang kung ano. Lumapit siya sakin at napasinghap ako ng dumukwang siya sa computer sa harap ko at may sinearch sa mission directory ko.
Ang bango—
"Hey! Look."
Napamulat ako. Hindi ko alam na napapikit na pala ako. Pinilig ko ang ulo ko para mawala ang kung anong masamang elemento na pumasok sa utak ko at tumingin ako sa tinuturo niya.
Tumaas ang kilay ko. First mission ko pala iyon. Kaya pala hindi ko maalala. Ang tagal na non eh. May hinuli ako na nagtitinda ng mga pekeng produktong ng perfume, soap at lotion, ng Ever Dreams. Mura pa ang tinda nila.
"Naalala ko na. Nalaman pa nga natin na after matanggal ang fake shop na iyon bigla ding sumunod yung iba na parang magkakakonektado sila." sabi ko.
"Yup. Actually, meron tayong mission sa The Camp na tungkol sa Ever Dreams. Hindi ko pa lang inuna iyon kasi may mas malala pa. It looks like pwede na nating isabay dito."
Napatango ako.
"Ano na namang meron sa Ever Dreams?" tanong ko sa kaniya.
"May source na nakapagsabi, isa sa mga nagtayo ng fake Ever Dreams, na mismong Ever Dreams daw ang naglalabas ng fake na produkto nila. Iba daw ang ginagamit sa mga products at itinitinda nila sa lugar na alam nilang hindi maaafford ang mataas nilang presyo. Doon nila ibebenta ang mura na fake products nila."
"Hmm...sideline kung baga."
Well that's a bad sideline since may namatay na dahil doon. Pinacheck pa namin iyon dati at may mga chemicals na ginamit na hindi dapat. Pero, ano naman ang connection non sa mga missio tungkol kaila Parker?
"So may away sila? Saan nagsimula?" I asked.
"Hindi pa sigurado dahil nanahimik na ang Ever Dreams dahil mukhang nakakahalata sila na may nakatunog na naman sa ginawa nila"
Tumingin ako ulit sa computer. Bakit pakiramdam ko walang kinalaman ang Ever Dreams sa pagkamatay ng mga anak nila Parker? Dahil kung tutuusin, magkaaway sila sa negosyo pero walang purpose para patayin ang mga bata.
Ano naman sa Ever Dreams kung hindi na kumalat ang apilido ni Sir Mateo at ng mga kaibigan niya? Duda ako tungkol dito. Pakiramdam ko meron kaming nakakaligtaan ni Craige.
Hindi pa nga lang namin alam kung ano, but soon... it will reveal itself.
"Boss, Sir, Among Tunay. Kain na tayo. Gutom na ako eh."
Tumingin siya sakin pagkatapos ay nagkibit-balikat. Tumayo siya at tahimik na inintay ako ng tinanggal ko lahat ng history at ang code. Hindi nila mata-track iyon dahil protected iyon. Kinuha ko ang shoulder bag ko at nauna na akong lumabas. Si Craige na ang nagsarado ng pinto.
Like a true blue gentleman.
Buti kahit minsan tinatamaan parin siya ng pagiging gentleman niya. Para kasing blue moon yang pagkagentleman ni Craige, minsanan lang.
Bumaba kami at pumunta kami sa restaurant sa baba ng kompanya ni Sir Mateo. May mga empleyado na kaming nakikitang kumakain doon.
Naningkit ang mga mata ko ng makita kong nakasunod ang tingin ng mga kababaihan kay Craige. Kulang na lang hubaran nila sa titig si Craige na hindi naman sila pinapansin.
Umupo kami sa pandalawahang mesa at umorder na kami. I mean siya. Hinayaan ko na siyang mag-order dahil lahat naman kinakain ko. Busy ako sa pagtingin ng masama sa mga babae sa paligid.
Kapag hindi ako nakapagpigil gagawin ko silang sahog sa ulam.
"Stop glaring at them."
"I'm not—konti lang naman."
"Stop it. They're not worth your time."
"Tama! Dahil kahit ang tingin ko diamonds kaya maswerte ka kasi tinitignan kita."
Napailing na lang siya at nilabas niya ang cellphone niya. Titignan ko sana ang kagwapuhan niya habang nagte-text siya, ang kaso may babaeng istorbo na bigla na lang lumapit samin. Nakangiti siya samin or rather kay Craige. Kulang na lang lunukin niya ng buo si Craige sa pagkakatingin niya.
"Hi, I'm Jade Reyes. Ngayon lang kita nakita dito. I hope you enjoy the food here, it's delicious like you." natatawang sabi ni Jade.
Parang sasabog na ang ulo ko dahil sa sobrang dami ng dugo na umakyat sa utak ko. Pakiramdam ko kasama pa don pati dugo na galing sa beating heart ko. Ang landi. Tinalo pa ko. World record.
"Hi, Miss-You're-So-Rude. It's nice meeting you and I hope you enjoy the food here dahil yon lang ang kakainin mo... not like me. You don't need to state the obvious because I can tell you, he tastesdelicious." sabi ko.
Tumingin sakin ang babae. Iyon ang pagkakamali niya.
Binigyan ko siya ng pinakabitchy glare ko na namaster ko na mula ng natutunan ko ang salitang 'bitchy'. Ilang tao na ang pinaatras ko sa tingin ko na yon at hindi naman pala siya exemption dahil napaatras nga siya.
Ngumiti ako ng matamis pagkatapos. Making me more scarier, I think. Sinundan ko siya ng tingin bago ko ibinalik kay Craige ang tingin ko.
"What?"
"Bakit mo tinakot iyong babae?"
"Fine. Edi, pababalikin ko para bukas ang next ko na sasabihin sayo 'best wishes' dahil napikot ka na ng nagpapanggap na babae na yon."
"Babae naman talaga siya."
"Whatever! Maiwan ka na nga diyan, tatawagin ko na—"
Bago pa ako makatayo, hinila niya na ako at pinaupo. Magpupumilit pa sana akong tumayo ang kaso biglang lumapit yung waiter at nilagay sa harapan ko ang order namin. Pakiramdam ko umilaw ang mga mata ko at pakiramdam ko din nakaglue na ako sa upuan ko. Nagugutom na ako kaya mamaya na ako magtatampo.
"Kakain na lang ako dito, ikaw na ang sumunod doon sa Miss Boobs na iyon."
"She's not my type and anyway. I prefer your 34 C."
Napatingin ako ng wala sa oras sa dibdib ko. Sa pagkakatanda ko 34 C nga ako. Paano niya nalaman yon? O hidden talent iyon ng mga lalaki at kaya nilang sumukat gamit ang tingin lang?
"So tinititigan mo? Tsk tsk. May HD ka talaga sakin."
"High Definition?"
I rolled my eyes at him. Alien talaga. Wala na ngang sense of humor, wala pang alam sa planet Earth. Hindi ata uso sa Planet Chumurereng ang mga abbreviation.
"Boss, Sir, Among Tunay. Ang ibig sabihin ko sa HD. Hidden desire."
"Hmm."
"What?"
"Nothing. Gusto ko lang itanong... anong gagawin mo kung meron nga?"